Chapter Four

1892 Words
Malamig ang tubig pero nakuha pa rin si Daniel magtampisaw sa batis. Pabalik-balik na siya ng langoy ngunit si Maya ay nanatili pa ring nakaupo sa batuhan kahit anong yaya niya. Mamaya pa daw ito lalangoy dahil hindi pa nito kaya ang lamig. May sikat na ang ng araw nang marating nila ang batis. Nang tingnan niya ang kanyang relong pambisig kanina ay malapit na mag-alas-otso ngunit may kadiliman pa rin ang paligid dahil sa mga nagtataasang mga puno na tumatakip sa parteng iyon ng gubat.  Gaya ng dati ay wala na naman katao-tao roon. Sila lang ni Maya. May dumaan kanina, si Mang Inggo. Nakatira sa loob ng gubat at nagsisilbi na ring tagabantay. Nangunguha ng kahoy pang gatong. Kumuway lang sa kanila. Pagkatapos ay nilamon na ng mga nagtataasan na mga halaman. Kung mga taga siyudad ang makakakita kay Mang Inggo na ay aakalain ng engkanto o aswang. Nakakabingi ang katahimikan. Wala rin siyang ibang naririnig kundi ang huni ng mga insekto sa paligid. Muli na naman napadako ang mata niya sa kanyang kababata. At sa pauit-ulit na pangyayari, heto na naman siya. Natulala na naman sa taglay na kagandahan ni Maya. May nakalusot na sikat ng araw mula sa mga nagtataasang mga puno at tumama iyon sa mismong kinaroroonan ni Maya. Nagmistula itong isang diwata na nakaupo sa batuhan. Pero ang diwatang iyon ay walang ideya kung gaano siya kaganda at kung gaano kahali-halina sa mahaba at alon-alon na buhok nito na nagkukulay mais kapag natatamaan ng araw. Walang ideya si Maya kung ilang tuhod na ng mga kalalakehan ang napatumba nito sa isang ngiti lang nito. Babae ang kadalasang nambu-bully kay Maya. Marahil dahil sa inggit na rin sa kagandahang taglay ng kababata. Pero malaking porsyente pa rin ang na pinagkakatuwaan ang kapansanan nito. Bagay na pinapababa ang self-esteem nito. She didn't seems aware of her beauty and capacity. All she was being swallowed by selfpity. Siguro isa din sa mga dahilan kung bakit galit na galit si Stella kay Maya ay dahil sa insekyuridad. Kahit anong make-up pa ang ilagay nito sa mukha at kahit gaano kagara ang postura nito ay hindi pa rin nito mapipigilan ang ibang lalake na tumingin kay Maya kahit pa nga may kapansanan ang kababata. At hindi iyon nagugustuhan ni Stella, gusto kasi nito na ito ang laging bida. Tinuturing nito ang lahat na isang ka-kompetensya. Mas higit ang galit nito kay Maya dahil nga sa kanya, para dito ay isa siyang trophy na dapat lang makuha. May hindi na tama kay Stella. Hindi siya eksperto sa pag-a-analisa tungkol sa takbo ng utak ng isang tao dahil hindi naman iyon ang kinuha niyang kurso ngunit masasabi niyang hindi normal ang babae. Hindi na tama ang obsesisyon nito sa kanya. Gusto sana niyang kausapin ang magulang nito tungol sa bagay na ito ngunit takot siyang masamain ng mga ito ang sasabihin niya. Hindi lang naman si Maya ang pinagmamalupitan si Stella. Marami. Lalo na ang mga babaeng nagpapakita ng motibo sa kanya. Mayroon nga itong inabangan sa CR at binugbog dahil binigyan siya ng love letter ng estudyante din na iyon. Kaya nga labis-labis ang pag-protekta niya kay Maya. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay nababantayan niya ang kababata. Nakakasalisi pa rin si Stella para pahirapan ito. Mahal niya si Maya. Mahal na mahal. Alam niyang hindi awa itong nararamdaman niya. At seryoso siya sa pangakong babalikan niya ito pakakasalan. Nakabuo na siya ng plano, gagawin niya ang lahat upang maging matagumpay sa Maynila. Oras na maging stable na siya ay babalikan niya si Maya. Gagawin niya ang lahat ng paraan upang mapapayag ito na pakasalan siya. "Suotin mo na kasi ang shirt ko para makalangoy ka na. Ang sarap ng tubig, Maya!" sabi niya nang makalapit sa kababata. Nakasanayan na nito na hindi magdala ng pamalit. Siya na lang ang nagdadala ng extra shirt para ipasuot dito pampaligo. Matangkad at matikas siya sa edad na disi-nueve. Hindi pangkaraniwang ang height niya. Papasa siyang basketbolista. Iyon nga lang hindi siya mahilig sa sport. Pero nagpa-particate naman siya sa mga sports activity sa University. Sa katunayan ay miyembro ng basktetball team sa department nila. Kaya kung susuotin ni Maya ang kanyang shirt ay nagmimistulang bisteda. Umaabot hanggang tuhod lalo't may kaliitin rin ito. "Sige, lalangoy lang tayo sandali. Tapos uuwi na tayo. Sunday ngayon, dapat sulitin ko ang araw na kasama si Mama. Isa pa, maraming labahin sa bahay. Nakakahiya kung sila pa ni ate ang gagawa." Nakaramdam siya ng disappointment. Gusto pa sana niya itong makasama ng matagal. Ewan ba niya. Hindi rin niya naiintindihan ang sarili. Halos araw-araw na silang magkasama, but he still couldn't get enough of her. Sumunod ang mata niya sa kababata nang pinulot nito ang t-shirt niya sa batuhan at naglakad na papunta sa likod ng puno. Nagbihis. Hindi niya mapigilan mapalunok nang bahagyang lumilitaw ang mga kamay at maliit na bahagi ng katawan nito habang nagbibihis. Halos wala naman siyang nakita. Hindi naman nalantad ang maselang parte ng katawan nito. Pero hindi pa rin niya mapigilan ang sensasyon lumatay sa kanyang kalamnan hanggang sa naramdaman na lang niya ang pagtayo ng pagkalalake niya. Marahas siyang napabuntong-hininga bago muling simisid. Hindi niya dapat maramdam iyon. Sila lang dalawa ni Maya sa lugar. He was afraid he couldn't resist the temptation. Baka magawa niya ang bagay na hindi magugustuhan ng kababata. "Daniel . . . " tawag ni Maya sa kanya. Ibig sabihin no'n ay magpapaalalay ito para makalukso ito sa tubig. Sa kabila ng kalagayan nito ay kahit paano natututo itong lumangoy. Matyaga niya itong tinuruan. Ngunit takot pa rin ito lumukso sa takot na baka malunod ito. Gusto nitong nakaabang siya para saluin ito. "Jump," aniyang nilahad ang dalawang kamay dito. Giving her assurance. ______________________ Pikit-matang tumalon si Maya. Bumulusok siya sa ilalim ng tubig dahil hindi siya nasalo ni Daniel. Kinapos kasi siya sa pagtalon. Pero bago pa salakayin ng takot ang dibdib niya ay naramdaman niyang may pumulupot na mga kamay sa kanyang beywang. Inangat siya ng kababata. "Salamat, D-daniel," nagmistulang anas ang pagkakasabi niya sapagkat hindi niya mapigilan ang pagkaasiwa sa posisyon nila ng kababata. Nasa likuran niya ito at nasa bisig pa rin siya nito. Nararamdaman niya ang mainit na hininga nito sa kanyang batok na nagbibigay ng kakaibang sensasyon sa kaibuturan niya. Tila ba gusto niyang ipikit ang mata. Harapin ito at siilin ng . . . Pinilig niya ang ulo. Ano ba ang pumapasok sa utak niya? "Maya . . . " Hindi siya makasagot sa pagtawag nito sa pangalan niya. Pinaharap siya nito. At nakita niya ang pigil na emosyon sa mata nito. But one thing she was sure, his eyes was burning with desire. Napatitig siya sa paggalaw ng adam's apple nito. Hanggang sa lumipat ang mata niya sa bibig nito na mas lalong pumula dahil sa lamig. Pigil niya ang pagnanais na mahagkan iyon. Bahagya siyang umatras. "Maya, kung hahalikan ba kita ngayon, hindi mo ba ako iiwasan? Mananatili pa rin ba tayong magkaibigan?" Ano ang isasagot niya? Kung susundin niya ang puso ay baka siya na ang kusang tumingkayad para hagkan ito. "S-siyempre m-magagalit. Ano ka ba mag k-kaibigan lang tayo," kulang sa konbiksyon na sabi niya. "Paano kung gusto kong sumugal ngayon?" Nanlalaki ang mata niya nang dahan-dahan itong lumapit sa kanya. Hindi siya makakakilos. At mas lalong tila tinuklaw siya ng ahas nang umangat ang isang kamay nito papunta sa pisngi niya. Marahan siyang hinaplos doon.  Gusto niyang matunaw sa hiya. Pero ano ito at lumalaban siya sa pakikipagtitigan sa kababata niya. Tila ba nababalutan ng mahika ang paligid na wala siyang ibang nakikita o naririnig kundi si Daniel lang. Nakikiusap ang paraan ng pagtitig nito. Lumalam din ang mata na tila ba ibig nitong umiyak o ano. "Daniel, sige na nga, kesa sa mapunta sa iba ang first kiss ko. Mas mabuting sa'yo na lang," sinikap niyang maging kaswal ang tinig ng pangangatog ng kanyang tinig. Nakita niya ang lungkot sa mata ng kababata nang ngumiti. Pagkaraa'y tumingala ito at humugot ng isang malalim na hininga. "Kalimutan mo na lang ang sinabi ko, Maya." "Pero seryoso ako sa sinabi ko, Daniel." Tinitigan lang siya ng kababata. Umiling. Tatalikuran sana siya ngunit pinigilan niya ito sa braso at sa paglingon nito sa kanya ay tumingkayad siya para hagkan ang labi nito. It was a sweet brief kiss. Smack lang kung baga. Pero hindi nakuntento doon ang kababata niya. Kinabig siya nito papalapit sa katawan nito at siniil ng halik. The kissed was so passionate. Sweet. Delicious. Nakakalasing. Tila ba dinala siya nito sa ibang dimensyon. Nagulat siya sa sa kanyang sarili sapagka marunong pala siyang humalik. Despite her trembled knees she managed to return the kisses to him. Iyon ang unang pagkakataon nakatikim siya ng halik. Pero kay Daniel, duda siya kung ito din ang una nito. Tila eksperto ito sa ganoong bagay. Kung sabagay anong nakakagulat do'n? Hindi lingid sa kaalaman niya na nagkaroon ng dalawang nobya ang kababata ngunit hindi lang nagtagal. Hindi niya alam kung bakit siya nakaramdam ng kalungkutan sa kaalam na hindi siya ang unang halik nito. She envied his two previous girlfriends. Nakaramdam ang katawan niya ng tila tinupok ng apoy. Mas lalo pang lumalim ang halik na pinagsasaluhan nila. Maging ang kamay ng kababata ay naglakbay na rin. Pumasok sa loob ng t-shirt nitong suot niya. Hinanap ang hook ng kanyang bra. "Daniel . . . " Bakas ang takot sa boses niya na pinigilan niya ang kamay nito. Tila noon naman natauhan ang kababata. Tila nanghihina ito na hininto ang ginagawa at paghalik sa kanya. Pinagdikit na lang nito ang kanilang noo. Binigyan siya ng munting halik sa tungki ng kanyang ilong. "I'm sorry," anito. "Huwag kang mag-sorry. Ako naman ang unang nag-provoke sa iyo. I'm sorry din." "No. Don't. Today is the most happiest day of my life so don't feel sorry." "Pansin ko nga. Napa-english ka ng wala sa oras e," nakangiting sabi niya. "Tayo na. Umuwi na tayo." "Mabuti pa nga," sabi rin nito. Inanalalayan siyang umahon. Pagkatapos ay inabot sa kanya ang kanyang bestida. Kinuha naman niya iyon at nagtago ulit sa likod ng malaking puno. Basa ang panloob niya kaya humulma iyon sa loob ng bestida niya. Dati balewala lang iyon sa kanya. Kaya naman kasi siyang titigan ng kababata na walang malisya. Walang malisya nga ba? Pero ngayon, batid na niya ang kapasidad sa kung anong maari nilag gawin ni Daniel. Kung mas lumalim pa ang halik na iyon ay baka hindi na nila pareho makontrol ang sarili. Mabuti na lang at may natitira pang katinuan sa utak niya. Lumabas siya sa likod ng puno na takip ng mga kamay ang katawan niya. Lumapit sa kanya ang kababata. Sinuklay gamit ang mga daliri nito ang buhok niya. At nang matapos sa ginagawa niya ay kinuha nito ang kamay niya ngunit pinanlakihan niya ito ng mata. "Bakit?" "Kasi . . . " Nakuha naman nito ang ibig niyang sabihin. Ngumiti ito. "Promise, hindi ako titingin." "Maniwala ako." "Huh! Try me," anito na pilit kinuha ang kamay niya. Magkahawak kamay nilang binagtas ang daan pauwi. At gaya nga ng pinangako nito ay nagmistula itong may stiff neck huwag lang mapabaling sa kanya. "Maglalaba ako. Alam mo na ang gagawin." "Opo. Ako mag-iigib sa puso mahal na prinsesa." Humagikhik siya sa sinabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD