CHAPTER 10: Pagkamatay ng EX-Girlfriend

2202 Words
THIRD PERSON POV "Boss, pasensiya na, bigla na lang po siyang nawala, eh." "Paanong nawala?!" agad na sigaw ni Shield sa dalawa niyang tauhan na nasa harapan niya. Bumalik ang mga ito nang hindi na nila mahanap ang babaeng pinasusundan sa kanila. "Boss, pumasok siya sa isang coffee shop," paliwanag ng isa sa kanila, na halatang kabado. "Naghintay kami ng ilang minuto sa kanya sa labas. Tapos no'ng hindi pa rin siya lumalabas, pumasok na ako sa loob. Pero hindi ko na siya nakita doon. Hinalughog ko na 'yong CR. Pinagtanong ko na siya sa mga empleyado at mga customer pero ang sabi nila, wala raw silang napansing ganoong babae sa loob. Para bang ... para bang naglaho siya bigla." Napahawak si Shield sa sentido at mariing pumikit, at pilit pinapakalma ang sarili. Ramdam na ramdam niya ang pamumuo ng inis sa dibdib niya. "Impossible. She was just there!" singhal niya. "Hindi siya multo para mawala nang parang bula!" "Pero noong suyurin namin ang buong paligid ng coffee shop, may nakita kaming back door, boss," turan naman ng isang tauhan. "Baka doon siya dumaan. Pero hindi na namin siya nakita." Napatitig si Shield sa tauhan niya. "Hindi kaya natunugan niya kayo?" "Mukhang ganun na nga po ang nangyari, boss." Natahimik bigla si Shield. Mas lalo pa siyang nahiwagaan sa pagkatao ng bagong modelo nilang si Empress Leigh. Mariin siyang napakagat sa labi habang pinagmamasdan ang mapanlinlang na katahimikan sa labas ng bintana. "Empress Leigh... Who the hell are you really?" bulong niya sa sarili. Muling sumagi sa isip niya ang bawat titig, at bawat galaw ng babae, na tila may tinatagong lihim. "From now on, I want someone watching her 24/7," malamig niyang utos sa mga tauhan niya bago niya ang mga ito muling nilingon. "Pero huwag kayong basta-basta lalapit. Observe from a distance. And this time, make sure she doesn't slip through your f*****g fingers again," madiin niyang sabi. "Yes, boss," sabay na sagot ng mga tauhan niya kasabay nang pagyuko ng mga ulo nito. Agad na rin ang mga itong lumabas ng opisina niya. Tumalikod si Shield at naupo sa kanyang leather chair. Sumandal siya sa sandalan nito at napabuntong-hininga. Buhat nang makilala niya ang babaeng ito nang nakaraang gabi ay hindi na siya nito pinatatahimik. Oras-oras nitong ginugulo ang isipan niya. May kakaiba sa babaeng ito na hindi niya maipaliwanag. Maging ang puso niya ay nagagawa nitong pakabugin ng malakas. ******* Empress KINABUKASAN, maaga kong isinama si Skipper sa opisina ni Magdalene para sa interview kahit wala pa kaming pahinga mula sa nagdaang gabing pagsugod namin sa karagatan, para mag-backup kay Angel. Napalaban siya sa isang grupo ng mga kriminal sa barko at iniligtas ang kambal na Delavega, na dinukot ng mga ito. Si Angel ay nag-apply bilang janitress sa condominium na pag-aari ng mga Delavega para manmanan ang isang Japanese national na hinihinala naming may koneksyon sa mga Montgomery. Ang hindi namin mapaniwalaan ay ang ginawa ni Angel sa female leader of the criminal group. Pinira-piraso niya ang katawan nito nang walang bahid ng awa—na para bang may personal siyang galit sa babae. Tahimik lang si Angel pagkatapos ng operasyon, pero kitang-kita sa mga mata niya ang bangis at hinanakit na tila matagal nang kinikimkim. For now, according to Silver and Aegia, she’s currently at the hospital, watching over Nick Delavega. Sila naman ay nakasubaybay din kay Angel mula sa malayo dahil hindi sila mapakali sa nangyayari sa leader namin. Pagdating naman namin ni Skipper sa opisina ni Magdalene ay hindi namin siya nadatnan dito. Ayon sa isang staff ay nasa board meeting daw ito kaya si Sir Serafin, ang kanyang asawa at co-owner ng kumpanya, ang tumanggap sa amin. I didn’t expect to meet Serafin Montgomery in person so soon. He’s a well-respected businessman, known for his brilliance in business and his low-key demeanour despite their wealth. Mabait siya at madaling kausap—kabaligtaran ni Magdalene na may aura ng istriktong aristokrata. Kalma magsalita si Serafin. Bawat galaw niya ay may disiplina, pero hindi nakakatakot. Magaan ang presensiya niya, at kahit halatang sanay sa mundo ng high-profile dealings, marunong pa rin siyang makisama sa mga simpleng tao. Pero hindi pa rin kami dapat magpakasiguro—dahil kadalasan, ang mga ganitong klaseng tao ang may pinakamahigpit na tinatagong baraha. Maamo sa una, pero may likas na talas sa pag-obserba. Hindi mo agad malalaman kung kailan ka nila sinusuri—tahimik, pero matalim ang mga mata. So while he was talking to Skipper, I couldn’t help but watch his every reaction. The interview went smoothly. Direkta siyang magtanong pero hindi agresibo. Para bang sinusukat kung sapat ba ang tapang at talinong taglay ni Skipper para mapabilang sa mga taong kayang bantayan ang anak nilang si Selenah Montgomery. Skipper, for his part, remained calm and respectful throughout the conversation. His posture reflected discipline—he spoke with confidence, but never arrogance. Walang labis, walang kulang. Sagot niya'y buo at may bigat, na para bang sanay siyang humarap sa mga taong katulad ni Serafin—makapangyarihan, pero may itinatagong panukat sa bawat salita mo. Pero habang pinagmamasdan ko silang dalawa, unti-unting nangunot ang aking noo. Ilang minuto ko pang pinagmasdan ang kanilang mga hitsura, maging ang bawat galaw nila. May kung anong detalye na pilit sumisiksik sa isip ko—at doon ko napansin. May pagkakahawig sila. Malaki. Hindi lang sa kilos at paraan ng pananalita, kundi maging sa itsura. Magkapareho ang hugis ng kanilang panga, ang tikas ng ilong, ang nipis ng mga labi, pati na rin ang paraan ng pagtitig—matulis at direkta. Maaaring hindi kapansin-pansin sa unang tingin, pero kapag pinagtapat mo silang dalawa sa isang silid, mahahalata mong may kakaibang pagkakaugnay. Hindi ko alam kung ako lang ang nakakakita nito. O baka nagkataon lang. "May background ka pala sa tactical training at self-defense, Mr. Skipper. That's impressive," puna ni Serafin habang binabasa ang hawak niyang résumé. "Yes, sir," maikling sagot ni Skipper. Pansin ko ang kakaibang pagtitig niya kay Serafin. "Well, I think you're more than qualified for the position. Pero siyempre, final decision will still come from my wife," ani Serafin. "Understood, sir," sagot ulit ni Skipper. Tumango-tango si Serafin. "We'll inform you once my wife approves your application. But I want you to be aware—my daughter Selenah is arriving tonight, a little past seven in the evening. If you're selected, ikaw agad ang sasalubong at magsisilbing escort niya pauwi. Confidential ang pagbabalik niya sa bansa—ayaw naming maabala siya ng media o ng kahit anong bulabog sa airport." Marahang tumango si Skipper. "Noted, sir. I'll be ready." "Thank you for coming. I'll make sure to update you before 6 PM," dagdag pa ni Serafin bago siya tumayo mula sa leather chair niya. Inilahad niya ang kamay niya sa harapan ni Skipper. Tumayo rin si Skipper at magalang na nakipagkamay sa kanya. "Thank you as well, Empress," ani Serafin din sa akin. Naririto ako sa sofa ng opisina niya. Ngumiti ako at yumuko ng bahagya. "Walang anuman po, Sir." Nagpaalam na rin kami at lumabas ng opisina niya. "You know what I noticed?" I said to Skipper as we walked down the hallway. Nanatili naman siyang tahimik sa tabi ko. Ganyan talaga ang ugali niya—mabibili ang mga salita niya. Nakakapagtaka lang dahil hindi bumabaho ang hininga niya sa maghapon niyang pagtahimik, na para bang pinagdadamot niya ang boses niya. "Earlier, while I was observing you and Serafin, it seemed like you two had some similarities." Hininaan ko ang boses ko para walang makarinig sa amin. "Alam mo 'yon, 'yong noo mo, kilay mo, mata, ilong, labi, parehong-pareho—" Napahinto ako nang sa paglingon kong muli sa kanya ay hindi ko na siya nakita. Agad ko siyang nilingon sa likuran ko. "Skipper?" Natanaw ko itong pumasok sa isang hallway. "Tingnan mo 'to, balahura. Nagsasalita ako, bigla akong iniwan. Skipper!" Mabilis ko rin siyang sinundan doon. "Sira-ulong 'to, iniwan ba naman ako. Bastos! Matapos kitang samahan dito! Wala kang utang na loob!" Pagdating ko sa kanto ay naaktuhan ko ang pagpasok niya sa isang pinto sa dulong bahagi. May nakalagay na karatula doon "Men's Restroom." "Ah, taeng-tae na siguro siya. Tsk." Napaismid na lamang ako at pinili na lamang siyang hintayin sa isang tagong bahagi. Hindi ako sigurado kung nasaan ngayon si Shield. Hindi ako handang makita siya ngayon. *** THIRD PERSON POV "Boss, nasa loob ngayon ng opisina ni Sir Serafin si Ms. Empress." "What?" Agad napaayos ng upo si Shield sa kanyang swivel chair matapos marinig ang balita mula sa isa sa mga tauhan niyang naka-assign sa pagbabantay sa dalaga. "May kasama po siyang lalaki. Matangkad, gwapo, at tisoy. Parang artista, boss." Biglang napatayo si Shield. Mabilis na gumuhit ang lalim ng linya sa pagitan ng kanyang mga kilay, kasabay nang paninigas ng kanyang panga. "Why are you only telling me this now?! How long has it been since they arrived?" "Mga fifteen minutes na, boss. Kanina pa po kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot." "Bullshit," mura ni Shield bago abruptong pinutol ang tawag. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Lumabas siya ng opisina niya na parang may hinahabol, kasabay ng mabilis na t***k ng puso't paninikip ng dibdib—isang pamilyar pero nakakayamot na damdamin: panibugho. Agad niyang tinungo ang opisina ng kanyang ama na matatagpuan sa pinakataas na palapag ng Montgomery Holdings. Mabilis ang bawat hakbang niya—halos lampasan na ang elevator at muntik nang piliing akyatin ang hagdan sa sobrang pagkainit ng ulo. Pagkarating sa floor ay agad niyang binuksan ang pinto, at hindi na kumatok pa. Pero huli na. Wala na roon sina Empress at ang lalaking kasama nito. Nagulat naman ang kanyang ama mula sa office table at napatingin sa kanya. “Son, how’s the paperwork for the Batangas property? We’re still waiting on the land conversion permits, correct?” kalmadong tanong nito sa kanya. Napabuntong-hininga ng malalim si Shield. "I’m working on it, Dad... Umm, may susundo na ba kay Selenah sa airport? Kung wala pa, ako na lang." "Si Empress, 'yong bagong modelo ay nagdala ng isang mukha namang mapagkakatiwalaang lalaki. He left a good impression on me. He’s already met all the requirements." Dinampot ni Serafin ang isang envelop sa gilid ng table niya at ipinatong sa harapan na tila ipinapakita sa anak. "He has experience in close protection and VIP security—his background is solid." Agad na lumapit si Shield sa kanyang ama at dinampot ang envelop. Agad niya rin itong binuksan at inilabas ang mga dokumento. "I'm just waiting for your mother's return for final approval. Pero para sa akin pasado na siya lalo't si Empress naman ang nagdala sa kanya," dagdag pa ni Serafin. Lalo namang dumoble ang pagkakakunot ng noo ni Shield nang tumama kaagad ang mga mata niya sa two-by-two picture na nakadikit sa isang pahina ng dokumento. Ang lalaki sa larawan ay kilalang-kilala niya. "Skipper Ignacio?" sambit ni Shield habang binabasa ang pangalan nito. Ngunit, alam niyang Steinfield ang apelyido ni Skipper, hindi Ignacio. Bigla siyang napangiti, ngunit agad ding nawala ang ngiti nang maalala niyang muli si Empress. Muling nangibabaw ang pagtataka sa kanyang isipan—paano nga ba magkakilala si Skipper at si Empress? Napabuntong-hininga siya ng malalim. "He's good in my book. He seems trustworthy." Napatunghay sa kanya ang kanyang ama at napatitig na tila hindi makapaniwala sa mabilis na desisyon ng panganay na anak. "Are you sure?" "Yes, Dad. I’ll get back to work now." Agad na rin niyang ibinalik ang mga dokumento sa loob ng envelop at ibinaba ito sa mesa. Napahabol na lamang ng tingin sa kanya ang kanyang ama habang lumalabas na siya ng opisina. Muling tumunog ang phone niya habang naglalakad na siya sa hallway. Agad niya itong inilabas mula sa bulsa at tiningnan. Kaibigan niyang si Ramil ang tumatawag. Hindi siya nag-atubiling sagutin ito. "What's up, bro—" "Man, you must get here at Playa Estrella Resort right now!" Nagulat siya sa boses nitong tila nagpa-panic. "You're not going to believe what we found. It’s insane, bro! We can't believe it!" dagdag pa nito. "Ano bang meron?" kunot-noong tanong ni Shield habang sumasakay na ng elevator. "Si Stella, Pare!" Biglang napahinto si Shield sa narinig kasabay nang paglakas ng kabog ng dibdib niya. Hindi kaagad siya nakasagot, at muling namayani ang matinding galit at sakit sa kanyang dibdib. Kumuyom ng mahigpit ang kanyang kamao, ganun din ang kanyang panga. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan niya bago sumagot, "Why should I care about her? Sinabi ko na sa inyong huwag na huwag niyo na siyang babanggitin pa sa 'kin!" "S-She's dead, man. W-We only found her head. H-Hinahanap pa namin ang ibang parte ng katawan niya," halos bulong na lamang na sagot ng kaibigan niya. Tila nabingi namang bigla si Shield kasabay nang paninigas ng buo niyang katawan. Napasandal siya sa pader ng elevator nang maubusan siyang bigla ng lakas. Nanginig ding bigla ang buo niyang katawan. "Y-You're just pranking me, right?" bulong niya sa kaibigan. "I'm sorry, Pare... Pero totoo na 'to." Ganun na lamang ang pagtulala ni Shield sa kawalan habang paulit-ulit na ng-e-echo sa isipan niya ang mga salitang binitawan ng kaibigan tungkol ... sa ex-girlfriend niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD