CHARLIE “In fairness naman d’yan kay Kitty cat mo, hindi lang maganda, friendly pa. Tingnan mo naman, halos pinapalibutan ng mga kaibigan natin at kung anu-anong pinagtatatanonh, pero never na-rattle si Ate girl. Gusto ko na s’ya agad para sa’yo, Charlie. Baka yan na yung sagot sa mga dasal namin ni Mama na taong may pag-asang makapagpapalabas dyan kay Klarisse sa puso mo. Then after non, s’ya na yung mag-i-stay sa loob forever. Diba bongga? Boto talaga ako sa kanya.” kinikilig na bulong sa akin ng kapatid ko habang nakatingin kay Kitty na kausap nila Maybelle. Kumusta naman na inimbita nila yung babaitang ‘yon para sa birthday celebration ni Klarisse. Sila na daw yung bahala kay Justine. Sinabi ko nga na busy si Kitty sa business nila at sumenyas pa ako sa kanya kanina na tumanggi. Ang