Chapter Six

2041 Words
Absent si Daniel sapagkat kailangan nitong samahan ang ina nito na pumunta sa kamag-anak ng mga ito sa kabilang bayan para kunin ang pinadalang package ng ama nito na isang sea man. Naipon daw iyon na gamit ng ama nito at pinadala na lahat sapagkat mag-re-retire na sa trabaho. At gusto ng manirahan sa Maynila. Kinailangan pa na doon sa kamag-anak ng mga ito ipadala sapagkat hindi nakakapasok ang delivery sa liblib na lugar nila. Nag-arkila pa ang mga ito ng isang dyip dahil maraming pinadala ang ama nito. Halos pigilan na ni Maya ang pag-usad ng mga araw dahil Ilang linggo na lang ang bibilingin at darating na ama nito. Pagkatapos ay aasikasuhin na ng mga ito ang paglipat sa Maynila. Itong taon na ito ay graduating na ang kababata pero plano ng parents nito na ihinto muna sa pag-aaral ng isang semester para makapag-adjust lang ng buhay sa manila. At ma-proseso ang mga dapat gawin. Hindi niya alam kung magkikita pa ba sila ni Daniel oras na makatungtong ito sa Maynila. Dagat din kasi ang magiging pagitan nila. Ngayon pala ay mabigat na ang dibdib niya. Hindi niya ma-imagine ang buhay na wala ito. Tapos na ang klase. Kasalukuyan na siyang naglalakad papunta sa sakayan ng dyip. Naunahan na siya ng ibang estudyante sa paglalakad dahil bukod sa paika-ika ang paglakad niya ay okupado pa ang utak niya. Napamaang si Maya nang sa pagtawid niya sa kabilang kanto ay may humintong puti na Van sa harap niya. At sa pagbukas ng pinto niyon ay nakita niya ang nakangiting si Stella at ang mga barkada nito. Hindi siya nakapalag nang hablutin siya ng isa sa lalakeng barkada ni Stella papasok sa loob ng Van. "Ano gagawin niyo sa akin?" puno ng takot niyang tanong. "Relax, wala kaming gagawin sa'yo. Maglalaro lang tayo," sabi ni Stella na sinabit sa tenga ang hibla ng buhok niya na hindi na nasakop sa pagkakapusod. Pagkaraa'y ay inilhad nito ang kamay sa katabing babae. "Ibigay mo sa akin ang kailangan ko." Nakita niya na isang panyo na nirolyo ang inabot dito. Piniringan siya. Nagpumiglas siya pero hawak na ng dalawang lalake ang magkabilang kamay niya dahil napapagitnaan siya ng mga ito. Kadiliman na ang nakikita niya. Hindi na niya mapigilan ang pamalisbis ng luha dala ng takot. "Pakawalan niyo ako! Ano ba, Stella! Sobra na ito!" "Ganyan nga, dapat kang matakot. Ang tapang-tapang mo sa akin kahapon." "Ibaba niyo ako!" Tawanan lang ang mga ito. Ilang sandali pa ay narinig niyang may nagsindi ng lighter. At naramdaman na lang niya umiinit ang kanyang leeg sapagkat nasusunog na pala ang lumaylay na buhok niya doon. Labis-labis ang takot niya. Susunugin ba siya ng mga ito? "Bitiwan niyo ako!" Buong lakas niyang tinabig ang lalake na nasa kanan niya. Nang mabitiwan siya nito ay mabilis niyang pinagpag nasusunog niyang buhok. Naapula naman iyon bago pa umakyat sa mukha niya. Pagkatapos ay tinanggal niya ang piring sa mata. Nakita niyang kanya-kanyang takip ng ilong ang mga ito sapagkat nakakasulasok ang amoy ng nasusunog niyang buhok. "Walang hiya ka, Stella. Ganyan ka ba kasama?" "Ah talaga? Eh 'di dagdagan natin. Sirain natin iyang pinagmamalaki mong buhok!" Pagkasabing iyon ni Stella ay naglabas ito ng cutter pagkatapos ay hinalot ang buhok niya. At basta parang nag-aani lang ito ng palay kung putulin ang buhok niya. Gusto niyang manlaban. Magpumiglas pero hindi niya mapagawa sa takot na baka gitilin nito ang leeg niya. Sa nangyayari ngayon ay maaaing may kapasidad nga ito na gawin iyon. Impit na lang siyang humikbi habang tinitingnan ang mga naglaglagan na buhok sa sahig ng van. Nang matapos si Stella ay napuno ng tawanan ang Van. "Ayan, mukha ka ng palaka na may cancer." Ngisi nito. "So, ngayon malinaw na sa iyo na mahirap ako banggain?" "May deperensya ka na sa utak," mahina niyang sabi. "Ano sabi mo?" "Ang sabi ko baliw ka na!" Kasabay ng pagkasabi niyang iyon ay ang pagdapo ng kamay ni Stella sa kanyang pisngi. "You b***h!" Nagmistula itong isang nagwawalang leon. Kung saan-saan na siya mataman ng suntok, sampal at sabunot nito. Nagitla ang mga kasama nito. Hindi nakahuma sa pagiging bayolente nito. Maging ang nagmamanehong lalake na isa ring estudyante at sa pagkakaalam niya ay anak ng isa sa Proffesor sa University ay napahinto. "Stella, tama na 'yan. Wala na usapan natin 'yan," Hindi na nakatiis ang isa. Pinigilan na na ang babae. Huminto nga ito. Makikita ang satisfaction sa mukha nito. Hindi kababakasan ng pagkaawa. Samantalang si Maya, duguan na ang gilip ng labi at puro kalmot na rin ang mukha. Mas lalong nagulo ang buhok. "Buksan niyo," utos ni Stella. Walang nakakilos sapagkat hindi pa rin nakaka-recover sa pagka-shock. "Ang sabi ko buksan niyo na ang pinto ng ban!" sigaw nito na kinataranta ng mga kasamanito kaya agad na sinunod ang utos nito. Tinulak siya nito palabas ng van. Nakuha naman niya ang balanse niya pero bumagsak pa rin siya dahil nawalan ng lakas ang tuhod niya. Nanginginig ang buong katawan niya. Gusto niyang umiyak pero walang dumadaloy na luha sa mata niya. Nakabulagta lang siya sa tabi ng kalsada. Tulala sa nangyari. Ilang sandali pa ay dinaluhan na siya ng ibang tao. "Dinukot ba 'yan? Kawawa naman!" "Miss, Okay ka lang?" Marami pa siyang narinig na mga boses pero hindi niya magawang sumagot. Mayroon na nag-video pa sa kanya. Kababakasan ng pagkahabag at pag-aalala ang mukha ng mga tao sa paligid niya. "Tumawag na tayo ng pulis!" Sa narinig na iyon ay pinilit niyang makatayo. Kapag humantong siya sa pulis ay tiyak mas lalo pang magagalit si Stella sa kanya. Natatakot siya na baka kung ano pang kasamaan ang gawin nito. Nahawi ang mga tao ng unti-unti siyang humakbang. "Kawawa naman, may kapansanan pa naman." Narinig sa isa sa mga nagsalita. Tulala lang siya. Tila wala sa sarili na nagpatuloy sa paglalakad. Hindi niya alam kung nasaan siya o kung ano ang gagawin niya. Blangko ang utak niya. Walang direksyon ang bawat paghakbang niya. Pinahid niya ang dugo na tumulo mula sa ilong. Nang makita niya ang dugo sa kanyang kamay ay doon na pumasok sa utak niya ang lahat. Humagulhol siya. Nasa sentro pala siya sa siyudad at nasa tapat siya ng fast food chain. "Maya!" Nakita niya ang na patakbong lumapit sa kanya si Tim. May hawak itong supot na may pangalan ng naturang fast food chain. "Tim, tulungan mo ako . . . " _______________ "Maya, ano'ng nangyari sa'yo?" Bakas ang takot sa mukha ng kanyang kapatid nang makita siya nitong papasok sa kanilang bakuran habang inaalalayan ni Tim. Hinatid siya ng binata papunta sa kanilang bahay dahil halos hindi na siya makatayo. Nanghihina siya. Pinayuhan siya nito na ipa-blotter ang ginawa ni Stella pero tumanggi siya. Gusto rin nitong dalhin siya sa hospital pero sinabihan niya ito na mas gusto niyang umuwi. Nang makapasok sa kanilang bahay ay kaagad siyang pinaupo ng kanyang kapatid. Hinawi ang ang nagkagutay-gutay niyang buhok para mahawakan siya sa pisngi. Naiiyak na rin sa nakikitang kalagayan niya. "Sino ang may gawa nito?" "Si - " "Tim!" Kaagad na putol ni Maya sa sasabihin ng lalake. "Dapat nilang malaman ito para mapanagot si Stella!" Nagkasalubong ang kilay ng kanyang Ate Mela? "Stella? Ang nag-iisang anak ng mga Alvarez?" Tumango si Tim. Marahas na nagpakawala ng buntong-hinga ang kanyang kapatid. Hinawakan siya nito sa kamay. Pinatayo. "A-ate, saan tayo pupunta?" "Sa mansyon! Dapat malaman ng mag-asawa ang ginawala ng maldita nilang anak sa'yo!" "Ate, huwag mo ng paguluhin pa ang lahat! Hahaba din itong buhok at saka mawawala din itong mga sugat at pasa ko!" aniyang pinipilit na kumuwala sa kanyang kapatid. Kinalakdkad siya nito palabas. Binalingan ng kapatid niya si Tim. "Salamat sa kabutihang loob sa paghatid mo sa kapatid ko. Kung wala ka baka kung ano na nangyari sa kanya kaya maraming salamat. Maaari ka ng uuwi. Magtutuos lang kami ng Stella na iyon!" "Wala anuman ho." Hindi na hinintay ng kanyang ate na makaalis si Tim. Kaagad nitong pinara ang dumaang tricycle at sapilitan pa siyang pinasakay dahil nagpumiglas siya. Natatakot siya na baka masamain ng don ang pagsumbong sa ginawa ng anak nito. Baka paalisin pa sila sa lugar na ito dahil ang lupa na kinatitirikan ng bahay nila ay sakop pa ng pagmamay-ari ng Don. Ngunit tila pursigido talaga ang kanyang kapatid sa gagawin. Inarkila pa nito ang trycle hanggang sa malaking arko ng mansyon. Binayaran niya ng dalawang daan sapagkat malayo ang lugar na iyon at hindi biro ang lubak-lubak na daan. Sa estado ng buhay nila ay malaking halaga na ang binayad nito pero hindi na naisip iyon ng Ate Mela sa layunin na mapanagot si Stella sa ginawa sa kanya. "Magandang hapon, Kuya Herman. Nandiyan po ba ang mag-asawang Alvarez?" tanong ng kapatid niya sa sekyu. "O, hindi kay tawagin mo na lang po si Mama." "Aba'y sige. Pero ano'ng nangyari kay Maya?" tanong ni Kuya Herman na bakas ang pagkahabag sa nakikitang kalagayan niya. "Kagagawan ni Stella." Napailing ang sekyu. "Sagad talaga ang kasamaan ng batang iyon," anito. "Siya sige, hintayin niyo na lang dito si Aling Mercedes." Nawala sa paningin ang sekyu. Pagbalik ay hindi ang kanilang ina ang kasama nito kundi si Donya Esmeralda. "Ano nangyari sa'yo, hija?" tanong ng donya na lumapit sa kanya. "Ang anak niyo pong si Stella ang gumawa niyan." Binalingan siya ng kanyang kapatid. "Ikuwento mo, Maya kung ano ang nangyari." Hindi siya umimik. Nanatiling nakayuko habang namamalisbis ang luha. Hinampas siya ng kanyang kapatid sa balikat. "Ano ba, Maya. Ikuwento mo kung ano ang nangyari, hindi pweden na parati ka na lang apihin ni Stella!" Naiiyak na ang kanyang kapatid. 'Hija, ikuwento mo ang lahat. Huwag kang matakot, hindi ko kakampihan ang anak ko, paparusahan ko siya kung kinakailangan," sabi ng Donya sa malumanay na tinig. Sa pamamagitan ng pag-iyak ay naikuwento ni Maya ang lahat. Nanibugho naman ang ginang sa narinig. Natuptop pa ang bibig sa huli. "Halika, hija. Harapin natin ang anak ko." Hinawakan siya ng Donya. Giniya papasok sa mansyon. Kasunod nila ang kanyang ate. Nalula siya sa laki at gara ng mansyon. Mamahalin ang muwebles at ang mga kagamitan. Sa mga magazine at telebisyon lang niya nakikita ang ganoong klaseng bahay. Napatingin siya sa tuloy sa paa niyang wala ng sapatos ang isa sapagkat naiwan sa ban ang pares. Maalikabok at madumi ang paa. Tila wala siyang karapatan na tumapak sa marmol na sahig. "Tawagin niyo si Stella," utos ng Donya sa isang maid. Ilang sandali pa ay nakita niyang pababa na si Stella na mataas na hagdan. Hindi na ito nakasuot ng pang-uniporme. Naka-suot na lang ito ng maikling bestida na kulay ginto at kahit nasa bahay ay nakap-heels pa rin. "Ano na naman ang ginawa mo sa pobreng batang ito, Stella?" "Wala akong ginawa, Mommy. Hindi ko kayang gawin iyan sa kanya." "Binugbog mo raw siya at muntik ng kalbuhin." "Sinungaling siya!" "Hindi sinungaling kapatid ko! Kahit mahirap kami, hindi kami pinalaki na masama at sinungaling!" Ang kanyang kapatid ang sumabat. Nanginginig ang katawan. Alam niya na sa sandaling iyon ay gusto na nitong sugurin si Stella. "Maya, ano'ng nangyari sa'yo?" Hangos na tumakbo ang kanyang ina papunta sa kanya nang iniluwa ito sa isa mga pinto doon. "Binugbog ni Stella, Ma." Ang kanyang ate. "Stella . . . " Lumipat ang tingin ng kanyang ina sa babae. "Ano? Gusto mong sabihin kay Daddy na patalsikin ka sa trabaho mo?" "Enough, Stella!" Lumakas na ang boses ng Donya. Magsasalita pa sana ito pero nakita nilang pababa na rin sa hagdan ang Don. "Arthuro, tingnan mo ang ginawa ng anak mo? Binugbog niya ang walang kalaban-laban na anak ni Mercedes." Sinalubong ni Stella ang ama nito. Umiiyak na niyakap ito. "It's not my fault, Daddy!" "I know, Sweetheart." Lahat sila ay napamaang sa sinabi ng Don. "Pumunta ka na sa kwarto mo at ako na ang bahala dito." Tumingin muna si Stella sa kanya na may nakakalokang ngiti bago umakyat ulit sa taas. Samantala, may kinuha naman ang Don sa pitaka. Marami. Puro isang ibo. Inilapag nito iyon sa nadaanang side table. "Siguro, sapat na ang kabayaran iyan sa ginawa ng anak ko." "Arthuro!" Si Donya Esmeralda. Iyon lang at nagtuloy-tuloy na ang Don. Tinungo ang pinto palabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD