Empress
"Who's near my location?" tanong ko sa team through my earpiece habang pasimpleng tumatanaw sa labas ng Café Astrid.
Kanina, habang sakay ako ng taxi ay agad kong napansin ang dalawang motorsiklong tila sumusunod sa amin. Kaya sinabi ko sa driver na ibaba na lang ako sa isang coffee shop na nadaanan namin.
Pagkababa ko ay agad ding huminto ang dalawang motorsiklo sa 'di kalayuan. Umalis na ang taxi pero nanatili pa rin sila roon, na waring naghihintay. Doon pa lang, alam kong ako ang pakay nila.
Hindi ako sigurado, pero malakas ang kutob kong mga tauhan sila ng mga Montgomery. Kung hindi utos ni Magdalene, baka galing kay Shield, ang panganay niyang anak.
I went inside to observe them from behind the café's glass wall. Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin sila umaalis. Hindi ko makita ang mga mukha nila dahil nakasuot sila ng mga itim na helmet.
"Sa wakas, nagparamdam ka rin. Saan ka na naman ba naglalakwatsa?!" Nabosesan ko si Silver sa kabilang linya. "Tatawag ka lang kapag may kailangan ka."
"Where are you?" Skipper asked seriously.
"Two motorcycles are tailing me. I can't go back to the apartment," I told them.
"Café Astrid?" Silver asked. Na-trace niya kaagad ang lokasyon ko.
"Yeah, I'm inside but looking for a back exit." I scanned the area, searching for an emergency exit or any possible way out other than the front door.
Sa dulong bahagi ay may maliit na hallway na patungo sa comfort room. Sa gilid nito ay napansin ko ang isang pintuang bakal na may karatulang "Staff Only."
Puwede 'to.
"I'm nearby. I'm on my way," Silver responded on the other end, bago ko narinig ang malakas na hugong ng motorsiklo niya.
Tumayo na ako mula sa silya. Sumilip akong muli sa labas ng coffee shop. Napahinto ako nang makita kong naglalakad na ang isang lalaki patungo sa pintuan. Bitbit na niya ang helmet niya kaya naman nakikita ko na ngayon ang pamilyar niyang mukha. At hindi nga ako nagkamali, isa siya sa mga tauhan ni Shield.
Pinasundan nga niya ako.
Mabilis ko nang tinungo ang maliit na hallway at huminto sa pinto na may karatulang "Staff Only." Mahigpit kong hawak ang strap ng bag kong nakasakbit sa balikat ko. Lumingon ako sa paligid, at napansin ko na abala ang mga staff sa pagsi-serve sa mga customer, kaya wala pang nakakapansin sa akin.
Hindi na ako nag-atubili pa, lalo't natanaw kong nasa pinto na ang lalaki at makakapasok na dito sa loob. I quickly pressed on the door and slowly pushed it open.
Tumambad sa akin ang makitid at madilim na likurang bahagi ng café—storage room pala ito. The scent of coffee hung in the air. There were lots of boxes, but the place was neat. Mabilis akong pumasok at sinarado ang pinto nang marahan. Huminga ako nang malalim habang pilit inaaninag ang susunod kong daan.
Sa kabilang dulo ng silid ay may natanaw akong isa pang pinto. Nakalagay doon ang karatulang "Emergency Exit."
"Perfect."
Tumakbo na ako patungo roon, kasabay ng mahinang kaluskos ng mga kahon sa gilid. Pagkabukas ko sa pinto ay sinalubong ako ng malamig na hangin at liwanag mula sa kalye sa likuran nitong café. Wala akong sinayang na oras.
"Silver, I'm at the back. I need a ride. Now," I whispered into the earpiece as I ran outside.
Hindi pa man nagtatagal ay nakarinig na ako ng malakas na hugong ng motorsiklo. Lumingon ako sa likuran ko at doon ko nakita ang motorsiklo ni Silver na paparating. Sakay siya nito habang suot ang black helmet, na nakataas ang visor. Bukod pa ang suot niyang sunglasses, pero nakikita ko ang pagngisi niya. Balot na balot din siya ng itim niyang leather jacket at protective gear—pangkaraniwang bihis niya tuwing may operasyon kami.
Tumigil siya ilang pulgada lang sa harapan ko, ang gulong ng motor ay huminto sa maikling skid.
"Hop on!" aniya sabay senyas ng ulo.
Agad akong tumalon nang pasaklang sa likod ng motorsiklo kahit pa naka-dress ako. Mahigpit akong kumapit sa baywang niya. Wala pang dalawang segundo ay muli na siyang umatras at mabilis na lumiko, palayo sa eskinita sa likod ng café.
"Who the f**k were those guys?" Silver asked as we made our way onto a clearer road.
"Mga bangaw," sagot ko lang.
"What happened with your mission?"
"Of course, I nailed it. And guess what? I've got good news. Ako pa ba?"
Natawa siya, na halos hindi ko na marinig dahil sa lakas ng hangin at ugong ng makina. "That smug tone of yours tells me it's something big."
Ngumiti lang ako at hindi na sumagot.
Pinaharurot naman niya ng mas mabilis pa ang motorsiklo.
Tinangay ng malakas na hangin ang aking buhok. Sana lang, walang bantay na huhuli sa amin sa daan dahil wala akong helmet. Kundi, makikipaghabulan na naman kami nito sa mga police.
***
HINDI NAGTAGAL ay nakarating kami sa safehouse. Mabilis akong bumaba mula sa motorsiklo habang mahigpit na hawak ang strap ng bag ko.
"Thanks!" ani ko kay Silver na kasalukuyang naghuhubad pa lamang ng helmet niya.
Nauna na akong pumasok sa loob.
Mula sa labas, walang makakapagsabing isa itong high-tech facility. Luma ang pintura, may mga bitak sa pader, at sa unang tingin ay parang bahay na iniwan na ng panahon. Pero pagkapasok pa lang sa pinto, biglang nagbabago ang lahat.
Welcome to Delta's safehouse.
Ang Delta ang pangatlong organisasyon na itinatag ni General Vincent Parker—isang classified covert unit ng mga elite undercover agents na kumikilos sa mga high-risk missions na hindi na kayang resolbahin ng ordinaryong pwersa. Walo kami sa team, at ang safehouse na ito ang nagsisilbing sentro ng lahat ng operasyon namin kapag nasa lungsod.
Pero anim lang kaming kumikilos ngayon dahil ang dalawa sa amin na sina Andrei at Geoffrey ay may mga personal na problemang kinakaharap.
Ang pinuno namin ay walang iba kundi ang bunsong apo ni General Parker, Angelica Parker—isang strategist at tech expert. Ang pinuno ng Alpha ay si Cedric Parker—panganay sa kanila, at sa Betha naman ay si Liam Travis Parker, ang pangalawa nilang kapatid.
Pagpasok sa loob ay bumungad agad ang malawak na receiving area na may polished obsidian floors at adjustable ambient lighting. Sa gitna nito ay may circular leather sectional sofa na kulay itim, nakaikot sa isang custom-made interactive coffee table na may built-in hologram map ng buong siyudad. Ang isang pader ay isang giant LED screen na konektado sa central surveillance feed—24/7 na binabantayan ang kilos ng mga target, checkpoints, at iba't ibang threat zones.
Sa kaliwang wing ay may walong individual sleeping quarters—tig-isa para sa bawat agent. Lahat ito ay may biometric locks, soundproofed walls, hidden compartments para sa personal weapons, at panic buttons na diretso sa command room. May dalawang communal bathrooms na high-tech din: motion-sensor showers, medic cabinets, at quick-change booths para sa disguises.
Sa kanan ng safehouse ay naroon ang open-concept kitchen and tactical dining zone. High-end appliances, granite countertops, at isang reinforced dining table na may built-in digital map at mission logs. Sa likod ng isang sliding pantry door ay may hidden supply storage—nandito ang forged IDs, burner phones, disguise kits, emergency medical kits, at black market currency.
May isang indoor gym at training area sa likod ng main hall, kumpleto sa weapons testing zone, VR combat simulation chamber, at hand-to-hand sparring mats.
Ang pinaka-importanteng bahagi ay ang mga hidden exits at ang underground transport hub. Sa likod ng isang false wall sa library-style study room, may lihim na access tunnel na bumababa sa underground bay. May tatlong exit routes ang tunnel: Papunta sa abandonadong warehouse. Isang underground sewer access malapit sa eskinita. Isang maintenance shaft sa parking basement ng katabing gusali.
Sa ilalim nitong bahay ay matatagpuan ang vehicle hangar—isang reinforced underground garage kung saan naka-park ang: 2 matte black SUVS with full armour and jamming tech, three stealth motorbikes na kayang umabot ng 230kph, one tactical van na may surveillance control centre, at one civilian-type car na modified para sa quick escapes. Bawat sasakyan ay may sariling tracking jammer, weapon storage, at comms link sa central.
Pagkapasok ni Silver, isinabit niya ang helmet at itim na jacket niya sa smart rack na awtomatikong nagdi-disinfect ng gear.
"Home sweet home!" aniya.
Wala kaming makitang tao sa paligid, kaya dumiretso na agad kami sa central command room—ang puso ng buong safehouse. Pagbukas ng reinforced sliding door ay bumungad agad sa loob ang mga kasama namin, at tila kami na lamang ni Silver ang hinihintay.
Isa itong malawak at high-tech na silid, may anim na malalaking monitor sa pader na nagpapakita ng satellite feeds, security cams, at real-time mission data. Sa gitna ay isang interactive digital table kung saan ginagawa ang mga briefing at simulation, at dito sila ngayon nakapalibot.
"You're here. Mukhang nagtagumpay ka na sa assignment mo," nakangising turan sa akin ni Aegia.
I couldn't help but smile as I walked toward Angel. "A, good news," I said to her, dropping my bag onto a chair.
"Just make sure it's really good news," walang emosyon naman niyang sagot.
Mas lalo naman akong napangisi. "Ako pa ba? I've met him. Shield Montgomery."
"Montgomery?" agad na tanong ni Silver na mukhang nagulat at mabilis na lumingon kay Skipper. Naupo na rin siya sa isang silya.
Mabilis namang dinampot ni Skipper ang bottled water sa table at sunod-sunod na ininom ang laman nito.
"So, who is this Montgomery? His background?" tanong ni Angel, na ikinalingon kong muli sa kanya.
"Shield is the son of the richest couple in our country Mr. Serafin Montgomery and Mrs. Magdalene Montgomery. She has a sister named Selenah Montgomery, na sa pagkakaalam ko ngayon ay pauwi na from America."
"Eherm!" Bigla na lamang tumikhim ng malakas si Silver na siyang ikinalingon namin sa kanya. Nakangisi siya habang nakatitig kay Skipper.
Binigyan naman siya ni Skipper ng matalim na tingin.
Napakunot ang noo ko sa nangyayari sa kanilang dalawa, pero hindi ko na muna sila pinansin. Muli akong bumaling kay Angel.
"And here's more—they practically own almost every island in the country, even some outside it. At ang balita ko ay ikakasal itong si Shield Montgomery sa isang ka-business partner nila na Villaroel." Kanina kasi bago ako umalis ay nagtungo muna ako sa opisina ni Magdalene, at malinaw kong narinig ang mga pinag-usapan nila.
"Villaroel?!" bigla namang sigaw ni Aegia, na siyang ikinalingon namin sa kanya.
Napangiti naman ako. "Yes, what's her name again? Parang H-Heskel. H-Heyasi. Argh! I forgot!" Medyo kakaiba kasi ang name kaya hindi kaagad ito tumatak sa isip ko kanina.
"Hescikaye. Hescikaye Villaroel," bigla namang sagot ni Aegia.
Namilog bigla ang aking mga mata. "Ang galing mo! How did you know that?"
"Best friend ko."
"Baka naman girlfriend mo?" tumatawang sabat ni Silver.
"Ganun na rin 'yon. Alangan namang boyfriend, eh babae 'yon," nakangiwing sagot ni Aegia. "Wait lang. Hindi pwedeng ikasal ang best friend ko sa isang sadist!"
"Wait. Nagmamay-ari ng halos lahat ng Isla? Hindi kaya may kinalaman sila sa Islang nawawala?" singit naman ni Glecy.
"Exactly! They might even be connected to the island we've been searching for," ani Silver. "Wala talaga akong alam sa background ni Selenah noong nag-aaral pa kami, so I was honestly shocked to find out that her family owns almost every island in the country." Bumaling siya kay Skipper. "Ikaw, Skipper. May alam ka ba?"
"Wala," walang emosyong sagot muli ni Skipper, pero parang may malalim siyang iniisip.
"Owsiiiii—aray!" daing ni Silver nang batuhin siya ni Skipper ng plastic bottled water at tumama ito sa kanyang noo.
Hindi ako makapaniwala na kilala pala nilang dalawa ang mga Montgomery.
"So, how did you know all this, E?" tanong ni Angel, na ikinalingon kong muli sa kanya.
"Because of my relentless observation of Shield, I asked a few employees and customers at the bar, and I also did some research. I found out that her mom is a bikini designer, at pagmamay-ari nila ang Selenah Intimates Lingerie. Naghahanap sila ngayon ng mga bagong modelo, so I did everything I could to get in. Actually, I just came from there earlier, at ginanap na kaagad ang first shoot ko. Malay niyo, ma-discover ako at sumikat bilang beauty queen. Oha!" Hindi ko napigilang magmartsa sa harapan nila habang kumakaway ang isa kong kamay at ang isa naman ay nasa baywang ko.
"Ang pangit. Nakakasuka," nakangiwing sabi ni Silver.
"Ang sama mo! Mas pangit ka!" agad ko rin namang sigaw sa kanya.
"So, what's next?" Angel asked again, still frowning with cold, intense glares.
"Oh, my maganda kong skin! Nakapasa ako! Awie! Modelo na 'ko!" Hindi ko napigilang tumalon-talon sa tuwa. Hindi ko rin naman talaga ini-expect na makakapasok kaagad ako bilang modelo kanina nang ganun lang kadali.
"Paano kaya naging agent 'to?"
Napahinto naman ako sa sinabing 'yon ni Silver.
"Tse! Pakialam mo!" sigaw kong muli sa kanya.
"At bakit naman sumali ka pa d'yan?" tanong naman ni Aegia.
"Ano ba naman kayo? That was a brilliant idea!" sabay taas ng kilay at kumpiyansang ngiti. "Now I've managed to get inside the Montgomerys' world. I'll be able to dig deeper into their family. Who knows? Baka may mga baho silang tinatago. Just look at their son—he already acts like the devil himself!" I added with a dramatic eye roll. "And don't forget those mysterious resorts we've been investigating. Right? Right? Oh—and wait! Nagkausap nga pala kami kanina ni Magdalene. Naghahanap siya ng driver-bodyguard para kay Selenah."
"Ah-hem! Ah-hem! Ah-hem!" sunod-sunod na tumikhim muli si Silver habang natatawang nakatitig kay Skipper.
"Bakit ka ba eherm ng eherm? May TB ka ba?!" inis na tanong naman ni Aegia kay Silver.
"TB ka d'yan. Hina din ng kokote nito, eh," ani Silver sa kanya habang kumakamot sa gilid ng leeg.
"Wow, talino mo, Par," sagot naman ni Aegia.
Si Glecy ay napapakamot na lang sa ulo habang pinagmamasdan ang dalawa.
"Alright, here's the plan," ani Angel, kaya tumahimik nang muli ang lahat at nakinig sa kanya. "E, continue as Magdalene Montgomery's model. Get close to them, and once you've done that, suggest you have a great friend who could be their daughter's bodyguard. Skipper will take on that role."
"Eherm! Oo agad!" panunukso na naman ni Silver kay Skipper.
"Wala na tayong dapat pang alalahanin dahil nai-suggest ko na kaagad kanina kay Magdalene ang isa sa mga kaibigan ko. At isama ko raw kaagad sa kanya," agad kong sagot sa kanila.
"Yown naman pala! Wala naman na palang problema! Tanggap kaagad ng biyenan!" bulalas muli ni Silver.
"What the f**k?" Mabilis na dinampot ni Skipper ang isa pang bottled water sa mesa at tinangkang ibato muli kay Silver. Pero mabilis nakapagtago si Silver sa ilalim ng mesa.
Ganito talaga sila kakukulit, lalong-lalo na si Silver. Sanay na sanay na kami dyan.
"Say yes, Skipper," Angel told him.
Skipper took a deep breath before nodding.
"Whoaa! This is exciting!" sigaw muli ni Silver habang hindi magkaintindihan sa silya niya. Parang kiti-kiti ang katawan niya! May kasama pang pagpalakpak.
"Tsk. Ikaw na lang kaya?" inis na turan sa kanya ni Skipper.
"Sus, kunyari ka pa. Gusto mo naman," sagot naman ni Silver.
Napailing na lamang kami at hindi mapigilang matawa sa pang-aasar ni Silver sa kanya.
Pero ano nga kayang meron sa kanilang dalawa ni Selenah? Mukhang may nakaraan silang dalawa.