Chapter Twenty

1606 Words

SIX MONTHS LATER "Maya, tumutunog ang cellphone mo!" Mula sa pagsasampay sa labas ay dali-daling pumasok sa kanilang bahay si Maya dahil sa sigaw na iyon ng kanyang Ate Mela. Ngunit pagtingin niya sa cellphone ay na-dismaya siya nang makitang text promo lang iyon na galing sa network operator. Muli niyang inilapag ang cellphone sa lamesita at babalik na sa ginagawa nang muli iyon tumunog. Sa pagkakataong iyon ay galing na kay Daniel. Nagtatanong lang naman ito kung ano ang ginagawa niya pero labis-labis na nadama niyang kaligayahan. Sinasabi na nga ba hindi siya matiis nito! Nagkatampuhan kasi sila kahapon dahil may narinig itong boses ng lalake nang tumawag sa kanya. Aminado siyang si Tim iyon na naging close niya sa ilang buwan na nakalipas. Ito rin ang nagbigay daan upang mapalapit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD