Chapter Six

2408 Words
If you are given a chance to save the world, what is the first thing you will do? Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ang kaninang blangkong papel ay nagkaroon ng tinta. Alam kong hindi ako namamalik-mata kanina. Hindi pa malabo ang aking mga mata. At ngayon ay nagtataka ako kung bakit ganito lang ang tanong. Sinilip ko pa ang likod nito ngunit tanging ang pangungusap na ito lang ang nakalagay. Ngunit bago pa lang lumalapit ang dulo ng aking ballpen ay biglang nag-iba ang kulay ng paligid. Ang kaninang purong puti na kulay nito ay unti-unting nagbago. Naging kulay pula at itim ito. Katulad ng theme ng aking kwarto. Oh my god! Ano pang surpresa ang bubungad sa akin sa eskwelahang ito. My mind is in haywire. With a confused mind, I still able to write what my heart says. Binilisan ko na rin dahil gusto ko nang makaalis. I want to perish all the bad creatures to make the world a better place to live. Simple lang ang naging sagot ko. Ayaw ko nang pahabain dahil siguro naman ay nakuha nila agad ang ibig sabihin noon. Wala namang nakalagay na isulat ang sagot sa tatlo hanggang limang pangungusap, hindi ba? Bahala na kung makakapasa o hindi. Pagkatapos ay mabilis ko ring inayos ang aking mga gamit. Tumayo na ako at muling sinulyapan ang silid. The color did not change. Isang marahas na pagbuga ng hangin ang ginawa ko bago nagpasyang pihitin ang seradura at lumabas. Nagulat pa si Mr. Concepcion nang makita ako. Muling pumaskil ang malaking ngisi sa kaniyang mga labi. “That’s fast, Miss Angeles.” Pumalakpak siya sa akin. Tumango lang ako at gumanti rin ng ngiti sa propesor. Tiningnan ko muna ang hawak na papel bago iyon inabot sa kaniya. “Is it normal to have one question in the exam?” tanong ko nang hindi na makatiis. Kinuha niya sa kamay ko ang papel. Sa halip na sagutin ang tanong ko ay iba ang lumabas sa kaniyang bibig. “Go straight to the registrar’s office. It is located in the east wing of this building. When you reached the office, just tell them your name. Ibibigay nila sa‘yo ang schedule at kung ano ang mga kailangan mo. See you when the class starts, Miss. Angeles. Goodbye!” mabilis at hindi humihintong saad niya. Pakiramdam ko ay ako ang napagod sa kaniya. Iginiya niya ako hanggang sa dulong hallway kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod. Tumalikod na siya sa akin habang ako ay nagtatakang sinulyapan ang kaniyang likod bago nagpasyang puntahan ang lugar na sinabi niya. They are weird. “Faculty’s office.” “Guidance counselor’s office.” Iniisa-isa kong banggitin ang mga silid na nadaraanan ko. Sobrang tahimik ng hallway. Wala akong makitang kasabayan ko. Ako lang ba ang nag-exam ngayon? “Registrar’s office.” Oh, there you go. Mabilis na tinungo ko ito. Bago pa lang lumalapat ang aking kamay para kumatok dito nang magbukas agad ito. Humampas ang malamig na hangin na nagmumula sa loob sa aking mukha ngunit wala naman akong nakitang tao na nagbukas nito. Agad akong dinaluhong ng kaba. The door automatically opened. Haunted ba ang lugar na ito? Ipipihit ko na sana ang katawan ko para kumaripas ng takbo nang biglang may nagsalita. “What do you need, miss?” I got chills when I heard that. Kahit natatakot ay mabilis kong inilibot ang mata sa paligid ngunit wala akong nakitang ibang tao bukod sa akin. Chills got over my whole body. Ramdam ko ang pagtataasan ng balahibo sa aking katawan sabayan pa ng malakas na simoy ng hangin. “Papa…” naiiyak na bulong ko kahit na hindi naman niya ako maririnig. Pakiramdam ko ay hindi ko na rin magawang ikilos ang aking mga binti. Isang sundot sa aking binti ang naramdaman ko na nagpatili sa akin. “Ghost!” sigaw ko at alam kong umalingawngaw iyon sa tahimik na hallway. Napapikit ako nang muli kong maramdaman ang mahinang haplos sa aking tuhod. “Miss, walang multo rito. Maghunos-dili ka!” Isang mahinang boses ang narinig ko kasabay nang paghila sa aking damit. Hindi sinasadyang napatingin ako sa ibaba. At sa mga oras na iyon ay lumundag ang puso ko mula sa kinalalagyan nito. “Ay multong may mukha!” sigaw ko habang sapo ang dibdib. Bahagya pa akong napaatras at muntik na rin akong matumba. “Hindi ako multo, hija. Sige, pumasok ka muna,” saad ng isang maliit na babae na nasa paanan ko. Talaga pala na hindi ko makikita ang hinahanap ko kung nasa ibaba. Siguro ay hanggang kalahati lang ng aking hita ang taas niya. Mabagal siyang naglakad na sinusundan ko naman. Sasarhan ko na sana ang pinto nang awtomatiko itong nagsara. “Tulungan ko na po kayo.” Mabilis akong lumapit sa kaniya para sana tulungan siyang umakyat sa kaniyang upuan ngunit inilingan niya ako. Saka ko lang nakita na mayroon pala na hagdan sa gilid kaya nakaupo rin siya ng maayos. Isang mataas na upuan ang nasa likod ng kaniyang mesa kaya parang halos magkapantay lang kami. Napalunok ako habang tinitingnan siya. “Pasensya na po kanina. Hindi ko kayo napansin.” Hingi ko ng paumanhin. Nakakahiya. Baka isipin niya ay binastos ko siya. She nodded as if she understands it at all. “That’s all right, hija. Bago ka ba?” Ang ngiti sa mga labi niya ang nagpagulat sa akin. Siya ang kauna-unahang tao rito na nginitian muna ako at hindi nauna ang pagsusungit. Mabuti naman. Iyon nga lang ay nauna ang takot ko. “Opo. Kakatapos ko lang po mag-exam,” sagot ko. Tumango-tango siya habang may sinusulat. “Pangalan mo, hija?” “Catalina Angeles po.” May kung anong kinuha siya sa kahon at hindi ko na naitago ang panlalaki ng aking mga mata nang makita ko roon ang sobrea na kanina lang ay inabot ko kay Mr. Concepcion. Nandoon pa nga ang palatandaan nang punit nito sa pinaka-itaas. Paano nangyaring nandito na agad ito? Samantalang hindi pa naman nakakalipas ang ilang minuto noong pumasok ako sa silid at matapos ang exam. Imposibleng narating niya agad ito? Ilang beses ba ako magugulat sa araw na ito? Binuksan niya iyon at ngayon ko malapitang nakita kung ano ang nakalagay roon. Catalina Angeles. Pangalan ko lang naman ang nakagay roon at isang malaking letrang G+++ na may bilog. Ano ang ibig sabihin noon? Matapos kong tingnan iyon ay nagtaas muli ako ng tingin. At ito ang pangatlong beses na nakita ko ang gulat sa mukha ng mga nilalang na ngayon ko pa lang nakita. Una ang headmistress, sumunod ay ang propesor na nasa examination room, at panghuli ang babaeng ito. Hinanap ko ang pangalan niya sa nameplate, Ms. Arlene Sandoval. “Bakit po? May problema po ba?” tanong ko sa kaniya na hindi pa rin nakakabawi sa pagkagulat. Ano ba ang nakakagulat sa pangalan ko? Wala namang espesyal na mababasa roon pero kung umakto sila ay akala mo ginto ang katumbas nito. “Wala naman, hija.” Isang kabadong ngiti ang ibinigay niya sa akin bago muling naghalungkat sa kaniyang kahon. “Sa Lunes, apat na araw mula ngayon, ang simula ng klase. IV-Astral is your class section. Ngunit bago ang klase pupunta muna ang lahat ng estudyante sa gym para sa orientation. Lahat naman ng school ay mayroong ganoon siguro ay hindi ka na bago?” Tumango ako sa itinanong niya. “Mayroon ka pa bang tanong?” Ngumiti siya sa aking muli ngunit napansin ko ang agad na pagpawi nito nang marinig ang tanong ko na hinihintay niya. “Ano po ang mayroon sa sobre? Bakit sa tuwing makikita ninyo ‘yan ay nagugulat kayo? Ms. Valdez the headmistress and even Mr. Concepcion, look like they somewhat saw a ghost in my envelope,” dire-diretsong sabi ko. Pinanood ko ang magiging reaksyon niya. Naglumikot ang kaniyang mga mata. Kung nababasa ko lang sana ang nasa isip niya. “What to answer? What to answer?” Agad na nanlaki ang mata ko nang marinig ang tinig na iyon. That’s from the woman in front of me but I didn’t see her opening her mouth. Saan nanggaling iyon? “Uh, never mind po. Siguro ay hindi naman mahalaga.” Tumayo na ako at yumuko sa kaniyang harapan. “Maraming salamat po.” Kinuha ko na ang schedule ko at dali-daling lumabas. This place is getting weirder and weirder each time. Hindi ko alam kung ilang beses ko na iyong nasabi. Bumaba na ako ng hagdan at nagpasyang lumabas. Kung kanina ay may iilan pa akong nakikita, ngayon ay parang ako na lang ang naglalakad dito. Sobrang lungkot naman ng ambiance? Kaya lalo itong nagpapadagdag sa takot na nararamdaman ko. Ngayon ay nagdadalawang-isip na ako kung papasok pa ba ako rito. Kinuha ko ang aking cellphone sa bag para tawagan si papa. Wala pa si Manong Robles, ang sabi niya ay ipapasundo ako rito. “No signal?” bulalas ko nang makitang walang kahit na anong bar sa itaas. Naglibot ako sa paligid ng university pero kahit saang parte ay hindi iyon nagkaroon ng kahit anong guhit sa itaas. Paano ako uuwi nito? Naglakad ako hanggang gate. Nakita kong mayroong guard na nagbabantay roon kanina. Mabuti na lang at nandito pa rin siya hanggang ngayon. “Hello po,” bati ko rito. Nakita ko pa na napapitlag siya mula sa kinauupuan habang nagbabasa ng dyaryo. “Pasensya na po.” Napakamot ako sa aking ulo. Catalina naman, dahan-dahan kasi! Tumayo siya at hinarap ako. “Ano iyon, ineng?” “Tatanong ko po sana kung mayroong cab na pwedeng sakyan patungo sa bayan?” magalang na tanong ko at bahagyang sumulyap sa labas. Nagbabaka-sakali lang naman ako kahit na liblib doon sa labas. Ngayon nga ay wala akong nakikitang dumaraan. Napakamot siya sa kaniyang noo. “Ay, ineng, wala e. Mga pribadong sasakyan lang ang nakakapasok dito,” sagot niya na nagpalaglag sa aking balikat. Paano ako makakauwi? Muli kong sinulyapan ang hawak na cellphone ngunit bigo pa rin akong magkita ng signal doon. “Mayroong dumadaan na pampasaherong jeep, ngunit bihira lamang iyon ngayon dahil hindi pa nagsisimula ang klase. Iyon ang sinasakyan ng ibang estudyante papunta sa bayan,” sagot niyang muli sa akin. Bumuntong-hininga ako. Gaano kaya kabihira ang sinasabi ni manong? Mukhang malabong makauwi ako ngayon nang maaga. Plano ko pa naman sana na magtungo sa bayan. Ako na lang din ang bibili ng mga gamit ko. Baka magkaroon ulit ng lakad si papa, at least nakabili na ako. “Sige po. Salamat, manong.” Nginitian ko siya at tumalikod na. Siguro ay hihintayin ko na lang na dumating si Robles. “Wala ka bang sundo?” tanong niya. Umiling ako. “Wala po. Hindi ko po kasi matawagan.” Pinakita ko ang cellphone ko. “Ay, oo nga. Medyo mahirap ang signal dito, ineng. Siguro ay para na rin mabawasan ang paggamit ng gadget ng mga estudyante.” Bahagya pa siyang napatawa. Kimi akong napangiti sa sinabi niya dahil namomroblema na ako. Hindi ko pa tanda ang way pauwi sa bahay namin. “Dito ka na lang maghintay, hija, para kung sakaling may dumaang sasakyan o dumating ang sundo mo, makikita natin agad.” Inabot niya sa akin ang upuan na kanina ay inuupuan niya. Nagmamadali naman siyang pumasok doon sa guard house at paglabas ay mayroon pa siyang isa na hawak. “Maraming salamat po.” Nagpasya akong sundin ang sinabi niya. Nilingon ko ang university at mula rito ay pinagmasdan ko ito. Medyo may kalumaan na ang gusali ngunit pulido pa naman ang pagkakagawa. Kahit ilang lindol ay kaya siguro nitong lampasan. Iyon nga lang, hindi ko maiwasang hindi mapaisip na ang daming kakaiba rito. Ngayong araw pa nga lang ay ang dami nang mga pangyayari akong nasaksihan. Ngunit ang nakakapagtaka sa aking sarili ay parang sanay na ako rito kahit na ngayon ko pa lang nakita. Ang ibig kong sabihin, nagugulat man ako pero hanggang doon lang. Biglang mawawala na kung sa iba ay sigro hihimatayin kung ganoon ang makikita. Ah, basta! Hindi ko maipaliwanag ng maayos. “Ganito talaga katahimik sa university kapag hindi pa simula ang klase.” Napatingin ako kay manong guard noong magsalita ito. “Po?” “Pero kapag simula ng klase, asahan mo. Ikaw na ang susuko dahil sa ingay at sa dami ng mga gagawin ninyo,” dagdag pa niya. “Matagal na po kayong nagtatrabaho rito?” Nagpasya akong makipag-usap na rin sa kaniya. Pangtanggal inip. “Siguro ay mahigit dalawampung taon na, pero hindi iyon sa buong taon ng pag-aaral ng mga estudyante,” saad niya. “Ano pong ibig ninyong sabihin?” naguguluhang tanong ko. “Sa tuwing ganitong panahon lang ako pumapasok. Kapag araw ng enrollment o kaya ay bakasyon ang mga estudyante,” sagot niya na mas lalong nagpakunot ng noo ko. Pwede ba ‘yon? Sino ang nagbabantay sa university kung ganoon ang nangyayari? Muli sana akong magtatanong nang mapatayo siya. Bahagya pa akong nagulat. “Ineng, dalian mo. May jeep na paparating. Iyana ng sasakyan mo patungo sa bayan.” Napatayo rin ako nang maulinigan ang pagmamadali sa kaniyang boses. Mabilis niyang binuksan ang gate at kinawayan ang paparating na sasakyan. Sumunod naman ako sa kaniya. Huminto sa tapat ng gate sa labas ang jeep. “Sakto sa bayan ang baba ng jeep na iyan. Mag-iingat ka, ineng.” Kinawayan niya ako. Ngumiti naman ako at nagpasalamat sa kaniya. Sumakay ako sa jeep na sinasabi niya. Ako pa lang ang sakay na nagdulot ng kaba sa aking dibdib. The truth is this is the first time I am going to ride in a public vehicle. Oh, God! Please, guide me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD