Arrival

1244 Words
Cassandra's P.O.V Nag-iimpake ako sa loob ng kwarto ko nang buksan ni Tita Elissa ang pinto. "Sandra?" Tanong niya. Si tita lang ang tumatawag sa akin ng Sandra. Kapag tinawag akong Sandra ng iba ay naiinis ako. Hindi ko alam kung bakit.  "Yes, tita?" Lumapit si tita sa akin at umupo sa tabi ko. "Mag iingat ka doon ha.Wag na wag kang magpapaapi sa kahit sino pero huwag na huwag mong papairalin ang galit mo" paalala ni tita at niyakap ako. "Mamimiss kita, Sandra," sabi ni tita at bumitaw sa yakap. "Mamimiss ko rin po kayo, tita. Thank you po sa pag-aalaga niyo sa akin." "Huwag na huwag mong sasayangin ang pag punta mo sa academy na iyon." "Yes, tita," sabi ko at tinulungan ako ni tita na mag-ayos ng gamit ko. Habang nag-aayos kami ay napansin ko na naman ang tattoo ni tita sa kamay niya kaya hindi ko na napigilang mag tanong tungkol duon. "Tita ano pong ibig sabihin ng simbolong iyan?" Tanong ko at itinuro ang tattoo niya. Mula ng inalagaan ako ni tita ay may tattoo na siyang ganyan. Pero hindi niya ako sinasagot tuwing tinatanong ko kung ano ang ibig sabihin nito. "Malalaman mo ang ibig sabihin ng tattoong yan sa tamang panahon." Tsss. Sabi ko na, eh. Nakakainis kung minsan si tita. Sumasabay pa siya sa aldub. Pagkatapos kong mag impake ay dumiretso ako sa cr at naligo na. Ginawa ko ang lahat ng routine ko bago matulog at humiga na sa kama habang pinagmamasdan ang naka-ayos kong mga gamit. Masyado pang maaga para matulog pero natulog nalang ako agad at hindi na kumain. Tsss. Alam ko na aalis na naman si tita para asikasuhin ang pagpunta ko sa academy bukas. I just hope na sana ay maging maganda ang pagdating ko sa academy na iyon. ---------------------------------- Mga 5 oras na kaming nag bya byahe pero hanggang ngayon ay wala parin kami sa M.A. Habang nakasandal ako sa  passengers seat ay biglang napunta ang tingin ko sa mga bulaklak na nasa tabi ng daan. Magaganda iyon at makukulay. Napakaraming bulaklak duon. Maganda silang gawing pangdecorate o di kaya gawing headband. Isang flower crown hmm... Inisip ko kung anong magiging itsura ko kung gagawa ako ng headband at isusuot ko iyon. Napakaganda ko si---- "We're  here!!!" Sabi ni tita. Nagd-daydream pa ako eh. Napatingin ako sa dinadanan namin at nakita ko ang isang napakalaking dobleng gintong pinto na abot langit ang taas. Napaka ganda ng pintong iyon. M. A Yan ang naka lagay sa magkabilang pinto. Ang ganda pala talaga dito. Bigla nalang bumukas ang pinto ng Academy at pumasok kami sa loob nito. Malalaglag na yata ang panga ko ah. Kung maganda sa labas, lalo naman ang ikinaganda sa loob. May mahabang daanan ng sasakyan at mga puno sa gilid. May mga bulaklak din sa tabi ng mga puno. Malayo palang ay tanaw ko na agad ang academy. May tatlo na malalaking malapalasyong mga building. Katulad ng sa Harry Potter, ang Hogwarts. Pero mas maganda ito. Iyong sa right building ay kulay black, violet at blue. Iyong sa left naman ay kulay blue, black at silver. Parehas ng laki ang magkabilang palasyo.. ay este building pala. Ang pinaka maganda at pinaka malaki ay ang nasa gitna. Triple ang laki nito kompara sa nasa right at left na buildings. Color gold and silver naman ang kulay ng nasa gitnang building. Breathtaking. Ito pala ang ibig sabihin ni Tita sa sinasabi niyang maganda ang M.A. Pero hindi ko naman inakala na ganito ito kaganda. Huminto si tita sa right building at bumaba. Inutusan naman niya akong bumaba at kunin ang gamit ko. Pagkatapos kong kunin ang gamit ko ay ibinigay ni Tita ang isang envelope saakin at nag paalam na. "Always remember to be grateful ok? Wag saying ang chance na ito. Magpalakas ka Sandra. Magpalakas ka ng mabuti."bilin no tita bago umalis. Muntik pa siyang umiyak at sabihing wag nalang akong pumunta pero pinigilan niya ang sarili niya at umalis na. Pumasok ako sa loob ng mala palasyo naming dorm. Sinabi ni tita na dorms daw namin ito. Nang una nga ay hindi ako naniwala sakanya dahil masyadong maganda ang dorm na ito kumpara dorms sa mortal world. Nang makapasok na ako sa loob ng dorm namin ay kinuha ko ang envelope na ibinigay ni tita sa akin at nakita ko doon ang number at floor ng dorm ko at isang gold na susi. Dorm number 318 floor 10 'Yan ang nakasulat sa loob ng envelope na ibinigay saakin ni Tita. Mabuti nalang ay may mga elevators dito kaya di ako mahihirapan sa pagpunta ko sa room ko. Nang makarating na ako sa aking form room ay nalaman ko na may tatlo akong dorm mates. Sana lang hindi silang maingay. Pagpasok ko ay namangha ako. Akala ko maganda na ang labas. Mas magand alala ang loob. Napakalaki nito. May sofa kami sa sala at isang maliit na table na may flower vase sa gitna. Nakalagay ang isang dosenang fresh na white, red and pink rose at 4 na white tulips sa vase. May isang malaking bookshelf sa sulok at pictures sa harap ng  books na nakalagay duon. Sa kabilang sulok kung saan katabi ng pinto ay may mga lalagyan ng coat at aquarium. Kulay puti at pastel pink halos lahat ng gamit dito. Sa gilid ng bookshelf ay ang pintuan papuntang kitchen. Kung ikukumpara sa sala at masasabi kong mas malaki ito. Kulay white and purple ang mga gamit dito. Napansin ko din ang isa nanamang vase na may lamang mga flowers. Kung sa sala ay roses at tulips ang nakalagay, dito naman ay puro tulips lang.  May hagdan sa gilid ng pintuan palabas. Ang hagdan ay katapat lang ng aquarium dito patungo sa mga kwarto namin. Napakaganda ng kulay ng dorm na napabilangan ko. 10 a.m palang kaya malamang wala pa dito ang mga ka-dorm mates ko. Kaya umakyat na ako sa taas at tinignan ang sign sa pintuan ng bawat kwarto. Ang unang kwarto sa kaliwa ay may nakalagay na Liana na kulay asul ang pintuan. Ang pangalawa ay may pangalang Airess na kulay faded white ang pinto at may mga silver gliters. Ang pangatlo ay may pangalang Maddieline na may kulay yellow na pinto. May dalawang kwarto namang bakante. Yung isa ay kulay itim at ang isa ay kulay icey blue. Duon ako pumasok sa kulay Icey blue ang pinto. Bago ako tuluyang pumasok at naglagay muna ako ng sign sa kwarto ko. 'Cassandra' Pagpasok ko sa loob ay bumungad sa akin ang aking napakalaking kwarto. Katulad ng kulay ng aking pinto ay Icey Blue din ito. May mga kulay puti din na paint sa ibang mga sides para mas ma highlight ito. Nakalagay sa isang sulok ang kama ko at sa harap nito ay ang malaking bintana. Tsk. Magmumukha yata akong Rapunzel kapag tumambay ako diyan palagi. Sa ulunan ng kama ko ay may isang painting ng mountain na covered sa snow. May mga bahay sa baba nun at isang babae sa gitna ng lahat. Lumapit ako sa kama ko at inilapag ang backpack ko at dalawang maleta. I gazed inside my room with amazement.  Well I guess this is going to be my home for the next few years. Pagkatapos kong ilagay ang aking mga gamit sa aking wardrobe ay pumasok agad ako sa banyo at naligo. Pagkatapos kong maligo ay natulog ako ng maaga. Maglilibot pa ako sa M.A. Bibisitahin ko narin ang library. Baka may mga makita akong yearbooks or kahit impormasyon na pwede kong iugnay sa mga magulang ko... at kung asaan ba sila. -----------------------☆☆☆☆☆☆☆
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD