KABANATA 20: NAKASIMANGOT ako pagpasok ko sa sarili kong sasakyan. Bitbit ko pa 'yong binigay niya sa akin at bago ako lumabas ng school building kanina ay pinagtitinginan na ako ng mapanuksong tingin ng mga empleyado ko. Nakasunod ang sasakyan ni Axel sa akin. Aniya kung tatakas ako at uuwi sa Batangas ay susunod pa rin siya sa akin. Mali talaga na pinatulan ko 'yong halik ng lalaking 'yon kaya ayan malakas ang loob. Malakas ang kumpiyansa sa sarili ngayon. Iniwan ko sa loob ng sasakyan ang bulaklak at chocolates na regalo niya sa akin. Ayoko nga dalhin pa sa loob ng restaurant niya at pagtitinginan pa kami. Nagmartsa ako papasok sa loob ng Axel's Cucina. "Good afternoon po, Maam!" Ngumiti lang ako sa kanya at huminto rin nang ilang pulgada ang layo mula sa entrance para balingan si