SINERMUNAN ako ni Mommy dahil nalaman niyang palagi ko palang pinagagalitan o inaaway si Axel. My yaya has a big mouth. "He's nice tapos pinahihirapan mo. You're childish. Asawa mo 'yong tao hindi mo boy para kung ano-ano iutos mo," reklamo ni Mommy when she visited us in our penthouse. Sumimangot ako. "As what I remembered, I am your child. Bakit siya ang kinakampihan mo? Mom, buntis kaya ako!" "I know. I can see it clearly, ang laki na ng tiyan mo," sabi niya sabay baba ng tingin sa tiyan ko. Hinimas ko ang umbok na umbok ko nang tiyan. Wala si Axel at dahil pinauwi ko sa kanila. Inis na inis ako sa mukha niya. "I don't know why I hate his face these days. Noon naman, ayoko nang wala siya sa tabi ko pero ngayon ayaw ko naman makita siya." "If you keep on pushing him away and act l