NAKATINGIN sa akin ang tatlo nang lumapit ako sa table nila. Umupo ako ng marahan. Tinignan nila ako ng makahulugan lalo na si Megan.
"Stop looking at me like that," sabi ko sa kanya at napainom na nang tubig.
Natawa lang si Megan.
"Bagay kayong dalawa. Kanina pinagtitinginan kayo ng mga tao no'ng magkausap kayong dalawa."
"Huwag niyong bigyan ng malisya. We're just business partners," I replied.
"That's how it started," Cassy added.
Tahimik lang si Stacy pero nakikinig.
Sabay-sabay kaming umuwi at kanya-kanyang sakay sa sariling sasakyan. It's been almost two weeks since the last time we saw each other. Habang nagmamaneho ay tumunog na ang cellphone ko. Nahagip ng mata ko 'yong pangalan ni Axel.
Bigla ang paghuhurumentado ng puso ko. I tried to focus on driving but my mind would think of Axel's text. Naku-curious ako kung anong message niya. Na-realize ko na lang na ginigilid ko na 'yong sasakyan para lang basahin ang text niya. Hindi ako mapakali kanina pa.
Kumalabog ang puso ko nangi-open ang message niya.
Axel: Thank you for giving me a chance to be your friend. I'm sorry for my irrational moves before, Sofia.
I pouted. I found myself replying to Axel's text.
Me: No worries.
Tinitigan ko pang mabuti iyon. Masyado yatang maigsi. Baka isipin niyang galit ako. Hindi ako galit. I want to be friends with him since I wanna taste his own version of carbonara pasta.
Napangisi ako habang nagmamaneho. Does this mean I can go to his restaurant and ask him to cook for me? We're friends, right?
I will still put a boundary because that's what I want. I want Axel to be my friend, not a lover or what. Para nga lang pangit in a way na kaya gusto ko kaibiganin kasi may napapala ako sa kanya. We're business partners, and I really love his recipe. God, I can't move on!
Tiniis ko ang halos dalawang linggo na hindi kumain sa resto niya. Nahihiya akong mag-approach sa kanya kasi ako itong pinagsabihan siya at sabi ko pa nga huwag na kaming magkita.
Nakagat ko ang ibabang-labi. I know what is right and wrong, but I can't f*****g do it! This makes me frustrated. Hindi ako iyong tipo nang tao na nagugulo ang isip ko. Hindi nasusunod kung ano ang tama.
He didn't text me after that. Maski tungkol sa kung ano sa negosyo ay wala na. This is what I want, right? Why the hell I am still wondering and curious about his life?
Hindi na rin kami nagkakatagpo. Kung napapadayo ba siya sa Batangas o hindi ay wala na akong ideya. One month has passed and I didn't contact him too. Hindi rin ako pumunta sa resto niya kahit na gustong-gusto ko ng tikman iyong luto niya para sa akin.
"What? I have an appointments na after that. Hindi ko na masisingit," iritable kong sabi sa aking secretary.
"Eh kasi Maam, may new schedule na po si Mr. Luigi kaya gusto niyang ipa-resched ang meeting po."
Tumaas ang kilay ko.
"So, mag-a-adjust ako?" masungit kong tanong. Hindi ako ganitong tao noon. Pero lately, aminado ako. Nagiging iritable talaga ako.
Ayoko nang hindi nasusunod ang naka-plano. Nagugulo ang utak ko. Kagat-labi at natahimik lang iyong aking secretary. Umirap ako. Ayoko nang ipa-resched 'yon kasi may mga gagawin na ko. Masisira ang kalendaryo ko.
Luigi Perez is one of our business partner. Datihan na siya kaya kilala na rin ng buong pamilya.
"I'll tell him na lang po na hindi p'wedeng mabago ang schedule mo, Senyorita."
Pumikit ako ng mariin at sumenyas sa kanya.
"Hayaan mo na. Ituloy mo at i-adjust mo 'yong iba kong schedule."
"Sige po, Senyorita."
Tumango ako at nagpatuloy sa pagbabasa ng mga dokumento nang umalis siya. Napasulyap na ako sa sunod-sunod na messages sa GC.
Cassy: Tara na! @Sofia, sama ka, ha! Lagi ka nang absent.
Nagyaya na naman silang mag-clubbing. Nawawalan na nga ako ng gana kaya hindi ako sumasasama. Mas gusto kong magtrabaho, tapusin ang lahat tapos magkulong sa kwarto. Anong gagawin ko do'n. Hindi naman nila ako kakausapin. Kasama nila 'yong mga boyfriends nila. Magmumukha akong third wheel.
Napasabunot ako sa buhok. Nakakainis ang pagbabago na 'to.
"Ang arte-arte mo, Sofia!" bulong ko sa sarili.
Umuwi ako sa bahay nang tawag ng tawag si Cassy sa akin. Namimilit. Hindi ko na nga ni-re-reply-an. Tatawag pa talaga.
"Sumama ka na nga! Pupuntahan ka namin ni George diyan!" bungad niya pagsagot ko agad ng tawag.
I sighed.
"Wala akong gana. Masama ang pakiramdam ko," pagdadahilan ko.
"Woah! Ikaw ba talaga 'yan? Dati go na go ka. Lately, lagi ka ng absent. What is happening to you?"
"Wala nga. Kayo na lang. I will rest for tonight. May pasok pa ko bukas, tambak ang trabaho sa office pati sa school."
Cassy groaned.
"Birthday kasi ni Miggy. Niyaya nga tayo sa may Cove Manila. This is the best time to have fun lalo na marami tayong kakilala do'n. Nando'n din daw sila Axel, Remus, Shiela..." and then she continued to mentioned the names of some of our friends. Friends na bihira lang naman maka-bonding.
Napaahon ako sa upuan nang marinig ang pamilyar na pangalan na sabi niya.
"Ngayon na ba?" kunwaring tinatamad na sabi ko.
"Yeah! Ngayon na. May oras ka pa naman and it's not ma-traffic kapag pa-Manila sa gabi. We will wait for you, ha?"
"Okay..." walang sigla kong sabi.
Pagbaba ng cellphone ay hinagis ko na iyon sa sofa. Nagmamadali akong umakyat para maligo ulit at magbihis. I still have a lot of time to prepare. It's six in the evening. Ang party naman usually nagsisimula nang eight or ten pm. I don't wanna go there looking not prepared.
I let my hair ponytail done. I had smokey eyes and red lipstick. Namumutok din sa pagkapula ang aking pisngi. Eyebrows on fleek and curled eyelashes make me look seductive.
I chose a black metallic strap deep v-neck above the knee dress. Naglagay ako ng choker. Sinuot ko ang black D'orsay shoes at kinuha ang glittery black clutch to match my outfit.
I grinned after I checked myself in the mirror. Kumikinang ang suot kong diamond earrings and rings. I have gold bracelets and bangles too.
Tawag na ng tawag si Megan dahil hinahanap na ako. Seven-thirty na at on the way na silang lahat. Pinatunog ko ang sasakyan bago ko sinagot ang tawag niya.
"Yeah, I'm on my way, my goodness!" sabi ko at pumasok na sa loob ng pulang BMW.
"I wanna make sure you're going to come. Baka you're pranking us lang, eh. Sige, let's see each other later. Nasa biyahe na rin 'yong dalawa."
She turned off the call after.
Napasilip ako sa side mirror at napangiti habang nagmamaneho. Parang gumaan ang pakiramdam ko matapos ang isang buwan na pagiging mainitin ang ulo. Siguro kailangan ko lang talaga gumala at pilitin ang sarili ko na umalis.
I happily keep tapping my fingers. Traffic pero ito 'yong traffic na na-e-enjoy ko. Hindi mainit ang aking ulo. Saglit lang naman at umusad din naman. Nakarating ako sa Okada bago mag-alas nuebe.
Nasa loob na sila Cassy at inaantay ako. Kanina pa sila nagsimula at marami ng tao. Pagpasok ko sa loob, arkilado ang buong venue. May mga sikat na artista, models and politicians na invited.
"Hi!" Tumili ako ng makita ang ilang kakilala at nakipag-beso.
"You look gorgeous! Oh my god! Quinn! Look who's here!" anunsyo ni Ynna matapos akong hawakan sa beywang. Nagkagulo sila nang makita ako. Sunod-sunod na batian at purihan ang nangyari bago ako pinakawalan at nakarating sa grupo nila Stacy.
"Halos ayaw ka nang bitiwan. Hindi ka kasi nagpapakita," Megan chuckled. Inabutan agad ako ng party drink.
Tinanggap ko iyon at nilapag ang clutch sa lamesa. Pasimple kong pinasadahan ang buong paligid.
"Where's Miggy?" sabi ko dahil hindi pa ako nakakabati.
"He's there. May mga kausap pa. You should go and greet him. Hindi mauubusan nang kausap 'yon," sabi ni Cassy.
Ngumiti ako sa boyfriend nitong nasa tabi niya.
Nakilala ko si Miggy dahil na rin kila Cassy. Kakasama ko sa kanila marami akong nakilala na models and nasa fashion industry. Dumami ang kakilala ko.
"Excuse me," sabi ko sa kanila at umahon mula sofa para pumunta kay Miggy.
Agad ang pagbugso nang kaba sa aking dibdib nang makita ang pamilyar na likod ni Axel. Kausap si Miggy. Bigla akong nakaramdam nang excitement. I walked gracefully as if his presence is not a big deal to me.
"Hi, Miggy!"
Napatingin silang dalawa sa akin. Namilog ang mga mata ni Miggy ng makita ako at ibinagay sa waiter ang hawak nitong wine glass. Nakipag-beso ako sa kanya. He's a model. Kasamahan ni Cassy sa local agency.
"Wow, you're here!" aniya.
Ramdam ko iyong titig ni Axel sa akin.
"Happy birthday!" bati ko sa kanya matapos na makipag-beso.
"Thank you! Kumain ka na ba? We have a buffet here, mamaya may show. May invited akong singers, vloggers, and dancers," he chuckled.
"Don't worry about me. I'll eat later," sabi ko at napatingin na kay Axel na nakanguso at paminsan-minsang tumitingin sa sahig habang may hawak na wine glass ang kanang-kamay.
"Sandali Axel, ha?" sabi ni Miggy pero umiling ako.
"Naku uupo na ko. You two can talk. Nakaistorbo ako sa pag-uusap niyo," I chuckled.
"Hindi naman. Nagkamustahan lang kami," si Axel ang sumagot habang nakatingin sa akin.
Tumango ako at walang nasabi. Naagaw ang pansin namin nang dahil sa bagong bisita ni Miggy at binati din siya. Sumenyas ako na pupunta na sa table namin kaya tinanguan niya lang ako. Nakita ko pang ganoon din si Axel at mabilis na nakahabol sa akin.
"How are you? It's been a long time," aniya.
"Yeah... good to see you here," I chuckled to hide my nervousness.
God, it's just him! Why do I need to feel so freaking nervous!
Natigil ako tuloy dahil kinakausap niya. I was about to say something when a man approach me.
"Sofia!"
Paglingon ko si Rix iyong aking nakita. Nakangisi siya habang lumalapit sa akin. Nakapamulsa. Ngiting-ngiti siya ng makita ako.
"Wow..." aniya at pinasadahan ako ng tingin. Hindi maalis ang ngiti sa labi.
Gumilid ang mga mata ko para tignan si Axel na nakatayo pa rin sa gilid ko. Pinapanuod si Rix na huminto na sa harap ko.
"Long time no see," tangi kong nasabi. Medyo awkward. Kaya lang hindi pansin ni Rix ang katabi ko. Ang mga mata niya ay sa akin lang nakatingin.
"Glad we've met again. Where's your table?" iyon agad ang tanong niya sa akin.
"Uh—"
"We're still talking," singit ni Axel kaya napatingin sa kanya si Rix.
"Oh, I don't know. I'm sorry," sabi ni Rix at napatingin sa akin habang nakangiti.
"Let's talk later, doon lang ako," sabi niya at tinuro na ang pwesto niya kasama ang barkada nito.
Tumango na lang ako para matapos na kahit wala akong balak na pumunta doon. Pinanuod ko lang siyang umalis. Kung hindi humakbang si Axel at hinarangan ang view ko kay Rix ay nakatanaw pa rin ako sa papalayong lalaki.
"You are so famous to men."
Umawang ang bibig ko lalo na nakatitig siya sa akin. Ngumisi siya pero halatang hilaw naman iyon.
"I don't know," sambit ko.
"I know because I've been watching you always. Every time you walk, you become a head-turner. Is that your ex?" tanong niya na dahilan para magulat ako.
"How did you know?"
"I don't know. I'm just asking you so I would know," sagot naman niya sa akin. Sumimsim ito ng wine habang hindi pinuputol ang tingin sa akin.
Napangiwi ako at wala sa sariling nakatingin na sa banda nila Stacy na nanunuod pala sila sa amin! Mabilis kong binaling ang mga mata ko kay Axel.
"Well, yeah. He's uh, my ex," I replied and looked away.
Ngumisi si Axel.
"You like... good boys," puna niya. Para bang sigurado siya doon dahil hindi tanong ang sinabi niyang iyon.
I cleared my throat.
"I like mature men," sabi ko na lang.
Hindi lang kasi ako mahilig na sa ganoong lalaki. Iyong malinis tignan, iyong parang prince charming sa sobrang perfect. I began to appreciate the rugged type of a man. Not bad din pala. I pouted when I realize something. Mabilis kong inalis sa isip ko iyon.