TWO MONTHS LATER Rhodora Sa loob ng dalawang buwang nakalipas ay naging tahimik na ang aming pamumuhay. Nagpaabot ng financial na tulong ang mga Lirio upang maipaayos muli ang aming nasirang bahay. Ayaw sanang tanggapin ng mga magulang namin, pero nagpumilit sila at ipinabatid na tanda lamang daw iyon ng kanilang sinseridad, respeto at pagsisisi para sa nagawa ng kanilang anak sa amin. Gusto daw nilang maayos muli ang relasyon ng dalawang pamilya, lalo na para sa patuloy na pagkakaibigan namin ni Mariel at ni Skyler na ikakasal naman sa akin. Pero nagdagdag ng malaking tulong ang pamilya ni Skyler para gawing bago ang buong bahay at mga kagamitan. Sa ngayon nga ay under-construction pa rin ang bahay namin, at napakalaki na nito ngayon, na animo'y mansyon na rin. Pinadagdagan ito ng