NAITULAK ko siya dahil sa katok mula sa pinto. Ilang segundo pa bago gumalaw si Axel at lumayo. Mabilis akong umayos ng upo at napainom ng tubig. Kakainom ko nga kanina pa ay hindi ko na namalayang naubos ko na pala. Narinig ko 'yong pagbukas niya ng pinto at ang boses ng Manager nito. "Sir, sorry to disturb you but the auditor needs you po." Nilingon ko sila at namilog ang mga mata ko dahil humarap si Axel sa Manager nang wala pang pang-itaas na damit! Kahit na wala namang mababakas sa na pagka-ilang o anumang emosyon iyong lalaking staff niya. Nahihiya ako sa kung anumang malisyang iisipin nito dahil bukod sa kami lang dalawa sa loob ng kusina. Wala pa siyang damit. Nadagdagan ang gabulto kong pawis. "Susunod ako. Magbibihis lang ako. Contact the technician, sira ang aircon. Mainit