“AALIS ka na ba talaga, apo?” malungkot na tanong ni Lola Margaret nang pumasok ito sa silid ni Summer at nakita siya na nagliligpit ng mga gamit na hindi pa naman niya natatanggal lahat sa maleta. Magdamag siyang umiyak kagabi kaya mugto ang mga mata niya. Sandaling itinigil ni Summer ang ginagawa at lumapit sa abuela. Lalo lang siyang nalungkot sa nakita niyang lungkot sa mga mata nito. “I’m sorry, ‘La. Pero kailangan kong bumalik agad sa Manila. May nakaligtaan akong asikasuhin na papeles ni Daddy,” palusot niya. “Iyon lang ba talaga o dahil sa nalaman mo tungkol kay Sir Mark at sa kakambal mo?” Nag-iwas siya ng tingin dahil nabuko siya ng abuela. Sinamantala naman nito ang hindi niya pagkibo. “Patawarin mo kami kung hindi agad namin sinabi sa’yo, apo. Bukod sa gusto namin na si R