NAPATINGIN ito sa trunk ng aking sasakyan. Napatayo ako ng tuwid ng lumapit siya sa akin.
"W-why?" mahina kong sambit sabay tingin sa kanya na nasa tabi ko na siya. Napakislot ako nang tumunog ang trunk.
"Naka-angat pa," anito sabay ngisi sa akin.
"Uh, thanks..." Lumayo ako ng kaunti. Para akong nahihirapang huminga ngayong malapit siya sa akin.
"We didn't get a chance to talk last time. Sa dental clinic," aniya.
Umangat ang gilid ng labi ko at tumango pero hindi makatingin sa kanya. Kapag ginagawa ko kasi, nagi-guilty ako. Na hindi ko masabi sa kanya kung ano ang alam ko. Hindi man ako um-oo kay Mary Anne, may konsensya pa rin ako dahil somehow. I tolerate her.
Now I have a chance to tell him. Hindi ko magawa. Ayoko manghimasok sa buhay nilang mag-asawa, ayoko rin naman ng may taong niloloko.
"Yeah," I chuckled. I don't know what to say.
Pagsulyap ko sa kanya ay nakabuka ang bibig nito. Para bang may sasabihin pero walang lumabas sa kanyang bibig. Naituro ko 'yong sasakyan ko.
"I'll go now. Ikaw ba?" I asked awkwardly.
"Uuwi na rin. See you around," sabi niya at lumayo nang kaunti.
Naglakad ako at tumingin sa kaya para bigyan ng ngiti bago ako pumasok sa loob ng aking sasakyan.
I don't know where my conscience would take me. Pinapanuod ko pa sa side mirror si Axel habang papaalis na ako sa parking area nang grocery store.
Nanliit ang mga mata ko nang makita si Erika na pumasok ulit sa isang klase namin. After two weeks, bumalik siya to enroll for personality development class.
Nilagpasan ko ang room at pumasok sa pantry para kumuha nang snacks and to brew some coffee. Makikita ko na naman siya. I hope she's not with that guy.
I shook my head. Sila pa rin ang iniisip ko. Bahala sila.
Hindi na ako nagulat nang maabutan si Mary Anne sa lobby. Siya lang mag-isa. I was about to greet her when she look at the other direction—clearly ignoring me.
Nakuha ko agad ang signal niya. Ayaw niyang malaman ng iba na magkakilala kaming dalawa. I got it. Marahil ay iniiwasan nitong kumalat ang issue tungkol sa affair niya sa iba. Ako pa ang pagmumulan kapag tinanong ako ng iba.
Nakipag-usap pa ako sa reception bago bumalik sa loob. Hindi ko siya sinulyapan man lang o binati. Pagbalik ko sa table ko ay tunog ng tunog ang aking cellphone.
It's Stacy.
"Hello," bungad ko at umupo na sa swivel chair.
"Sofy, saan nga banda ang school mo? I forgot na kasi. Nandito ako sa Paseo De Roxas. Dito ka banda 'di ba?"
"Wow, are you going to visit me?" I chuckled.
"Yup! Saan ba? Should I turn right? Parang right," aniya.
"We're beside PS Bank."
"Oh, okay! Got it! Nakita ko na," aniya at ibinaba ang tawag.
Ano naman kayang nakain ng babaeng 'yon at bigla akong pupuntahan dito.
Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang katok at bumungad ang mukha ni Stacy pagbukas ng pinto.
"Hi!" bati ko at tumayo na.
Natataranta itong pumasok bitbit ang dalawang paper bags at nagmamadaling lumapit sa akin.
"Sofy! Gosh! You wouldn't believe what I saw!" aniya dahilan para kumunot ang noo ko. Nagmamadali nitong nilapag ang paper bag sa lamesa ko tsaka ako binalingan.
"What is it?" I asked. Tinagilid ko ang ulo at nakapamulsa siyang pinagmamasdan.
"I saw Mary Anne with another guy! At hindi 'yon friend, ha. I don't believe that bullshit. They are sweet. As in, 'yong gesture no'ng lalaki. Hindi 'yon gesture nang kaibigan or kapatid!" she said in panic.
Napaawang ang bibig ko. Hindi na lang ako ang nakakaalam. Bakit kasi hindi man lang discreet si Mary Anne sa panlalaki niya. Nahuhuli tuloy siya ng iba. Kaya lang masama naman talaga ang ginagawa niya. Dapat alam na 'yon ni Axel. Na niloloko siya ng asawa. Kaso hindi ko naman masabi.
"Talaga?" I pretended I didn't know. Nilapitan ko 'yong paper bags sa lamesa.
"Oo. I saw it with my two eyes! Hindi mo ba alam? Dito siya nag-park, eh. Anong ginagawa niya dito?" usisa nito.
"Her sister is enrolled in my class," tipid na sagot ko at binalingan siya. "Is this for me?" tanong ko sabay angat ng paper bag na may tatak galing sa mamahaling brand.
"Oh, that's for you! Hindi ako makakapunta sa birthday mo next week. I'll fly to Venice kasi the day after tomorrow. Two weeks ako doon. I-a-advance ko na itong birthday mo," aniya dahilan para ngumuso ako.
"Aw, thank you..." Niyakap ko ang paper bag.
She chuckled.
"You're welcome, Sofy. Anyway, let's go back to Mary Anne. I can't move on, girl! Like, what the hell. Is she cheating on Axel? The nerve of that woman! Axel is a f*****g good catch! Naiahon na nga siya sa hirap. Humanap pa ng iba. I don't think that guy is above Axel. Hindi siya mayaman. Well... parang afford lang to have a wonderful life. Compared to Axel's assets. Walang-wala ang sa lalaking 'yon," she rolled her eyes.
I sighed.
"It's their life. Let them be, Stacy. Sooner or later, lalabas din naman 'yan. We can't keep secrets forever."
"Yes at sa ginagawa niyang bulgar kahit maraming tao. I bet malalaman din 'yan agad ni Axel," she sighed. "Poor boy." Napailing na lang ito.
"Let's have dinner na lang bago ka umalis," pag-iiba ko ng usapan.
Ngumisi si Stacy at tumango.
Dahil sa nalaman ni Stacy, pinagkalat niya 'yon sa sarili naming group chat. Bumuntong-hininga na lang ako at ayoko nang makisali pa. Hindi ko lang maiwasang makibasa sa mga pinagsasabi nila.
Megan: She's a gold digger!
Stacy: Maybe she used Axel lang para umangat sa buhay pero she's not really in love. Nahanap niya 'yong true love sa iba. He's hot though. Kung pagbabasehan ang looks, hindi magpapatalo ang kabit niya.
Napailing na lang ako sa palitan nila ng messages. Humiga na lang ako sa kama habang nilalagyan na ng cucumber ang aking mga mata. Panay ang tunog ng cellphone ko pero hindi ko na tinignan. Alam ko namang sila Stacy lang iyon.
"These are for you. Pinadala lang ng rider," sabi sa akin ni Teacher Gemma bitbit ang isang box nang donut at red roses bouquet.
Tumayo ako para salubungin siya at kunin ang bitbit nito.
"Kanino daw galing?" I asked.
She shrugged.
"Nasa letter yata, Ms. Sofia," aniya at tinuro ang letter na nakaipit sa bulaklak.
"Oh, right. Salamat, Teacher Gem," I said and closed the door.
Takang-taka pa ako kung kanino galing dahil alam kong wala na kong manliligaw ngayon. Pinatigil ko na at gusto kong friends na lang talaga.
My mouth dropped open when I saw Rix's name on the letter.
I Miss You
Rix,
Kunot ang noo ko nang mabasa ang letter niya. Anong kalokohan ito?
We didn't have any communications at all. Rix doesn't know my new number. We don't follow each other on our social media accounts. Iniisip ko na lang baka nag-research siya at nalaman niyang may sarili akong school na pinatayo.
Nakapameywang pa ako habang tinitignan ang box ng donut sa lamesa. It's my favorite. The glazed donut from Krispy Kreme. He still remembers it. I don't want to think na may ibig sabihin ang ginagawa niyang 'to pero nauuwi ako sa thinking na maybe... he's giving me signs na he wants to court me. Bigla siyang magpaparamdam.
Hiwalay na kami. Isang taon na. Alam ko may girlfriend na siya. Wala na sila? Kaya ako ang pinadadalhan niya ngayon ng bulaklak?
Napakislot ako sa tawag ni Stacy.
"Hmn?" bungad ko habang nakatitig sa donuts.
"Oh my god! I have a chika!" tili nito dahilan para mapunta sa kanya ang buong atensyon ko.
"What is it?" hindi ko maiwasang itanong.
"Hiwalay na si Axel at Mary Anne! Nalaman ni Axel 'yong ginawa ng asawa niya! Nabanggit sa akin ni Julio!" aniya.
Julio is our common friend.
"Really?" tamad kong tanong. Wala talaga akong interes sa buhay ng iba.
"Hindi pinapaalam sa lahat. Kaya iniiwasan na malaman ng media. This is embarrassing. Lalo na lalaki siya at nasa kanya na ang lahat. Finally, he found out the truth. At least, hindi siya forever na walang alam."
"It's better na rin for them na nalaman agad kaysa sa magtagal pa. I thought you're gonna fly na? Mamaya pa ba ang flight mo?" I asked and went to my swivel chair to sit down.
"Mamaya pa..." aniya at nagtuloy-tuloy na sa pakikipag-chika sa akin tungkol sa kung ano-ano.
Naisingit ko na ang tungkol kay Rix.
"He sent me flowers and a box of donuts today."
"Oh god! He's making a move!" ani ni Stacy.
Sumandal ako sa swivel chair at humalukipkip.
"Maybe," tipid kong sagot.
"Maybe he's single. Hindi naman kayo naghiwalay because of third party. Maganda naman ang closure niyo, why don't you try him again? I bet he's gonna court you again."
I groaned.
"Stacy, I have moved on. Tapos na ko sa kanya. Hindi porket wala akong naging boyfriend after niya eh gusto ko pa rin siya. I don't feel like being in a relationship right now. Kailangan ko pang palaguin itong negosyo ko para hindi ako kulitin ni Daddy. Ayokong umuwi sa Batangas," sabi ko na lang.
Nagpaalam din si Stacy matapos namin mag-usap dahil mag-aasikaso na siya para sa flight niya mamaya.
The other girls are still busy. Hindi na kami nagkita ulit at ang sure na pupunta sa birthday ko ay si Megan. Parehong nasa ibang bansa si Cassy at Stacy. I plan to have a simple birthday celebration lang. Mayroon ako kasama ang mga empleyado. Mayroon ding family and friends dinner. I invited a few friends.
Hindi naibalita o kumalat ang tungkol sa hiwalayan nila Mary Anne at Axel pero bukambibig naman sila ng mga kaibigan ko. Para bang sila lagi ang hot topic sa group chat namin.
Dumating ang birthday ko. I can't believe I am now twenty-eight. Nakangiti pa ako habang kinakantahan nila ako ng happy birthday. May bitbit pa akong malaking bulaklak nang hinipan ang kandila.
"Happy birthday, Sofy!" bati nilang lahat.
Labing-lima ang tao sa long table. My cousins, aunt and uncles are present. Limang kaibigan din ang invited. Pinag-isa ko na ang celebration para hindi na rin hassle sa preparation at time.
Sumisimsim ako ng wine habang nakikinig sa kwentuhan nila Tito nang dumating ang katulong para tawagin ako. Sa Hacienda Carillo dito sa Batangas ko ginanap ang 28th birthday celebration ko. As I grow older, ang gusto ko na lang ay intimate celebration. Tinatamad na rin akong mag-clubbing.
"Why, Manang?"
"Kayo po Senyorita ang pinapa-receive ng pinadala. Malaki at mahal po kasi," sabi niya nang tumayo na ako at nagpaalam sa mga kasama.
"What is it, Sofy?" Mom asked.
"I'll check na lang muna. Delivery daw," sagot ko at sumunod kay Manang.
Nagulat ako nang makita ang malaking box. Talagang gabi pa pinadala.
"Maam, pa-pirma na lang po. Special delivery po ito. Talagang pinasadya pong gabi."
"Kanino daw galing?" I asked while signing the paper.
"Suitor daw po, Maam. Iyon po ang sabihin kapag tinanong," sagot ng delivery boy.
Tumaas ang kilay ko at napatingin sa malaking box na naka-wrap na at may ribbon na pula. Pakiramdam ko ay galing iyan kay Rix Salvacion. He is not only my ex but he's my kapitbahay sa dati kong condo. Na ngayon, civil naman kami noong last time na nagkita kami. Wala nga lang communications na talaga.
After that bouquet with donuts. Ito naman ngayon ang pinadala niya.
"Thank you, Maam! Happy birthday po!" sabi sa akin nang delivery boy.
"Thank you," sagot ko at naabutan ang mga katulong na kinikilig at may halong kuryosidad sa malaking box sa living area.
Napangiwi ako. Kapag nakita ito nang mga bisita ko ay pagpipyestahan na naman nila ako.
"Naku, Senyorita! Baka galing kay Mayor Gavino 'yan!" bulalas nang isang katulong namin.
"Hindi. Pinatigil ko na siya," sabi ko at bumalik sa dining area dahil naiwan ko 'yong mga bisita ko doon.
Pagdating nga nakatingin silang lahat sa akin. Nag-aantay ng sasabihin.
"Ano raw 'yon?" Dad asked. Marahan ibinaba ang wine glass.
"Uh, just a gift. For my birthday. Ginabi lang ang delivery," sagot ko na lang.
Kaya lang pinagkaguluhan nila dahil malaki iyong box. Kasing laki ng tao at first time lang may nagregalo sa akin ng ganyan. Gusto pang ipa-open ni Selena pero pinaakyat ko na sa taas.