CHARLIE “Aw, I missed this place. Grabe, mas masarap talaga dito kesa sa Manila na puro traffic at polusyon. Dito kasi, ang fresh fresh talaga. Kapag ako talaga, napagod na sa pagsshowbiz ko, dito kami titira ni Charity. Magbubusiness na lang siguro kami, or dito na lang magwowork. Mukhang okay din naman dito eh, tingnan mo nga sila Kitty, kuntento na sila dito.” nagkatinginan naman kami ni Klarisse at parehong umiling sa sinabi ni Jops. As if naman kasi, matutuloy yung sinabi n’ya. Well, siguro after 50 years kapag mga kasingtanda na sila nila Gloria Romero at Susan Roces. Kasi sa tingin namin, hindi nila bibitawan yung kasikatan sa showbiz. Kaya nga naghiwalay si Justine at Charity non diba? Dahil masyadong importante dun sa isa yung career n’ya. “Makamiss naman, Pining Garcia. Akala