Hindi nila alam kung saan at kung paano nagsimula ang apoy basta pagbukas nila ng pinto ay tinutupok na ang buong sala nila. Hindi na sila makakadaan doon. Yari lang sa light materials ang bahay nila at anumang oras ay lalamunin na ng apoy ang kabuuan niyon. Wala na sila ibang maisip kundi ang makaligtas sa mga oras na iyon. Nakakarindi na ang sigaw nila na humihingi ng saklolo. Maririnig na rin ang mga sigawan ng kanilang kapitbahay sa labas. "Mama, Maya tulungan niyo ako!"sigaw ng kanyang ate na sinisira ang dingding kung saan nakapuwesto dati ang bintana pero pinasara nila at tuluyan ng ginawang dingding dahil nakaharap iyon sa daan at pumapasok ang lahat ng alikabok sa kuwarto nila. Hindi rin sila komportable na nakikita sila mula sa labas. Tulong-tulong sila sa pagsira ng dinding