CHARLIE "Hi. Sorry kung ako na mismo yung lalapit sa'yo at magpapakilala. Parang wala yatang balak 'to si Charliza na ipakilala ako sa date n'ya ngayon. Kanina ko pa kasi kayo napapansin na dalawa na parang may sariling mundo at mukhang ayaw makihalubilo sa amin. Mukhang patay na patay sa'yo yang isang yan, at gusto kang solohin. Ako nga pala si Klarisse Lopez, best friend n'ya and yung birthday celebrant." muntik ko nang maibuga iniinom ko nang marinig ko yung boses na 'yon. Hindi talaga palalampasin ni Klarisse 'to eh no? Kunwari pang gusto talagang makilala, pero ang totoo, gusto lang makitsismis. Parang di ko naman s'ya kilala. Alam kong kanina pa s'ya nakapagtanong sa iba naming kasama. At alam na rin n'ya kung sino si Kitty sa buhay ko. "Hi. Katherine Gonzales, but you can call me