Kuyom ni Daniel ang kamao habang kanina pa ginagalugad ang buong University. Hinahanap niya si Stella. Sobra at hindi na tama ang ginawa nito kay Maya. Dapat na itong tuturuan ng leksyon. Sa mga oras n iyon ay gusto niya itong sakalin. Nagpupuyos sa galit ang dibdib niya.
Hindi nakapasok ngayon sa klase si Maya sapagkat nilagnat ito. Dinala ito sa hospital pero agad din pinalabas. Ni-resetahan lang ito ng pain killers at antibiotic para maiwasan ang infection sa sugat nito sa leeg gawa nga ng pagkakapaso sa kanya.
Awang-awa siya nang makita si Maya kahapon. At labis din ang galit niya sa sarili dahil wala siya kung kailan na mas kailangan siya nito. Ibang tao ang tumulong dito. Hindi na dinitalye ng kababata ang buong pangyayari sa kanya dahil sa takot na balikan niya kung sino man ang gumawa no'n dito.
Nakita niya na isa sa mga nag-uumpakang estudyante sa bench ang barkada ni Stella na anak ng Professor. Sa pagkakatanda niya'y Harold ang pangalan nito. "Nasaan si Stella?" seryoso ang mukha na tanong niya.
Marahil nakaamoy ng gulo ang mga kasama nito kaya kanya-kanyang pulasan. Napaatras naman ang lalake. "Aba, ewan ko. Bakit sa'kin mo hinahanap?"
"Saan siya madalas tumatambay?"
"Hindi ko alam." Naging malikot ang mata nito.
"Saan!" Tumaas na ang boses niya at mas lalo ang dumilim ang mukha niya. Batid niyang alam nito kung nasaan si Stella. Para mapaamin ito ay kinailangan pa niyang kuwelyuhan ito. Mas mataas siya kesa dito. Umabot lang ito baba niya. Kaya kailangan pa nitong tumingkayad para hindi masakal ng damit nito. "Nasaan si Stella?!" ulit niyang tanong.
"S-Sa apartment ni Cloe, sa kabilang kanto lang paglabas dito sa University," sagot ni Harold na buong lakas na tinanggal ang kamay niya sa kwelyo nito.
Alam niya kung saan ang tinutukoy nito dahil nadadaanan nila iyon ni Maya sa tuwing pauwi na sila. At nakikita nila si Stella kasama ang mga barkada nito na nasa labas lang mismo ng apartment. Maiingay. Nag-iinuman.
Hahakbang na sana siya nang mapansin na tila nakahinga ng maluwag si Harold. Kumunot-noo siya. Hindi kaya kasama ito ni Stella sa ginawang pananakit kay Maya kahapon. Muli niya itong hinarap. "Kasama ka ba kahapon ni Stella?"
"H-hindi . . . Pagkatapos ng klase umuwi kaaagad ako."
"Umamin ka!'' sigaw niya na muli itong kinuwelyuhan at binalya ang likod nito sa kalapit na pader.
"Ako lang ang nag-drive ng van, Pare. Pero swear, wala akong ginawang masama kay Maya. sinubukan pa namin siyang pigilan pero maging kami ay takot sa kanya. Alam mo naman kung gaano kakapangyarihan ang pamilya niya dito sa lugar natin."
Sinubukan niyang magpakahinanon sa kabila ng pangangalit ng bagang. "Ikuwento mo ang lahat ng nangyari," utos niya
"Kay Maya mo na lang itanong, Pare."
Mas lalo pa niya itong diniin sa pader.
"Oo na! Magkukuwento na! Bitiwan mo muna ako."
Sinunod naman niya ang gusto nito. Hawak-hawak nito ang leeg. At hinilot pa ang batok. Tila ba inaantala ang lahat kaya binigyan niya ito ng isang nagbabalang tingin.
"Pare, napag-tripan lang namin si Maya, ang sabi kasi sa amin ni Stella ay mag-v-vlog kami ng kidnapping prank. Alam mo naman ang girlfriend ko, vlogger. Pumayag kaming lahat. Pero hindi naman namin akalain na sumubra si Stella - "
"Ano ang ginawa niya?"
"Naglabas siya ng lighter, sinunog ang buhok ng pilantod na - "
"Huwag mo siyang tawaging pilantod," nanlilisik ang matang sabi niya.
"I m-mean ni Maya. Ayon nga, nagpumiglas si Maya. Sinabihan niyang baliw si Stella kaya nagalit. Doon na siya nagsimulang bugbugin."
"Wala ni isa man sa inyong umawat?" Nanlumo siya. Na-imagine niya ang iyak ng kababata at kung paano na tinatanggap na lang nito ang lahat ng pananakit ni Stella dahil itong kalaban-laban. Masakit. Parang pinipiga ang puso niya.
"Gustuhin ko man, Pare pero ako ang nagmamaneho e."
"Ganoon ba. Sige, pare."
"Thank you, pare, puntahan mo na si Stella." anitong pinulot ang bag nitong nalaglag ng kuwelyuhan niya.
"Pare," aniya. Nang tumingala ito ay pinakawalan niya ang isang kamao. Bagsak ito sa semento. Agad na pumutok ang labi nito at lumabas ang dugo sa ilong nito. "Sa susunod matuto kang magmalasakit sa taong walang kalaban-laban."
"s**t! Isusumbong kita kay Daddy! Patatalsikan ka sa University na ito!"
Tila walang narinig na humakbang siya. Iniwan niya itong nangangalaiti at sigaw ng sigaw. uloy-tuloy lang siya sa labas ng University. Sa totoo lang ay umiskapo lang siya sa klase para mahanap si Stella. Wala siyang pakialam kung anak man ito ng isang makapangyarihang tao. Ang gusto niya ay madala ito sa mga kasamaan na pinagagawa.
Narating niya ang naturang apartment. Sa labas pa ang ay nakita na niya si Stella pati na ang mga barkada nito. Nagpare-pares. Babae at lalake. Nag-iinuman. Hindi alintana kung nagagambala man ang paligid sa malakas na music.
Sa kantong iyon nakahilera ang mga boarding house at apartment at kadalasan sa mga tenant ay estudyante o 'di kaya'y mga nagtra-trabaho. Ang lugar kasi na iyon ay sentro ng siyudad. Malapit sa mga University, mall at hospital.
Sa pagkakaalam niya ay bawal ang maingay sa lugar na iyon. Pero walang magtatangkang sitain si Stella at ang mga barkada nito dahil nga sa mga anak mayaman. Iyong isa ay Mayor sa siyudad na iyon ang ama.
Sa mga sandaling iyon ay hindi na pumasok sa utak niya ang pagitan ng estado ng buhay nila. Handa siyang harapin kung ano man ang maging konsekwensya sa gagawin niya.
"Stella," tawag niya sa pangalan nito habang lumalapit sa babae. Hindi na niya ito binigyan pa ng pagkakataon na makakilos. Hinawakan niya ang kamay nito sa sobrang higpit ay namilipit ito sa sakit.
"Aray! Ano ba, bitiwan mo ako!"
"Ano ang ginawa mo kay Maya?" Nandidilim ang mata na binalya niya ito sa upuan.
"Nagsumbong ba sa iyo ang babaeng iyon? Kung makaarte ba as if pinatay?" sarkastikong sabi nito na tinirik pa ang mata. Tatayo pa sana ito pero muli niya itong binalya. "Ano ba! Isusumbong na kita kay Daddy!"
"Isusumbong mo! Hindi ako natatakot!" aniyang pinatayo ito at binalibag sa semento. Napasigaw ito habang nagpagulong-gulong. Agad itong dinaluhan ng mga kaibigan nitong babae habang ang mga lalake naman ay kaaad siyang sinugod.
Susuntukin sana siya ng isa pero napigilan niya ang kamao nitong dumapo sa mukha niya. Ito naman ang binlya niya. Sumadsad sa semento. Pero hindi na niya napaghandaan pa ang suntok ng isa sa mga kasama nito. Siya naman ang bumagsak.
Sa halip na matakot na marami ang nasa harap niya ay pinahid lang niya ang dugo sa bibig at tumayo. Sumugod siya sa mga ito. Malaki ang laban niya sa mga ito dahil batak siya sa mabibigat sa mga trabaho. Isa pa, higit na mas malaki ang katawan niya kesa sa mga ito.
Pinagtulungan man ay nagawa pa rin niyang lumaban. Hanggang sa pareho-pareho na silang tumihaya sa kalsada dala ng pagod at sakit sa katawan. Puro ungol at hingal ang maririnig. Hindi makabangon ang mga ito. Samantalang siya, kahit hilo man ay sinikap niyang makatayo. Lumapit siya kay Stella na gimbal sa mga naganap. Bakas ang takot sa mukha nito na baka maari rin niya itong saktan
"Sa susunod na saktan niyo pa si Maya, hindi lang ito ang aabutin niyo!" banta niya.