“Kuya naman, nagtatanong ka ba talaga kung bakit hindi mo ako agad nakita? Nagpapatawa ka ba?” tanong agad ni Mary sa kaniyang kuya. “Do you really want me to repeat the question or do you want me to send you home? You choose, little brat…” Sa halip na sagutin ang tanong ng kapatid ay ito ang tinuran ni Raiden. Para namang bata na napapadyak ng paa sa aking tabi si Mary dahil sa sinabi ng kaniyang nakatatandang kapatid. Ang ayos talaga kausap ng damuho na ‘yon. Lagi na lang pananakot ang lumalabas sa bibig. “Bakit ba kasi lagi mo akong pauuwiin? Nagpaalam naman kasi ako kay mommy. Alam niya na maaga akong pumasok, ano ang akala mo sa akin laging tatakas?And I just made the best decision of coming early here at the university. I was able to meet Ate Catalina.” Nakalabi