THIRD PERSON POV
Pagdating ni Shield sa Playa Estrella Resort, sinalubong siya ng malamig na simoy ng hangin at ng malagim na tanawin sa baybayin. Naipon na ng mga divers ang ilan sa mga parte ng katawan ni Stella na natagpuan sa karagatan—isang braso, buong ulo, bahagi ng hita, at ilang piraso ng damit na duguan at punit-punit. Gayunpaman, marami pa rin ang nawawala.
Naroroon na rin ang mga kapulisan, abala sa pag-iimbestiga at pagtatanong sa mga residente at resort staff. May mga nakapaskil na yellow police lines sa paligid ng crime scene, at ang ilang forensic personnel ay nagsusuri ng mga ebidensya habang ang iba ay kumukuha ng larawan ng bawat bahagi ng katawan na natagpuan.
Hindi makapaniwala si Shield sa kanyang nakikita. Ang dating masayahing si Stella, na minsan nang minahal niya nang buo, ay ngayo'y isa nang malagim na misteryong tinatangka nilang buuin. Napatitig siya sa karagatang tila tahimik ngunit may itinatagong bangungot sa ilalim ng mga alon.
Lalong sumidhi ang galit at sakit sa kanyang dibdib. Sa dami ng iniwan ni Stella—mga alaala, sugat, at tanong—ngayon, isa na lamang siyang bangkay na pilit pinagkakabit-kabit mula sa pagkakapira-piraso.
"How the f**k did this happen? Who f*****g asshole did this?" mariin niyang tanong sa mga kaibigan niyang tumawag sa kanya, habang nanlalalim ang kanyang mga mata at nanginginig ang kanyang mga kamay sa pagpipigil ng emosyon.
"May isang mangingisda ang nakasaksi ng isang barkong sumabog daw early this morning, around two o'clock sa gitna ng karagatan," sagot ni Ramil. "But before that, he said he heard a series of gunshots, na akala niya noong una ay paputok lang o signal flare. May mga tao din daw siyang natanaw sa buong barko na nagtatakbuhan bago ang pagsabog, mga nagbabarilan. Tapos may nakita siyang mga rigid Inflatable boat sa paligid niyon."
"But the ship’s gone now—it sank earlier this morning," turan naman ni Emman, "at sinisisid na sila ngayon ng mga divers mula sa maritime unit para hanapin ang mga posibleng survivor o bangkay. Kasama ang forensic team at ilang tauhan ng Special Operations Group."
“We were riding jet skis earlier when we saw Stella’s head, a few kilometers away from the shore,” paliwanag ni Ramil, na nanginginig pa ang tinig sa takot at pagkagulat. “At first, we thought it was just a toy or a doll—but when we got closer, it was her… Stella’s head. Her hair… her face… Damn it!” Kumuyom ang mga kamao ni Ramil.
"Mukhang doon siya nanggaling sa barko dahil sariwa pa ang mukha niya. Walang gaanong palatandaan ng pagkaagnas," dagdag pa ni Arman, habang halatang pilit nilalabanan din ang panginginig ng mga tuhod. "Parang kagabi lang talaga nangyari, Pare. At mukhang matalim na espada o itak ang ginamit sa kanya."
"Mukhang halimaw ang gumawa no'n. Hindi makatao," dagdag pa ni Randy.
Hindi kaagad nakapagsalita si Shield. Mabilis ang kanyang paghinga, ngunit nanginginig ang buong katawan.
Muli niyang nilingon ang kinaroroonan ng mga pinarte-parteng katawan ni Stella na ngayon ay natatakpan na ng mga puting tela habang binabantayan ng mga pulis at ilang medical personnel. Hindi niya maialis ang paningin doon—doon sa anyo ng dating mahal niya, na ngayon ay wala nang buhay at wasak ang katawan.
Parang hindi totoo. Parang bangungot lang ang lahat.
“We all know she got involved with a group of criminals, bukod pa ang ugnayan niya sa mga Delavega. It could’ve been any one of them who did this to her,” turan muli ni Randy.
"Pwede ring kaaway ng mga kriminal. Hindi tayo sigurado kung magagawa 'yan ng mga Delavega. Malinis ang pangalan nila," pagsingit naman ni Emman.
Paulit-ulit na huminga ng malalim si Shield. Nilapitan niya ang Chief of Police at hiningan ng iba pang impormasyon.
"The investigation is in full swing, Mr. Montgomery," sagot nito. "We've got the best teams on the ground, and we're not stopping until we find out who’s responsible. But I need your help to keep this on track."
"What do you mean? Ano'ng kailangan kong gawin?" tanong naman ni Shield sa Chief.
"We may have resources, but sometimes, a personal connection can help uncover what we might miss. Baka may maibibigay kang impormasyon o pahiwatig tungkol sa ex-girlfriend mo na makakatulong upang mapabilis ang imbestigasyon."
Marahang umiling si Shield. "We've been separated for five years since college graduation."
"Hindi ka na ba nakipag-ugnayan sa kanya matapos no'n?"
Muling huminga ng malalim si Shield bago tumingin sa paligid. "Yeah, for three years binantayan ko pa rin ang mga galaw niya. I tried to find out what she was doing... where she was going, who she was with." Muli siyang huminga ng malalim. "But I realized, I was just wasting my time. Hindi na ako 'yon... Maraming nagbago sa 'kin, kaya pagkatapos no'n, itinigil ko na ang katangahan ko. I distanced myself, erased everything that reminded me of her... For the past two years, I haven't known anything about her. I don't have any information... Tinanggap ko na lang na tapos na ang lahat sa 'min."
Tumango-tango ng mahina ang Chief.
"But now, it's like I've gone back to the past," dagdag pa ni Shield. "I don't know how to help, but if I can do anything, I'll help you."
"That's all we need, Mr. Montgomery," sagot ng Chief. "Every detail matters."
Tumango naman si Shield.
*******
MAGHAPON nang tumambay sa resort si Shield kasama ang mga kaibigan niya. Ibinuhos niya sa pag-inom ng alak ang mga nararamdaman niyang hindi maipaliwanag, habang pinapanood pa rin ang bawat kilos ng mga awtoridad na patuloy na naghahanap sa iba pang parte ng katawan ni Stella Belmont sa karagatan.
Nakuha na rin mula sa lumubog na barko ang bangkay ng grupo ng mga kriminal, kasama ang kapatid ni Stella na si Howard Belmont.
Walang imik si Shield habang nakatitig sa alon ng dagat. Sa bawat hampas ng tubig sa dalampasigan, para bang may hatid itong kirot na paulit-ulit na sumasampal sa kanyang alaala. Bumalik sa isipan niya ang mga masasayang sandali nila noon ni Stella—mga tawanan, mga lakad, mga pangarap na sabay nilang binuo. Apat na taon niya itong naging karelasyon buhat nang tumuntong sila sa college.
Ibinigay niya ang buong pagmamahal niya para sa dating kasintahan—higit pa sa kaya niyang ibigay. Maging ang sariling dignidad at pangarap ay isinantabi niya noon, maibigay lang kay Stella ang buhay na akala niya ay karapat-dapat para sa isang prinsesang katulad nito. Ginawa niyang sentro ng mundo si Stella.
Ngunit sa mga huling buwan ng taon bago sila magtapos ng kolehiyo, napansin niya ang unti-unti nitong pagbabago. Nanlamig ito at nawalan ng oras sa kanya. Hindi na ito gaya ng dati—wala na ang mga matatamis na mensahe, ang mga sorpresa, ang paglalambing. Lagi na lang itong may dahilan: projects, group meetings, pagod, o di kaya’y bigla na lang hindi magre-reply.
Sa una ay pilit niyang inintindi. Ayaw niyang isipin na may mali. Ayaw niyang sirain ang tiwala niya rito.
Ngunit sa mismong araw ng kanilang graduation, sa selebrasyon ng kanilang pagtatapos ay bigla itong nawala. At nahuli na lamang niya itong nasa kandungan na ng isa sa kanilang mga professor sa loob ng hotel. Nagkalat ang napakaraming pera at mga petals ng bulaklak sa buong silid, na parang binayaran ang dating kasintahan.
Ngunit kung tutuusin ay higit pa doon ang kaya niyang ibigay sa dalaga. Barya lang 'yon para sa mga Montgomery, ngunit hindi ito nalalaman ni Stella dahil pinili noon ni Shield na maging simple at mamuhay nang malayo sa yaman ng kanilang pamilya. Para magkaroon siya ng maraming kaibigan at maging pantay-pantay ang tingin ng bawat isa sa kanila.
Ayaw niyang gamitin ang apelyido nila para makuha ang respeto o pagmamahal ng iba. Gusto niyang makita kung sino ang totoo—kung sino ang tatanggap sa kanya bilang siya, hindi bilang anak ng mayaman.
Kaya ganoon na lamang ang sakit na naramdaman niya nang masaksihan ang pagtataksil ni Stella. Hindi lang puso niya ang nadurog noon, kundi pati ang dahilan ng lahat ng pagsisikap niya. Sa isang iglap, naglaho ang lahat ng pinanghawakan niya—pag-ibig, tiwala, at paniniwala na sapat ang pagiging totoo para mahalin.
At mula noon, naging mahirap na para sa kanya ang muling magtiwala.
Ang dating pusong handang magmahal at magsakripisyo ay naging malamig at mapagpahirap. Si Shield Montgomery—na minsang nanalig sa purong pag-ibig—ay tuluyang nabalot ng galit at hinanakit. Unti-unting nagbago ang paraan ng pagtingin niya sa mga babae. Sa kanyang isip, wala nang tunay na nagmamahal—lahat ay may katumbas na halaga. At kung sa pera rin lang umiikot ang mundo nila, siya mismo ang gagamit nito para paikutin sila pabalik.
Kaya’t naging kasangkapan niya ang yaman at kapangyarihan—hindi para magmahal, kundi para magparusa. Inaakit niya ang mga babae, kinukuha ang loob nila, at kapag nakuha na ang gusto niya, saka niya ipinapakita ang kanyang tunay na anyo. Malamig. Mapanakit. Walang konsensya. Wari bang bawat pag-angkin at haplos ay may kasamang paninisi, galit, at paghamak.
Hinahayaan niyang mabalot ng luha ang gabi ng mga babaeng minsan niyang pinangakuan ng ligaya, habang tinatapunan ng pera—isang paalala na sa mundo niya, hindi damdamin ang mahalaga, kundi halaga. At sa bawat ulit ng mapait niyang pag-uulit ng nakaraan, hindi niya namamalayang mas lalo lang siyang nawawala sa sarili niya.
Dahil kahit ilang babae pa ang dumaan, kahit ilang beses pa siyang maghiganti—hindi pa rin niya mabura sa alaala ang isang Stella Belmont na minsang naging mundo niya.
Ang totoo, hanggang ngayon kahit limang taon na ang nakalilipas buhat nang mangyari 'yon, hindi pa rin siya nakaka-move on.
Nararamdaman pa rin niya ang sakit at pait ng nakaraan, lalo na't kauna-unahang babae niyang inibig si Stella Belmont.