KABANATA 18

3037 Words
WE separated ways after a short chit-chat. Ang mga mata nang tatlo ay sa akin agad sabay bulong ni Cassy. Natatawa na lang iyong mga boyfriend nila sa pagiging intrimitida nang mga kaibigan ko. "Wala nga. Kinausap lang ako," sabi ko sa kanya. "You two look good together. Sana kayo na lang," aniya. "He really likes you," Stacy said and looked at her boyfriend. "He is. I was like that every time I looked at your friend. It's like he's mesmerized." Naghiyawan sa grupo namin dahil sa lintaya ni Sandler. I rolled my eyes. Pulang-pula ang mukha ko dahil pakiramdam ko ay pinagkakaisahan nila akong lahat at pine-pair kay Axel. "Ganito na lang. Kapag sinabi niyang gusto ka niya at liligawan. May chance ba?" Megan asked while crossing her legs. "Shot ka muna." Natatawang sabi ni Sandler at inabutan ako nang alak. Nagtawanan sila nang tinungga ko agad iyon. Nagdadalawang-isip akong magsalita dahil may ibang lalaki. Kaibigan pa naman ni Sandler si Axel. "I refuse to answer that question," sabi ko at tumayo na. "Aw..." sabay-sabay nilang sagot. "They won't spill the tea! Sige na!" Hinawakan ni Megan ang braso ko para pigilan sa pag-alis. "What? I'm gonna get some food. Hindi pa ko nag-di-dinner," sabi ko sa kanya. "Sagutin mo muna. Tayo-tayo lang. Promise, hindi nila sasabihin kahit na anong marinig nila galing sa'yo. Men don't gossip ano ka ba," sabi ni Stacy at pinandilatan nang mga mata ang nobyo. "C'mon," sabi ni Cassy. Naudyukan tuloy nila akong manatiling umupo. "So?" Megan chuckled. "He's not my type," sabi ko na lang at napainom na naman ng panibagong shot. "What? Are you serious?" Stacy exclaimed. "Why?" Cassy asked. I looked at the boys who was busy talking to each other. Hindi nga nakisali na sa amin. Nagkaroon nang sariling mundo. "Why would I? He might uh, good-looking man. Physically. But I don't like a man who previously got married. Why would I settle with that kind of man if many single men have no history of annulment? Doon na lang ako sa malinis ang track record. Kung panlabas na anyo lang ang pag-uusapan then maraming ganyan din ang looks," sagot ko. Tumango si Cassy. "You got the point. Sabagay you are single and very meticulous sa bagay sa boys pa kaya. Though sayang naman si Axel, I think talaga he likes you. Wala ba siyang nasabi?" Megan asked. I looked away. Sakto pang bumagsak ang mga mata ko kay Axel na pinapanuod pala ako habang nasa kabilang grupo. Medyo dim lang ang light dahil nasa party kami. Puro laser lights at maingay dahil sa music at daldalan ng mga tao. Iniwas ko agad ang mga mata sa kanya. "Walang sinabi?" ulit ni Megan. "M-meron," sagot ko. Napasinghap siya at natuptop ang bibig. Lalo silang dumikit sa akin. Now, we're obvious. Na may pinag-uusapan kami. "Stop it. Halatang nagtsitsismisan tayo," sabi ko at nailang na. "Hindi ba?" Stacy laughed. "Anong sabi mo?" sabi ni Cassy na halatang atat sa kwento. "Sabi ko friends lang. Hindi ko siya gusto," pag-amin ko dahilan para lumaglag ang balikat nila at bumalik sa dating pwesto. Tumayo ako. "I'll get some food. Medyo nagugutom na ako," sabi ko sa kanya na siyang tinanguan lang nang barkada. Naglalakad na ako papunta sa buffet table nang mag-announce ang host para sa performance nang isang sikat na singer. "Sofia." Paglingon ko ay nakasunod agad si Rix sa akin. Nahagip ng mata ko si Axel na tumayo mula sa upuan nito pero nang makitang nakasunod si Rix ay bumalik ito sa pagka-upo. Nakagat ko ang ibabang-labi. "Yes?" I asked. Huminto ako dahil sa kanya. "Kumusta ka na?" tanong niya sabay ngiti. "Feeling good as ever. Thanks for asking. Ikaw?" I asked and looked at the appetizers. Kumalam ang tiyan ko sa mga pagkain. "Much better than the last time dahil nagkita tayong dalawa," aniya. Ayan na naman siya sa pasaring niya sa akin. "Don't start it, Rix. I'm not gonna offer you anything but friends," prangkang sagot ko kaya napa-ouch ito at napahawak sa kanyang dibdib. Napailing na lang ako at tinalikuran ko siya. "How straightforward," aniya at sinundan ako. Kumuha ako ng plato at nagsimulang maglagay nang pagkain. Ganoon din ang ginawa nito. "I'm not here to flirt," he chuckled. Napairap na lang ako sa kawalan habang sumasandok nang garlic rice. Nahihiya ako sa ibang waiter na nakatayo sa banda namin at malamang naririnig ang sinasabi nitong si Rix. "Why are you here anyway?" I asked. Umusog ako para kumuha naman ng ulam. Nakasunod pa rin siya sa akin kumukuha naman ng kanin. "To have fun, of course. Birthday ni Miggy. I wanna tell you too that I'm now in a relationship. Don't worry niloloko lang kita kanina," he laughed. Napatingin na tuloy ako sa kanya at inirapan siya. "Napaka mo," tangi kong nasabi. Nagsimula itong magkwento tungkol sa lovelife niya. Siguro para maisip ko na talagang hindi siya naikipag-flirt sa akin kasi may girlfriend na siya. Huminto ako nang matapos na makakuha ng gusto kong pagkain. "Bakit hindi mo sinama dito? Edi sana nakita namin," sabi ko sa kanya at hinarap ito. "She's in Taiwan for her international endorsement," he replied. Tumango ako. "Next time, bring her so we can meet her. Dito na ko sa table namin. Nice talking with you," I smiled. He chuckled and nodded. Pasimple kong tinignan ang table ni Axel pero wala na siya doon. Nakaramdam ako ng dismaya. Para tuloy akong nanghihina nang bumalik sa pwesto ko. Hindi lang napansin nang mga kasama ko kasi nanunuod sila sa performance nang singer. Maybe he went somewhere? Babalik din siguro. Baka nag-bathroom break. Wala kasi siya sa buffet table. Hindi ko rin siya nakitang nasa ibang grupo. Hanggang sa natapos ang party. Hindi ko na siya nakita. Hindi na ako kumikibo. Sinilip ako ni Megan. "What happened to you? Bad mood?" pansin niya. Umiling ako. "Just tired," sagot ko habang naglalakad na palabas. I am not sure when we will gonna meet again after this. Hindi ko pa nasabi sa kanya iyong tungkol sa pasta na sana... lutuan niya ako. Isang buwan na kong naghahanap no'n. My pride won't let me text him first. I promise to myself when he texted me. Mag-re-reply na ako. Tapos makikiusap ako na lutuan niya ako. Magbabayad ako at magpapa-take out pa para may stocks ako sa ref. So... I was so grumpy again for the following days. Dahil ito sa cravings ko. Hindi ko na kaya! I decided to travel to Makati even if it's not Friday. Talagang nag-leave ako. Hindi ko na kaya na paabutin pa itong pagkatakam ko nang panibagong linggo. Isang buwan mahigit na akong nagtiis. Pagkain lang naman niya ang habol ko. Sa pagkain na nga lang ako lumiligaya tapos wala pa. Kung iyong iba happy na sa boyfriends o asawa nila. Ako sa pagkain. Makatikim lang ako no'n. Okay na ko. Sometimes jealousy would kick in. Pagdating sa malungkot na cellphone hanggang sa gala na sila may bitbit na boyfriend at ako wala. Nakakaramdam na ako ng lungkot pero mas nakakalungkot iyong pagkain na gustong-gusto mo pero hindi mo makain. Huminga ako ng malalim at nilukob ang sistema ko ng pananabik. Iba iyong dulot na saya nang nakita ko na iyong restaurant niya. Nandito na ko. Ulit. Sinara ko ang sasakyan at pumasok sa loob. Hindi ako nag-text kay Axel. Ayoko at hindi ko ugali na unang nag-te-text sa lalaki. Lalo na ngayon hindi naman talaga siya nagpaparamdam. "Good morning, Maam!" bati ng guard. Nginitian niya ako agad at pamilyar na siya sa mukha ko. "Ipapatawag ko lang po si Boss," sabi niya pero umiling ako. "No. I came here just to be a regular customer. Wala kaming usapan. Dito lang ako magba-brunch," agap ko na siyang tinanguan niya. Naglakad ako papunta sa bakanteng upuan. Syempre tatambay ako dito at alam ko naman dito rin siya nag-o-office. Ito 'yong head office din nila, eh. Hahayaan ko na Manager ang makakita sa akin at siya ang magsasabi kay Axel na nandito ako. Katulad noon, ganoon ulit ang gagawin ko. Hindi ko kayang ipatawag siya dahil nahihiya ako na malaman niyang pumunta ako rito para talaga mag-request nang luto niya. I ordered my favorite. Kaunti nga lang ang kinain ko at sinadya ko 'yon dahil iniisip ko matitikman ko 'yong luto niya. Maya-maya pa ay nakita ko na nga iyong Manager. Nahagip na nang mata ko. Nginitian niya ako at kumaway. I smiled to greet him too. Maya-maya pa ay pumasok na sa loob. Sa staff room. Nilabas ko 'yong phone ko. Kinakabahan ako at nanlalamig ang tiyan dahil sa antisipasyon. Para ngang hindi mapakali ang puwitan ko dahil alam ko na ang kasunod niyon. Alam ko lalabas siya. Paano kung hindi? I swallowed hard. Nakakainis na umabot ako sa ganito para lang sa gusto kong pagkain. Sumimsim ako ng banana shake. Pasulyap-sulyap sa pinto at nang bumukas iyon ay mabilis kong binagsak ang mga mata sa sarili kong plato. Dumoble ang kabog ng dibdib ko! Nagpanggap akong walang-alam at nagulat. Kaya nang mag-angat ako ng tingin ay mukha niya na ang aking nabungaran. Seryoso lang na nakatingin sa akin. Hindi man lang ngumingiti. Medyo na-bother ako kasi hindi naman siya ganyan sa akin kapag nagkikita kami. Unang pumasok sa isip ko. Galit ba siya sa akin? May nagawa ba akong mali? "You didn't tell me you'll visit today," aniya at ang mga mata ay nasa plato kong halos hindi ko nakalahati iyong pasta. Mariin kong kinagat ang ibabang-labi. Alam ko na agad kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Mas lalo akong hindi na mapakali. "It's unplanned. Ayoko rin maistorbo ka. Alam kong busy ka," sabi ko sa kanya at ibinaba ang hawak na banana shake. "Bumiyahe ka pa galing Batangas?" tanong niya at tinignan na ako. Parang nanginig ang laman ko sa klase ng tingin niya. Napakurap-kurap ako. "Yeah. Sisilipin ko 'yong school. Hindi kasi ako makakapunta sa Friday. I crave for pasta so I decided to have my lunch here. Babalik ako sa school after this," mahabang paliwanag ko. Paliwanag na kasinungalingan naman. "Get up. I'll cook for you," sabi niya at sinimulan na nitong tupiin ang puting manggas na suot niya. Namilog ang mga mata ko. "Huh? Huwag na! Okay na ko." Umiling pa ako na kunwari ayaw ko pero sa totoo lang ito 'yong matagal ko ng hinihintay. Nabuhay ang dugo ko sa sinabi niya. Tinagilid ni Axel ang ulo niya at mataman akong pinagmasdan. Umiwas ako ng tingin. Ayan na naman siya. Sinusubukang basahin ang laman ng aking isip. "Okay lang kahit hindi na..." labas sa ilong kong sabi. Nagulat na lang ako nang hawakan niya ang kamay ko dahilan para mapatingin ako doon. Mabilis kong binawi dahil naramdaman ko 'yon! May tila kuryenteng dumaloy sa aking kamay nang hawakan niya. I was shock. Natulala nga ako sa kamay ko dahil hindi makapaniwala na may ganoon. "I'm sorry. Yayakagin lang sana kita sa loob, eh." Huminga ako ng malalim at tumayo bitbit ang aking handbag. "Okay. Sasama ako," sagot ko na siyang ikinapula nang buo kong mukha. Nahihiya pa akong tumingin sa kanya habang sabay naman kaming pumunta sa VIP room. Papasok sana ako kaya lang pinigilan niya ako. "Dito ka na. Sa loob," aniy at nakatingin doon sa kusina. "Ah..." sabi ko at dinaan sa tawa ang kaba. Sumunod ako sa kanya hanggang sa kusina. Umupo sa dati ko nang p'westo habang nagluluto siya. Pinapanuod ko si Axel na naghahanda na. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil makakatikim na ako ng luto niya. Binasa ko ang ibabang-labi. Nag-angat ito agad ng tingin kaya nahuli niya ako sa ginawa kong iyon. Napakurap-kurap ako at agad ang pamumula ng pisngi. Narinig ko ang pagngisi niya. "You should've told me you want my pasta. Nagawan na sana kita kanina," sabi niya. Ngumuso ako. "Okay lang. Wala ka bang trabaho? Nakaka-istorbo yata ako," sabi ko sa kanya at umayos ng upo habang pinapanuod pa rin itong nagsisimula nang maghiwa ng rekados. "I can leave my work anytime. P'wede namang balikan mamaya," sabi niya habang nakatingin sa chopping board. Ngumuso ako. Mangha ako sa bawat galaw niya sa kusina. Tulad noong una ko siyang napanood. Hindi pa rin nabawasan ang paghanga ko sa kanya. Ang galing niya. Natagpuan ko na lang ang sarili na nakapangalumbaba. Nag-e-enjoy sa pinapanuod at namimigat ang mga mata. Napalunok ako ng matuon ang aking paningin sa maugat nitong kamao nang buhatin ang kaserola. Tila may dumapong init sa aking leeg kaya napa-ayos ako ng upo. Napatingin siya sa akin. "Malapit na. Makakain ka na," he joked. Nginitian ko lang siya at sa ibang direksyon nakatingin. Hanggang sa naamoy ko na iyong niluluto niya. Nilalagay niya na sa plate kaya lumawak na ang aking ngiti. Umayos ako ng upo. "Wait," sabi niya matapos ilapag sa harap ko ang plato. Pinanuod ko siyang masiglang kumuha nang juice at baso. Nagsalin doon at inilapag sa harap ko. "Ikaw?" tanong ko dahil ako lang iyong may plato. Umiling ito. "I already ate," sabi niya at tinukod ang dalawang palad sa island counter habang pinagmamasdan ako. Ngumiti ako at sinimulang tikman ang luto niya. Literal na napapikit ako at bakas sa mukha ko ang saya nang sa wakas... nakain ko rin ang luto niya! Axel chuckled. Kitang-kita ko 'yong puti at pantay niyang ipin sa tuwing ngumingiti o tumatawa ito. Lumunok ako at ngumiti rin. Totoong masaya ako. "Now, I am happy..." I smiled. Naging sunod-sunod ang subo ko at hindi ko namalayan na nakaikot na siya at nasa tabi ko na. "I am glad that you're happy," he said huskily. Tumango ako at ngumiti. Sumubo ulit. Lumunok ako at binalingan siya. Nakangiti pa ako nang harapin si Axel na titig na titig na naman sa akin. Namumungay na ang mga mata. Napalunok akong muli. Ramdam ko na ang mabilis na pintig ng aking puso at ang pamilyar na reaksyon tuwing lumalapit siya sa akin. "Y-you have..." aniya at tinuro ang gilid ng kanyang labi pero hindi maalis ang tingin sa aking bibig. My mouth dropped open. Unti-unti kong naramdaman ang pamimigat nang aking mga mata. Hindi ako makagalaw. Para na naman akong nahihipnostimo. Napapikit ako nang mas lalo siyang lumapit at hinalikan ang gilid ng aking labi. Nanatiling awang ang aking bibig. Nakikiramdam ako pero sing bilis ng karera sa kabayo ang pintig ng puso ko. Mainit. Naiinitan ako sa kusina niya o sadyang nag-iinit lang ako dahil sa sariling nadarama? Lumayo siya ng kaunti at sinilip ako. Hindi ako nag-react. Napapikit lang akong ulit nang muling dumampi ang labi niya sa aking labi. Humigpit ang hawak ko sa high stool. Naitikom ko ang bibig at sa isang iglap ulit. Natagpuan ko ang sarili na gumaganti sa banayad na halik ni Axel. Lasang-lasa ko pa ang pagkain sa labi niya. Hindi ko alam kung gaano katagal iyon pero masasabi kong hindi ko makakalimutan kung gaano kagaan at katamis ang bawat halik nito. Marahan akong napadilat nang hindi ko na maramdaman ang labi niya. Lumayo siya ng kaunti. Nahihiya akong tignan siya sa mga mata. Paano ko masasabing kaibigan lang kami kung pinatulan ko ang halik niya. "You like me," he said with a serious tone. I blinked and shook my head. "No." Axel grinned. "Then why are you responding to my kisses?" he asked softly. Napahawak na ito sa magkabilang upuan ko. Kino-corner na ako habang titig na titig sa akin at ako itong hindi makatingin. "You are seducing me..." halos bulong kong sagot. Nanghihina ako. I swear kapag tumayo ako dito. Matutumba ako. I heard him groan in frustration. "I'll court you, Sofia," he whispered. Nilapit niya ang bibig sa aking tainga dahilan para magtayuan ang buhok ko sa katawan. Sinubukan ko siyang sulyapan pero hindi ko kinayang matagalan dahil ang mga mata niya... ang mga mata niya ay namumungay pa. "No. Hindi. Walang patutunguhan ang panliligaw mo kasi hindi din kita sasagutin," mariin kong sabi. Yumuko si Axel na tila ba may iniisip pagkatapos ay muling tumingin sa akin. "Whatever you say. You will be mine. Liligawan kita. Ngayon pa ba ko susuko? Ngayong ramdam ko na kahit kaunti may pag-asa?" anas niya. I blinked twice. Umayos ako ng upo kaya napalayo siya sa akin. Kinuha ko ang bag at balak ng umalis. "Before you go home. Take this," aniya at mabilis na ibinigay sa akin ang paper bag. Alam ko na agad kung anong laman no'n. Hindi ko siya matignan sa mga mata. Hiyang-hiya ako at sing pula ng kamatis ang magkabila kong pisngi ngayon. "Aalis na ko," sabi ko nang makaalis sa upuan. Hindi malaman kung saan ibabaling ang mga mata. "Ihahatid na kita," presinta niya pero maagap akong sumagot. "Hindi. Dito ka lang. K-kaya ko. Kaya ko mag-isa," sabi ko at kinuha ang paper bag sabay dire-diretsong nagmartsa palabas sa kusina niya hanggang sa labas na ng restaurant niya. Pigil hininga ako hanggang makarating sa sasakyan. Pag-upo at paglapag ng paper bag sa upuan ay napapikit ako ng mariin. "What the hell did I do?" Napahawak ako sa magkabila kong pisngi. Hindi na maalis sa isip ko 'yong nangyari sa kusina niya. Binuhay ko agad ang makina nang sasakyan nang makitang lumabas si Axel sa restaurant niya. I want to avoid confrontations. Ayoko na ulit matanong niya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Pinaharurot ko ang sasakyan paalis doon. Umuwi ako ng Batangas na para bang wala sa sarili. Mabuti at buhay akong nakarating sa bahay. Panay ang padyak ko at pikit ng mata dahil kahit anong gawin ko. Naalala ko kung paano ko pinatulan ang halik niya. Nasapo ko ang noo at napatingin sa paperbag na may tatak nang restaurant ni Axel. Bumuntong-hininga ako at nilagay na muna iyon sa ref. Tumunog ang cellphone ko at galing iyon kay Axel. "s**t!" I cussed. Hindi ako mahilig magmura at ngayon ko lang nagawa dahil natataranta. Tumatawag pa talaga siya! Sa huli ay hindi ko sinagot. Hindi ko alam ang sasabihin ko! Paano kung ungkatin na naman niya 'yon. Bakit nga ba? Bakit ko ginawa? Kasi naakit ako sa kanya? Hindi ko aaminin 'yon! Hindi ko gusto ang tulad niya. Naakit lang ako, okay. Babae lang ako at magandang lalaki siya. Iyon lang 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD