"Maya, samahan mo ako mag-snack sa canteen," yaya ni Sue. Kaklase ni Maya. Naging ka-close niya dahil ito lang ang bukod tanging lumalapit sa kanya na hindi takot kay Stella. Ilag kasi ang ibang estudyante sa kanya sa takot na baka maging mga ito ay pagdiskitahan din ng babae.
Nag-atubiling sumagot si Maya. Nag-a-alanagan siyang gastusin ang laman ng wallet niya. Gusto niyang gastusin iyon sa importanteng bagay. Isa pa, busog na rin siya dahil binigyan siya ni Daniel ng sandwich kanina.
Wala sa loob na napahawak siya sa kanyang labi nang bigla na naman pumasok sa isip niya ang kababata. Hanggang ay ramdam niya ang labi nito. Pagkatapos ng halik na pinagsaluhan nila ay sinikap pa rin nila maging kaswal sa isa't-isa at umarteng tila wala nangyari. Pero ramdam na niya ang pagkaasiwa sa pagitan nila ni Daniel. O baka siya lang ang nakaramdam no'n, kasi kanina sa parking lot ng University bago sila naghiwalay ng kababata ay hinagkan siya nito sa pisngi - sa gilid ng bibig sa eksaktong salita.
Sanay siyang hinahalikan ng kababata. Kadalasan ay sa pisngi lang at noo. Pero kanina, may kakaiba sa simpleng halik nito. Ibig bang sabihin ay sila na? Tinuturing na ba siyang nobya nito?
"Hoy! Kinakausap kita." Untag ni Sue. "Natulala ka na diyan."
"S-sorry. Ano nga ulit iyon?"
"Sabi ko, mag-snack tayo sa canteen."
"Pero - "
"Huwag kang mag-alala, ililibre kita. Ano gusto mo? Bilhin natin ang buong canteen pati iyong nagtitindang pogi?"
Natawa siya. Ang tinutukoy nitong pogi ay si Rick. Tumutulong sa nanay nito sa pagtitinda ng snacks sa canteen. "Softdrink lang okay na sa'kin. Thank you in advance."
Si Sue ay kabilang sa tinatawag na may kaya. Councilor ng siyudad ang tatay nito. At nagmamay-ari ng malaking hardware ang pamilya nito na may iba't-ibang branch sa mga baranggay. Bago pa dumating si Stella sa Universty ay si Sue noon ang nagdo-domina. Pero hindi ito tulad ni Stella na sagad sa buto ang kasamaan. Nasa tamang lugar ang pag-asta nitong matapang. Spoiled din pero hindi naman nakakainis ang ugali.
Pasalamat nga siya sa existence ni Sue sa University At least kahit paano ay may balanse. May tagaputol sa sungay ni Stella at ng iba pa. Oo, wala itong panama sa yaman ng huli pero hinahangaan niya ito sa pagiging matapang.
Akbay siya ni Sue habang patungo sila sa canteen. Ito ang pumila sa counter ng canteen habang siya naman ay umupo sa sulok. Pinagagala niya ang paningin. At natagpuan nga ng mga mata niya si Daniel na kasama sa mga nag-uumpukang estudyante. Tila masaya ang mga ito habang kumakain ng snack.
Maraming estudyanteng nakatingin sa kababata. Tila ba naghihintay na matapunan ng pansin. May iba na hindi na nakatiis lumalapit talaga kay Daniel para bumati ngunit may kasamang pagpapa-cute. She somehow feel proud. Hindi na niya kailangan umasa na mapansin nito sapagkat nasa kanya ang lahat ng atensyon nito.
Hindi siya nag abala na kunin ang atensyon nito at ipaalam dito ang presensya niya. Sa halip ay umusog pa siya ng konti para matakpan ng lalake na nakaupo sa tapat ng puwesto niya.
Habang naghihintay kay Sue ay inilabas niya ang ginawang notes para mapag-aralan ngunit hindi pa man niya nabuklat iyon ay may lumapit na sa kanya. Ibig niyang magtaka kung ano ang ginagawa ni Tim sa harap niya na may hawa na pumpon ng bulaklak. Captain ball ito ng basketball team ng University nila. Gwapo iyon nga lang ay kilala ito bilang pilyo.
"For you," anito. Inabot sa kanya ang bulaklak.
Nag-alangan siya na kunin iyon. Baka may masama na naman itong binabalak. Sa pagkakaalam niya ay masugid nitong nililigawan si Stella. Pero ang huli nga ay nahuhumaling sa kababata niya.
"Tanggapin mo na."
"Bakit mo binibigay sa'kin yan?"
"Para manliligaw."
Umiling siya. "Sorry pero hindi ko matatanggap 'yan." No need to guessed, for sure this was one of Stella's scheme.
"Naiintindihan ko. Alam kong nagdududa ka sa intensyon ko. But believe me, Maya, noon pa man ay attracted na ako sa'yo."
"Pasensya na pero kailangan ko kasi mag-review, Tim."
Inilapag ng binata ang bulaklak sa ibabaw ng lamesa. "Pero tanggapin mo iyan, para sa'yo 'yan."
Hindi na siya nagsalita pa. Nagpanggap na lang siya na nagbabasa. Lumipas ang ilang minuto ay nararamdaman pa rin niya ang presensya nito kaya tumingin na siya dito.
"Pwede bang umupo?"
"Pasensya talaga, Tim. Busy ako," sagot niya. Hinanap ng mata si Sue. Nakita niyang wala ng pila sa counter pero may kausap ito na isa ring estudyanteng babae. Tila masaya ang chikahan ng mga ito na nakalimutan na nito ang bumili ng snack.
Lumipat ang mata niya sa kinaroroonan ng kababata. At nagtama ang paningin nila. Tila nagtatanong ang mata nito kung ano ang ginagawa ni Tim sa harap niya na may dalang bulaklak. Kumibit-balikat siya bilang sagot.
"Siya na naman!" Palatak ni Tim na sinundan kung saan siya tumitingin.
Nakita niyang tumayo si Daniel at humakbang papunta sa kinaroroonan nila. Seryoso ang mukha. Nang eksaktong tumapat ito kay Tim ay nagsukatan ng tingin ang dalawa.
Tumayo siya at pumagitna sa dalawa sa takot na baka magkainitan ng ulo ang mga ito.
"Ano ang ginagawa mo, Pare?" tanong ni Daniel.
"Kinakausap si Maya."
"Bakit may dala kang bulaklak?"
"Nanliligaw. Bakit bawal?"
"Oo bawal."
"Sino ka para magbawal, E kaibagan ka lang naman?"
Kinabig siya ng kababata papalapit dito. Pagkatapos ay ginagap ang kanyang kamay. Tinaas pa nito iyon na tila pinagmamalaki kay Tim. "Girlfriend ko na si Maya. At ayaw kong may ibang lumalapit sa kanya."
Tumaas ang sulok ni Tim. Patuyang na ngumiti. "Girlfriend lang naman pala e, pwede pang maagaw."
"Subukan mo kung magwawagi ka."
May malakas na tumawa na nakapagpalingon sa kanilang lahat. Si Stella, nakahalukipkip. Nakaka-insulto ang ngiti. Tila supermodel itong naglakad papunta sa kinaroroonan nila. Bagama't naka-uniporme ito ay glamorosa pa rin ang dating dahil sa black stilleto at scarf na nakasabit sa leeg nito. Sinadya rin nitong patabasan n mas maikli ang pencil-cut uniform nito.
"Girlfriend mo ang pilantod at sinto-sinto na 'yan?" taas-kilay na tanong ng babae. "Hindi kaya naaawa ka lang sa babae na 'yan? C'mon let's face the reality, sino ang iibig sa isang tulad niya?"
"Dapat mo rin tanggapin ang reyalidad na may totoong magmamahal kay Maya at ako iyon." Buong tapang na deklara ni Daniel na mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak sa kamay niya pero pilit naman siyang kumuwala.
Dumistansya siyang papalayo dito. "Pasensya na, Stella. Nagbibiro lang si Daniel. Hindi totoong girlfriend niya ako."
"Maya . . . " bigkas ni Daniel sa pangalan niya. Ramdam niya ang sakit sa boses nito.
"Good. Mabuti at alam mo kung saan ka lalagay, Maya,"
Walang paalam na napatakbo siya paalis sa canteen na iyon. Hilam ng mga luha ang mata niya. Batid niyang nasaktan niya si Daniel. Pero ayaw niyang gawing komplikado ang lahat. Ayaw niyang mas lalong guluhin ni Stella ang buhay niya. Isa pa, naka-plano na ang buhay ng kababata. Ayaw niyang sirain iyon.
Humatong siya sa isang bakanteng classroom. Umupo siya. Sinubsob ang mukha sa armchair at tahimik na umiyak. Nasa ganoon siyang kalagayan nang maramdam niyang may pumasok din sa classroom na iyon. At sa pag-angat niya ng ulo ay nakita ni Daniel. Malungkot ang mg mata. Laglag ang dalawang balikat.
Hinintay niya ang sasabihin nito ngunit dumaan ang mahabang sandali ay ni wala anumang salita ang namutawi sa bibig nito. Bagkus ay umupo ito sa tabi niya habang humuhugot ng malalim na hininga.
"Daniel . . . "
"Ibig bang sabihin balewala lang sa'yo ang halik na iyon?" sa wakas ay yanong nito.
Hindi siya makasagot. Iniyuko na lang niya ang ulo.
"Maya, noon hindi pa ako sigurado kung mahal mo ako e. Buong akala ko kasi parang kapatid lang ang turing mo sa akin. Pero nang halikan kita, Maya, sigurado akong may katugon ang damdamin ko sa'yo. Ano ba ang pumipigil sa'yo? Natatakot ka ba kay Stella? Maya, kaya kitang ipagtanggol!"
"Hindi ganyan, Daniel."
"Kung hindi, ano? Ano ang pumipigil sa'yo na suklian ang pag-ibig ko?"
"Wala. Ayaw ko lang ng komplikado buhay. Ayaw kong ginugulo ni Stella. Obssesed siya sa'yo alam mo 'yan!"
"At magpapaapekto ka na lang habang buhay sa kanya? Paano ang sarili mong kaligayahan?"
Natigilan siya. Hindi makasagot.
Malalim na bumuntong-hininga si Daniel. Hinawakan siya sa ulo at sinandig sa dibdib nito. "Okay, hindi kita pipilitin na suklian ang pagmamaha ko sa'yo. Pero hayaan mo akong iparamdam sa'yo kung gaano kita kamahal."
Tumango siya. Niyakap ito sa beywang. "I'm sorry kung nasaktan kita, Daniel."
"I'm sorry din kung pinangunahan kita. Naging advance akong mag-isip dahil sa halik na iyon," sabi ni Daniel na pagak na tumawa. Mayamaya ay inanalalayan na siya nitong makatayo. "Mabuti pa lumabas na tayo sa classroom na ito dahil late na ako sa klase."
"Mabuti pa nga."
Kahit late na ito ay hinatid pa rin siya ng kababata sa classroom niya. Binigyan pa siya nito ng ngiti at masuyong ginulo ang kanyang buhok bago umalis.
Umupo siya sa kanyang puwesto na kahit papaano ay magaan na ang loob. Pero sandali lang paa iyon dahil pumasok sa classroom si Stellla na nanlilisik ang mata. Tumutunog ang stilleto heels nito sa paghakbang patungo sa kanya.
"Hindi ba't ang sabi ko sa'yo noon pa na iwasan mo na si Daniel?!"
"Paano ko magagawa iyon, e magkadugtong na ang pusod namin," kalmado niyang saad.
"That's bullsh*t!" Mas lalong tumaas ang boses nito. "C'mon, Maya! Ikaw ang nasa tamang katinuan. Siguro ngayon nabubulugan lang si Daniel dahil sa awa niya sa'yo. Paano kung dumating ang araw na matauhan siya? Makahanap siya ng babaeng totoong mahal niya na buo at walang kapansanan."
"Sa palagay mo ikaw iyon?" malamig niyang tanong.
"Yes! Because I will do whatever it takes to win him!"
"Baliw ka na, Stella!"
"Shut up!" Dinuro siya nito.
"Tigilan mo na kami!"
"No! Hindi ako titigil hangga't hindi nadadagdagan iyang pagkapilantod mo at tuluyan ka ng mabaliw diyan sa pagkasinto-sinto mo!"
Napamaang na lang siya sa mga sinasabi ni Stella.