Tatlong araw lang binurol ang kanyang ina. Inilibing ito kaagad dahil iyon ang napagkasanduan nila ng kapitan ng baranggay sapagkat gagamitin na ang covered court kung saan nakaburol ang kanyang ina. Hindi rin sila nahirapan sa pagpapalibing sa ina sapagkat dumagsa ang tulong sa kanila. Nag-abot ng malaking halaga sa kanila si Donya Esmeralda. Isama na ang nalikom na pera mula sa mga na-solicit na pera sa University at baranggay nila. Sa ngayon ay may natitira pa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin matapos-tapos ang luha niya. Napakasakit pa rin para sa kanya ang nangyari. Hindi pa rin siya makapaniwala. Paulit-ulit niya sinisiksik ang sa utak na isang masamang bangungot lang ang lahat at magigising siya. Pero hindi niya maloloko ang sarili sapagkat hinihila siya ng napakasakit na realidad.