Rhodora Nasaksihan ko kung paano gumiling ang camera sa harap ng mga modelo, kabilang si Skyler. Kung paano sila gumalaw nang may kumpiyansa, bawat anggulo ay kalkulado, bawat titig ay tila may intension. Para akong nanonood ng isang live na editorial shoot sa isang prestihiyosong fashion magazine. Si Skyler, sa kabila ng pagiging presidente ng kumpanya at undercover agent, ay parang isinilang para sa harap ng camera. Swabe ang bawat galaw niya—mula sa bahagyang paglingon hanggang sa paghawak sa kwelyo ng suot niyang robe. Kabisado niya kung kailan dapat ngumiti, dumungaw, o tumitig nang madiin. Wala siyang kailangang sabihin; sapat na ang presensya niya para mapuno ang buong frame. Mula sa pagkakaupo ko sa gilid ng set ay hindi ko mapigilang mapatulala. Sa bawat pose at bawat click ng