First Day

1080 Words
Cassandra's POV Nagising ako ng 5:30 ng umaga. Dahil maaga pa ay tulog pa ang mga ka dorm mates ko. Napagpasyahan kong maligo at maglakad-lakad muna. 7:30 pa naman magsisimula ang klase ko kaya ayos lang. Pagkatapos kong maligo ay isinuot ko ang aking jeans, blouse at nag converse ako na high cut. Lumabas na ako ng dorm ko at naglakad-lakad. Marami-rami na ring mga estudyante ang naglalakad-lakad. Habang naglalakad ako sa loob ng academy ay napansin ko ang forest nila. Nacurious ako kaya pumasok ako sa loob. Nang makapasok ako sa loob ay puro puno lang ang nakita ko. Nag lakad lakad muna ako sa loob noon. Habang naglalakad lakad ako ay may nakita akong isang punong kakaiba doon. Napakaganda nito at may mga iba't-ibang kulay ng petals ang tumutubo. Hindi ako nakatiis na tignan lang iyon. Kaya nilapitan ko. Pagkalapit ko sa punong iyon may mga prutas akong nakita sa may tagong bahagi n'on. Iba-ibang kulay din sila katulad ng mga petals. Sarap kainin. Medyo nailang naman ako. Naramdaman ako na parang tinatawag ako nito. Kumbaga, parang binubulungan ako ng puno para hawakan ito. Kaya hinawakan ko ito. I was surprised dahil bigla na lamang itong umilaw. Iniluwa nito ang isang pintuan.  "Woah," namamangha kong sabi at napangiti. Bubuksan ko na sana ang pintuan na iyon ngunit bigla nalang tumunog ang wrist watch ko. Hudyat na kailangan ko nang pumunta sa klase ko. Epal. Nagtatalo ang isip at puso ko kung pupunta na ba ako sa klase ko o bubuksan ko ang pinto. Ba't parang bumilis ang oras? Tss. Sa huli ay napagpasyahan kong pumunta na sa klase ko. Babalikan ko nalang ang pintuan na iyon pagkatapos ng aking klase. Habang palabas ako ng gubat ay tinanaw ko muli ang puno at naglakad na palayo. Naglakad ako papunta sa pinaka gitnang building at nadama ko ang pagtitig ng mga estudyanteng nadadaanan ko. Mapalalaki at mapababae. Nagbubulong bulungan sila. I heard someone say positive things ngunit mas marami parin ang nagsabi ng negative. 'Look at her she looks so weak!' 'Pare tignan mo chicks o sexy at maganda!' 'Napakapayat niya at mukang walang ibubuga bes!' 'I think she looks smart at nararamdamn ko ring malakas siya bie' 'Uh wala yan sa ganda ko no!!!ang pangit!!!' 'Dude ligawan kaya natin?!" I just ignored them at nag focus sa aking dinadanan. At pagkatapos ng 8377383837 years ay nakarating narin ako sa classroom ko. Maganda tong school pero yung mga ugalig ibang estudyante hindi. Mukhang tamang tama lang ang dating ko dahil kakarating lang din ng teacher namin. "Goodmorning class!! Please settle down at your seats. I have an announcement to make an----" di na natuloy ng teacher namin ang sasabihin niya ng dumating ako at dirediretsong lumapit sa kanya. Inabot ko sa kanya ang sched ko at napatango namn siya. She instructed me na tumayo sa gilid niya at maghintay muna. I turned my gaze around our room and i saw 4 girls that are sitting in the front.The first girl has a straight dark blue hair at ang katabi naman nya ay sky blue ang buhok. Parehas sila ng mukha pero magakiba ang mata at at hair color nila. At ang isa naman ay nakakulay blue na croptop at jeans. Kulay green ang buhok niya at maganda. At ang last naman ay isang babaeng kulot at kulay ginger red ang buhok. Their stares were deadly. Kung nakakamatay lang ang tingin siguro nilalamayan na ako ngayon. Tss. Hayaan mo nalang sila Cassandra mukha naman silang espasol. Kaya di na ako tumingin sa direksyon nila at inilipat ang paningin sa aming teacher. "As i was saying..... We have a new member in our class so be good to here" sabi ni Maam at nagsibulungan naman ang iba. Our teacher scowled at them dahil napaka ingay nila at sinabihan naman akong magpakilala na. "Hi everyone. My name is Cassandra Samonte. Im from the mortal world . My date of birth is December 11 **** and im 17 years old" sabi ko at nagbow. Napataas naman ng kilay ang lahat ng babae. Lalo na ang apat na babeng nakatingin ng masama saakin but I just ignored them at umakyat sa taas ng stairlike na upuan namin yung parang stairs sya na may uupuan at pagpapatungan ng gamit. Umakyat ako sa upuan na pangalawa sa huli. Di ako kinausap ng seatmate ko na lalaki kaya di ko rin sya kinausap. Simple. Magsisimula na sana si maam magturo kaya lang ay bigla nalang bumukas ng malakas ang pinto. Iniluwa nito ang 3 lalaki at 3 babae. Bigla namang nagsigawan ang mga kaklase ko. Nagsitilian naman ang mga babae at pumito naman ang mga lalaki at sumabay narin sa sigawan. 'I love u Jayce!!!!' 'Akin ka nalang Jordan!!!' 'Airess mahal kita!!!' "Marry me Aidan!!!' 'I like u Lia!!!' 'Make me yours Maddieline!!!' 'Be mine!!!' 'Nasaan si Terrain????!!!!' Yan lamang ang ilan sa sigawan ng mga kaklase ko. Nakakabingi sila kahit na yung seatmate ko nakisigawan na rin. Tsss the hell?! "Mr.Warlock!! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag mong buksan ng malakas ang pinto!!!!" Galit na sabi ni maam"May balak ka bang sirain yan!!!!" The latter smiled at her boyishly. Sa totoo lang ay gwapo ito. Hindi lang gwapo. NAPAKAGWAPO!!!! Yung tipong makalaglag panga. Kung kabilang ko sa mga fan girl niya masasabi ko nalang na malalaglag panty mo. Kaya lang di ako isa sa mga fangirls niya. "Hahahahaha!!!!"tawa naman ng isa nilang kasama. "Sorry maam!!" Pagpapaumanhin ng lalaking pinagalitan ni maam. "O bakit ka tumatawa Maddie?"tanong naman ng isa pa nilang kasama dun sa babaeng tumawa. "Wala may nabasa lang ako sa isip ng isa nating kaklase nakakatawa lang!"she said at ngumiti ng napaka tamis. Maganda ang ngiti niya at parang nagg-glow iyon errr. Napatingin siya sa gawi ko at tumawa uli. Mukhang ako yata yung sinasabi niya. She reads minds. Kaya pala siya tumatawa kanina. Tss. Ibinlock ko agad ang isip ko para di na mabasa ng iba. Mamaya kasi may mabasa pa siya sa isip ko na di maganda. After sila pagalitan ni Maam ay pumunta na sila sa upuan nila na nasa likod pala. Ngayon ay nasa likod ko na sila. Habang naglalakad ang mga ito ay nakita ko ang isa nilang kasama na matangkad at malaapoy ang buhok na sumulyap sa gawi ko. Mas gwapo ito kaysa dun sa isang makalaglag panty. Pero mukhang snober. May maganda din syang body build at broad shoulders. Bago pa niya ako malagpasan ay tinitigan niya ako.parang tila huminto yung mundo ko. He gave me a stare na di ko makakalimutan. Yun yung tipong bigla ka nalang maiinlove sakanya ng walang dahilan... -----------------------------☆☆☆☆☆☆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD