Inutusan ni Stella na ihinto ang kotse nang mula sa hindi kalayuan ay nakita niyang naglalakad si Maya at Daniel. Magkahawak-kamay ang mga ito. Oh well, what's new? Lagi naman niya nakikita na aginagawa iyon ni Daniela sa pilantod na 'yon bagay na kinaiinisan niya. Napansin din niya na nagupitan na ng buhok si Maya. Hanggang batok na lang nito ang dating abot beywang na buhok nito. Dapat siyang matuwa. Noon pa niya gustong kalbuhin ito dahil nga pakiramdam niya ay sa buhok nito kung kaya't mas lalo ito nagmumukhang attractive. But no, mas lalong nagngingitngit ang loob niya ngayon dahil pakiramdam niya ay mas lalong bumagay sa hugis puso na mukha nito ang bagong gupit nito. "That b*tch!" Ano ba ang wala siya na mayroon kay Maya? Mayaman siya. Ubod. Maganda, sa katunuyan nga maraming nab