KABANATA 19

1090 Words
I didn't sleep peacefully that night. Napuyat ako dahil sa kanya. He has two missed calls on my phone that night. Hindi ko sinagot dahil nauunahan ng hiya at kaba. He sent a message asking me if I went home safely and he assumed maybe I was resting na kaya hindi na ako nag-reply pa. The next day I woke up with his morning greetings. Axel: Good morning! I hope you have a great day ahead. I'm off to our head office. I pouted. Nilapag ko sa ibabaw ng drawer ang cellphone dahil balak ko nang bumangon at maligo. Axel didn't forget to send me messages that day. Kahit hindi ako nag-re-reply. Hanggang sa araw-araw niya na 'yong ginagawa. He won't call me because I think he also think I'm not gonna answer his call. Sa text nga lang hindi na ko sumasagot. Sa tawag pa kaya. Sinilip ko 'yong phone ko bago ako matulog. Kumunot ang aking noo na wala akong nabasang message na galing sa kanya. Palagi na kasi itong nag-iiwan ng goodnight message pero bakit ngayon wala? It's past ten na. May trabaho pa ba siya? Tinulugan ko na lang 'yon pero nagising na ako dahil sa messages niya. Ngumuso ako nang makitang nag-goodnight nga after ten minutes akong humiga sa kama. Today is friday so I'll go to Makati again. I frowned when I saw the flowers and chocolates from Teacher Elle. "Para sa akin?" tanong ko at naituro pa ang sarili. Kinikilig siyang tumango. "Galing daw sa admirer mo," aniya at nagtilian sila nang ibang teacher na nakarinig sa kanya at nasa harap ng office ko. "Wala ako no'n! Sige na bumalik na kayo. Iniwan niyo pa ang mga estudyante niyo, ha," sabi ko at napailing na lang sabay kagat ng mariin sa labi. Wala akong nagawa kundi tanggapin ang inaabot ni Teacher Elle sa akin. "Kanino daw galing? Sino nagpadala?" curious kong tanong. Teacher Elle shrugged. "Galing 'yan sa grab kanina. Wala naman sinabing pangalan bukod sa admirer mo," aniya at tinusok pa ang tagiliran ko bago ako tinalikuran. Pagsara ko nang pinto sa aking opisina ay pumasok sa isip ko ang pangalan ni Axel. Mabilis ang pagtahip ng aking dibdib. Paano kung malaman ng mga kasamahan ko na siya ang nagpadala nito? Alam nilang lahat kung ang tungkol kay Mary Anne. Kilala din nila ang mukha ni Axel dahil sa nakitang video post noon. Tapos ma-li-link ako? Nailapag ko sa sofa ang bulaklak at ang ferrero rocher na tsokolate. Nakahinga ako na walang note itong nilagay. Ayoko malaman nang lahat na may gusto siya sa akin o nanliligaw siya sa akin. Iniiwasan ko siya. Ayoko ma-link sa tulad niya. Noon pa, may naka-set na sa utak ko kung anong klase nang lalaki ang gusto ko at hindi ang tulad ni Axel iyon. Napakislot ako nang tumawag na siya sa akin bandang hapon. Sampung minuto na lang uwian na. Ayoko sanang sagutin kaso matapos ang isang linggo ngayon lang nito naisipang tumawag sa akin. Hindi kaya tungkol sa negosyo? Hindi naman kasi siya tumatawag talaga, eh. "Hello," I whispered. Natigila ko sa trabaho para lang pagtuunan ng atensyon ang tawag ni Axel. "Hi," he said, using a deep serious tone again. "Yes? How can I help you?" Sumandal ako sa swivel chair habang kinakausap siya. Napahawak ako sa aking leeg. "I was wondering if you are okay. You haven't replied to any of my messages, and I wanna check if you receive what I have sent to your office," aniya dahilan para makagat ko ng mariin ang ibabang-labi. Naumid ang aking dila. "Hello?" tawag sa akin ni Axel dahil hindi ako nakapagsalita. "Yeah, nakuha ko na. Huwag mo ng ulitin kasi hindi ko na tatanggapin. I'll tell my employees not to accept any gifts, flowers or chocolates starting today," sabi ko at hindi pinansin ang isa niyang sinabi na hindi ako nag-re-reply sa text niya sa akin. Axel sighed. Para bang ang bigat nang dinadala niya sa pagkakabuntong-hininga niya. "If you didn't respond to my kiss, I would think you are not attracted to men," aniya. Umasim ang mukha ko sa sinabi niya. Inulit na naman nito iyong karupukan ko. Kinakalimutan ko na nga. Pinaalala pa. "Look, Axel. I kissed you, alright. Naalala ko 'yon. I responded but it doesn't mean may pag-asa ka. Na gusto kita. That was..." pambibitin ko dahil naghahanap ako nang magandang salita na karugtong niyon. "Out of curiousity and inaakit mo lang talaga ako. See? Totoo 'yong sinabi mo tungkol sa niluto mo. Na lahat nang nakakatikim no'n nahihipnotismo. Maybe you put something to my food. Kaya hinahanap ko rin ang pasta mo." Umirap ako sa kawalan. Hindi ito nagsalita agad pero narinig ko iyong pagngisi niya sa kabilang linya. "Sofia, I was just joking you that time. Wala akong nilalagay na kung ano do'n. Nasa harap na kita, ah? You are watching me while I'm cooking. May nakita ka bang may nilagay akong gayuma o pampaakit do'n?" balik tanong niya na may tono pang nanghahamon. Ngumuso ako. Wala naman akong nakita pero... basta! "Come out. Uwian na. Kanina pa kita inaantay sa labas ng school. I'll cook you dinner," yaya niya na tila ba bina-bribe ako na parang bata. "Sorry, nakakain na ko ng luto mo. Hindi ko hinahanap ang carbonara ngayon," sabi ko sa kanya. He chuckled. "But you'll gonna crave it again for the next coming days. Babalik ka rito para magpaluto sa akin," mayabang niyang sabi. "Hoy, excuse me, ha. Ang kapal mo diyan," sabi ko at umirap na naman. "Anong gagawin ko? Nandito nga ko sa labas nang school mo. Kanina pa ko nag-aantay. I was hoping to see you. You ignore my texts kaya pinuntahan na kita rito. Kapag hindi mo ko nilabasan, ako ang papasok diyan o hindi kaya susunod ako sa'yo sa Batangas." "God, Axel! Ang linaw-linaw nang sinabi ko sa'yo na ayoko nga magpaliwag. You're not my type," sabi ko at umayos ng upo. "Stop fooling around, Sofia. Get out, or I'll come inside to get you," pagbabanta niya. "What? Are you threatening me?" I asked. Napaahon ako sa upuan. "I'm not. Gagawin ko talaga 'yon. No matter what you said and how hard you push me away, mas lalo akong didikit. Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo. Mas matahimik ang buhay kung hahayaan mo ko," aniya at narinig ko ang pagsara ng pinto at tunog ng pag-lock ng sasakyan dahilan para mataranta akong kunin ang aking handbag. "Damn it! Diyan ka lang! Lalabas na ko!" yamot kong sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD