PABALIK-BALIK si Seki sa paglalakad. Tatlong oras na silang hindi lumalabas ng silid kung saan sila iniwan ng kanilang ama. Tatlong oras na rin ngunit hindi pa bumabalik ito. “Akala ko ba babalikan ka nila para tanungin, Dwight? Bakit hindi pa bumabalik si Daddy?” Napaisip siya sa naging tanong sa kaibigan. Kanina pa sila naghihintay at talagang gusto na makausap ang ama upang makasama sa gagawing misyon ng mga ito kung sakali mang balaking iligtas ang kanilang mga kaibigan. Magkasabay na tumayo mula sa kinauupuan si Dwight at Sere nang makarinig sila ng pagkatok mula sa pintuan. Nagmamadali namang lumapit si Seki upang pagbuksan ng pinto ang kung sinong nasa labas at kumatok. “Mom, we’ve been waiting for you, gusto naming makausap sila daddy,” kaagad na bungad ni Seki nang nakangiti. “G