"Anak, hinay-hinay ang sa pagtatanggol sa kababata mo, baka sa susunod hindi lang iyan ang aabutin mo." Umiling si Daniel sa sinabi ng kanyang ina. Kanina pa siya nito sinasabon ng sermon habang naglalakad sila papunta sa paradahan papunta sa kanilang baryo. Namumungay ang mata niya dahil wala pa dalawang oras ang tulog niya. Buong magdamag siyang nabilanggo dahil pinahuli siya sa pulis nang magulang ng mga barkada ni Stella dahil sa ginawan iyang pambubogbog sa mga ito. Kanina ay si Stellla ang umareglo at kumausap sa magulang ng mga ito dahil hindi daw siya nito kayang matiis kung kaya pinakawalan siya ng pulis. Tuloy nagkaroon pa siya ng utang na loob dito. Kung tatanungin siya kung uulitin ba niya ang ginawa oras na galawin ulit ng mga ito si Maya? Oo, ang sagot niya. Habang buhay