THIRD PERSON POV "Kuya!" "Kuya, woi. Wake up!" Nagising bigla si Shield sa malakas na ugoy sa balikat niya at mabigat na bagay na dumagan sa likuran niya habang nakadapa siya sa kama. "Amoy alak ka na naman. Hindi mo man lang ako sinalubong sa airport kagabi. Nakakatampo ka." Nabosesan niya kaagad ang malambing na boses ng bunso niyang kapatid na si Selenah. "Hmmn..." tanging ungol lang ang isinagot niya at muli ring ipinikit ang mga mata. "Hindi na nga tayo gaanong nag-uusap noong nasa America ako, eh. I was gone for seven years. Didn’t you miss me?" "No," agad niyang tugon. Agad naman siyang nakaramdam ng malakas na hampas sa balikat niya. "Kainis ka!" Hindi na napigilan ni Shield ang tumawa. Tumihaya na siya at agad niyang niyakap ang bunsong kapatid. "Wala ka ngang pasalubo