CHARLIE “Ikaw ba talaga yan? Bakit nandito ka? Anong ginagawa mo dito? Papa’no mo nalaman na nandito ako? So, ikaw yung nakita ko kanina? Bakit hindi mo agad ako nilapitan? Sinusundan mo ba ako?” sunud-sunod na tanong ko na ikinatawa ni Kitty. Eh bakit ba? Sa hindi ako makapaniwala na nandito s’ya ngayon eh. Well, syempre gusto kong nandito s’ya, pero ngayon talaga? “Whoa whoa, easy there tiger. Mahina yung kalaban. Sasagutin ko ba yan isa-isa talaga?” natatawa pa rin na tanong din n’ya. “Pero medyo naging conceited ka don sa sinusundan kita. Masyado ka naman yatang maganda don. Para po sa kaalaman mo, sa amin ‘tong farm and yung place na ni-rent n’yo sa accommodation n’yo. Yes, I was there kanina at nakita kita, pero hindi kita nilapitan dahil mukhang busy kayo ng mga friends mo. Narini