Nahihirapan si Maya sa buhay na wala si Daniel. Dalawang linggo na buhat ng lumipat ito sa Maynila. Labis-labis ang pangungulila niya dito. Hindi ito nawaglit sa kanyang isipan, maging sa pagtulog niya ay laman pa rin ito ng panaginip niya. Umaabot siya sa punto na naririnig niya ang boses nito pero paglingon niya ay wala ito. Mahirap man ay kailangan niyang magpatuloy sa buhay. Kailangan niyang lumaban at magpakatatag. Pinapaniwala lang niya ang sarili na masasanay din siya na wala ang kababata. Duda nga lang siya kung mawala ito sa puso niya. Habang buhay na itong nakaukit doon. Isa pa kahit paano ay hindi nawala ang contact nila sa isa't-isa. Hindi man ito minu-minutong nagtetext ngunit hindi lumilipas ang araw na hindi ito nagpaparamdam sa kanya. Masaya na siya do'n. Balita niya ay