Chapter 36 REYNARD'S POV "Ikaw na muna ang mag operate sa anak ng congressman, bukas ng tanghali." Napa tigil ako sa pag simsim ng tubig ng marinig ang britonong boses ng kaniyang Papa, na kanina pa pala naka masid sa'akin. "Yes, sige Papa." "Good, ibibigay ko na lang iba pang detalye ng magiging operasyon, makakasama mo naman ang iba pang mga magaling na doctor sa Hospital natin," "Siya nga pala Hon, mag papaalam ako sa'yo. Meron kaming dinner ng mga kaibigan ko bukas. Gusto mo bang sumama sa'amin?" Tinig ni Mommy. "Hindi na. Oras at bonding niyo iyan ng mga kaibigan mo, ayaw kong maka abala pa. Hayaan na lang kitang mag-enjoy kasama ang mga kaibigan mo." "Are you sure?" "Oo," malagong na tinig nito at tumikhim bahagya. "Siya nga pala, kaylan ang uwi ni Regina? Sa susunod na buwan

