Chapter 43

2082 Words

CHARLIE “What are you doing here? Don’t tell me, sasama sa amin.” sinasabi ko na nga ba at may tututol talaga dito sa desisyon kong ‘to eh. Halos buong araw kong pinag-isipan kahapon kung ano ba yung dapat kong gawin at kung ano talaga yung nararamdaman ko. At isa lang yung naging sagot. Hindi ko kayang mawala sa akin si Kitty kaya gagawin ko yung lahat para bumalik kami sa dati. At sisiguraduhin ko na sa pagkakataong ‘to, hindi na ulit mawawala yung tiwala n’ya sa nararamdaman ko sa kanya. Mahal ko s’ya, at yun yung papatunayan ko sa kanya. Hindi lang sa salita, pati sa gawa. Kaya nga kaninang umaga, nang makita ako ni Klarisse na naglalakad papunta sa kanila dala-dala yung gamit ko, ang laki ng ngiti n’ya. Malamang, nanalo na naman kasi s’ya. Alam na alam n’ya na gagawin ko ‘to. UGH!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD