NATIGILAN ako saglit. Unang pumasok sa isip ko ay anong dahilan bakit gusto niya akong kausapin. But then, I remember that she knew I saw her last month with her boyfriend. For sure, she knew that I am the owner of Etiquette School of Manila pero patuloy pa rin siya sa pagsama sa boyfriend niya kapag susunduin ang kapatid nito.
I nodded.
"Sure," sabi ko at minuwestra niya na sa akin ang sa tabi. Sa dulo kung saan walang masyadong tao at madilim. Sumulyap pa siya sa paligid bago sumunod sa akin.
"I know we're not friends to ask for a favor, but I know you are not the type of person who gossips and interferes with other's lives, so..." sabi niya agad sa akin habang nakangiti.
Kumibot ang kilay ko. It makes me cringe when I hear this from her.
"You want me to shut my mouth?" Tinagilid ko ang ulo at pinagmasdan siyang mabuti.
Nagbaba ito ng tingin bago binalik ang mga mata sa akin. I took a deep breath.
"I was hoping you could do that, Sofia."
"Sofy?"
Sabay kaming napatingin kay Cassy na naglalakad na palapit sa amin. Inaanag ako. Nagkatinginan kami ni Mary Anne.
"Why?" tanong ko kay Cassy na mabilis na nakalapit sa amin.
"Bakit nandito ka? Oh, Mary Anne! Hi!" sabi ni Cassy tapos pabalik-balik na ang tingin nito sa aming dalawa ni Mary Anne.
"Hi!" bati nito sabay baling sa akin. "I hope you'll do me a favor, Sofia. I have to go. Nice to see you both," sabi niya at nilagpasan kaming dalawa.
"Let's go," yaya ko kay Cassy para pumasok sa banyo.
"What did you two talk about?" usisa niya.
They didn't know anything. Hindi kasi ako mahilig talaga pag-usapan ang buhay ng iba.
"Nagpasalamat lang siya sa'kin. You know... nag-enroll ang kapatid niya sa class ko," sagot ko at naghugas nang kamay.
Sumandal sa lababo habang humalukipkip si Cassy. Sinundan muna nito ng tingin ni Cassy bago ako binalingan.
"Why did she tell you I hope you'll do me a favor, Sofia?"
Pinatay ko ang gripo at kumuha ng tissue.
"Uh, she's asking for the requirements lang for etiquette coach for her friend. I'm gonna send it to her. Ano ka ba! What are you gonna do ba? Bilisan mo na," sabi ko sa kanya habang nagpupunas ng tissue.
Ngumuso lang ito at pumasok sa cubicle.
"I thought you have secrets na, eh."
Napakurap-kurap ako sa sinabi ni Cassy. Natamaan ako sa sinabi niya. I just chuckled. Ayokong madamay sa kung anong ginagawa nila Mary Anne at Axel. Labas na ako doon.
I ignored them. Nagpanggap akong walang alam kahit na paminsan-minsan napapatingin ako sa kanila dahil maingay sa table nila. Birthday yata nang isa niyang kaibigan. May kakilala din kami sa grupo nila kaya nang makita kami na nasa kabilang table. Lumapit na ang ilan sa amin at nakipag-usap kahit saglit lang bago bumalik sa kabilang table.
"Hindi mo daw ni-re-reply-an si Macoy. He's a good catch! Bagay ka rin sa politician, Sofy," Megan said.
Napangiwi ako.
"My god! Politicians are not my thing!" I rolled my eyes and grabbed my drinks.
"He's an actor din naman before," Cassy said.
Umiling ako.
"I don't like politics. Magulo," I sipped my wine and grabbed some nachos.
Megan shrugged.
"After Rix, mas lalo kang naging pihikan. I hope you'll find your match before this year ends. Para mas masaya ang vacation natin sa December kasi lahat tayo may boyfriend," sabi ni Stacy.
Yes. I had a boyfriend for the past two years. Isa lang at inabot kami ng anim na buwan.
"I can come naman without any boyfriend. Sanay na ko," sabi ko dahilan para tuksuhin ako ni Cassy.
"It's good to be in love. You should entertain again. Maraming nagkakagusto sa'yo. You just have to give it a try," Stacy said.
"Why are you guys so worried about my love life? Hindi pa ako mawawala sa kalendaryo and my gosh! Hindi pa rin naman kayong lahat ikakasal at maiiwan ako para ma-pressure kayo na hanap ako ng boyfriend," sagot ko.
Nagtawanan sila sa sinabi ko. Noon pa man ay ganyan na sila. Hanggang ngayon ba naman? I enjoy what I'm doing. Masyado akong busy sa tinayo kong business. Kaya hindi ko na naiisip minsan ang makipag-date sa lalaki. I wanna prove myself to everyone lalo na kay Daddy na masaya ako sa ginagawa ko at magiging successful ang business ko kaya hindi ko na kailangan hawakan ang negosyo ng pamilya.
My heart doesn't belong to managing our sugar plantation. Kung hindi sa tawag ng boyfriend ni Stacy. Hindi kami lahat uuwi. Akala niya kasi ay bukas pa ang dating ng boyfriend nito pero na-surprise siya na pagdating sa unit. Wala si Stacy doon.
"Oh my god! Lagot ako!" Napahawak sa magkabilang pisngi si Stacy.
"Tayo lang naman magkakasama. Akala ko sinabi mo sa kanya. Anyway, I'll go na rin. Let's see each other na lang next time," sabi ko at nakipag-beso-beso pa sa kanila.
Matapos magpaalam ay isa-isa na kaming sumakay sa sasakyan. Bumisina pa si Stacy sa akin at sumunod sa kanya ang dalawa. Sinilip ko muna ang cellphone ko dahil kanina pa iyon tunog ng tunog.
I got messages from my Mom and brother. Binasa ko lang isa-isa bago ko binuhay ang makina nang aking sasakyan. Pag-angat ko ng tingin. Si Axel at Mary Anne ang una kong nakita. Naka-akbay pa si Axel sa kanya at nagbubulungan pa sila.
Wala naman akong pakialam pero she's disgusting. Siguro kung hindi ko alam ang secret niya ay maniniwala akong tunay ang pagmamahalan nila or I should say totoo ang pagmamahal niya para sa asawa niya.
Hindi ko na nga naisip ang tungkol sa kanila pero noong sumunod na linggo. Si Axel naman ang nakita ko habang may appointment ako sa dentist. We have the same dentist kasi and sa bihira ko pang pagpunta sa dentist ko ay makikita ko pa siya.
Ngumiti lang siya sa akin tanda ng pagbati. Naabutan niya kasi ako bago siya papasukin sa loob. Hindi na rin kami nag-usap nang pauwi na rin ito.
Pinatunog ko ang sasakyan at inangat ang compartment para ilagay ang mga paperbags na pinamili ko mula sa grocery store.
"Sofia?"
Paglingon ko si Axel Montero ang nakita ko.
"Wow, I've been bumping to you constantly," sabi niya sa akin habang nakapamulsa ang isang kamay at ang isa naman ay bitbit ang plastic bag.
I took a deep breath and smiled at him.