CHAPTER TWO - The visit of the demon

1134 Words
What the hell is this demon doing here?  And indeed, demon is crazy. I look at him without any emotion so he stop laughing. "Hindi ka ba natatakot?" "What are you doing here?" "I am here to get Acacia Adisson Lancaster, do you know where she is?" nabato naman ako sa kinatayuan ko.  Anong kailangan nya kay ate? "Acacia? Who is she? Wala namang Acacia na nakatira dito!" Wala pa ring emosyong tanong ko. Akala ko gagana pero bigla na lang nya akong sinakal. Automatic din naman na hinawakan ng dalawang kamay ko ang pulsuhan ko para mabawasan ang higpit ng pagkasakal nya.  "Don't fool me kid." Galit nyang sabi at taimtim niya akong tiningnan saka nagpatuloy sa sasabihin nya. "Her smell is still lingering here. Where is she?" galit nyang sabi. "At bakit ko naman sasabihin sayo?" matapang na sabi ko. Bakit ngayon pa kasi dumating ang demonyong to? Bakit ngayon pa kung kelan wala akong kapangyarihan? Natatakot ako lalo pa ngayon na wala akong taika pero hindi ko naman pwedeng sabihin sa demonyong to kung nasaan ang ate ko. Parang isang teddy bear lang ako mung ihagis nya. Tumama ang likod ko sa poste at napakagat ako ng labi dahil sa sakit saka ko naman nalasahan ang metal na likido sa bibig ko.  "Eh kung tanggalin ko rin kaya yang isa mo pang mata?" Mas lalo akong natakot sa sinabi nya pero walang mang yayari kung ipapakita ko sa kanya ang takot na nararamdaman ko. "Wala naman kasing Acacia na nakatira dito!" galit din na sabi ko at sana maniwala sya sa akin. "Hindi ko kilala yang sinasabi mo! Kakalipat ko lang dito!" galit ko pang dagdag. Tinitigan nya ang kanang mata ko at mas lalo ko pang tinatagan na hindi ko nga kilala si ate. Saka naman sya ngumisi sa akin. Natakot ako na baka nakita nya ang totoong koneksyon namin ni ate pero halos mapabuntong hininga ako sa harap nya ng makita kong naniwala sya sa akin pero kaagad ko rin naman pinigilan ang sarili ko.  "Siguraduhin mo lang na hindi mo nga kilala si Miss Acacia dahil kung hindi babalikan kita at saka papatayin." at naglaho na lang sya na parang bula. Bigla naman akong napaubo at may kasamang dugo, lintek. Pero okay na rin at least hindi nya nakuha ang impormasyon na gusto nya makuha. Kaagad naman akong binawian ng lakas dahil sa mga natamo ko. "Avabil!" napatingin naman ako sa sumigaw, thank goodness she's okay. At saka ko na ipinikit ang mata ko. ????? Napadilat naman ako dahil sa lamig na naramdaman kong pumatak sa pisngi ko pero agad din naman akong napapikit dahil sa liwanag at saka ko inadjust ang paningin ko at nakita ko si ate na nag aalala sa akin. The only person who cares for me.  "Good morning." nakangiti kong sabi. Nakita kong namuo ang luha nya at humagulgol sa iyak saka ako niyakap "ha-hala hindi pa ako patay!" "Silly, ano bang nangyari sayo? Bakit ba nagkaganun sa sala?" "Ah kasi ano..." mas okay siguro kung di ko na lang sasabihin sa kanya dahil baka mag alala lang sya. "May magnanakaw na pumasok ate at di ko kinaya sa pisikalan kaya ayun." "Bakit di mo ginamit ang taika mo?" "Dahil ayoko." "Tsk, oh sya paghahanda muna kita ng makakain." at umalis na sya. Tumingin ako sa bintana at napaisip, siguro naman tama ako nang naging desisyon di ba? Siguro tama lang na hindi ko sabihin kay ate. Baka kasi mag panic lang yun at sisihin ang sarili nya, knowing her ganun nga ang mangyayari. Lumipas ang isang buong araw na hindi ko sinabi kay Acadil ang tungkol sa nangyari kagabi pero sa hindi ko malamang dahilan may nagsasabi sa tenga kong sabihin sa kanya ang nangyari pero hindi ko naman alam kung saan mag uumpisa. "Avabil?" napatingin naman ako kay ate "May problema ka ba? Kanina ka pa kasi occupied." "Huh? Wala ah." "Hindi mo ako maloloko Avabil, pinagbigyan kitang gawin ang gusto mo pero huwag ka namang maglihim sa akin." napalunok naman ako ng laway shemay so this is the head of knight's instinct? "Ano ba talaga ang nangyari kagabi?" Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya at tumingin sa paa ko saka ko niyakap nang mahigpit ang unan na yakap yakap ko. "Anong naging atraso mo para hanapin ka nang mga denim?" tanong ko at tiningnan sya nakita ko naman ang gulat sa mukha nya. Denim ang tawag sa mga taga kabilang mundo, taga Demonioum. I'm sure na may atraso sya sa mga dennim and she killed many of them pero ngayon lang nangyari to ang hanapin sya ng mga Denim, what really happened between them? "I guess I can't hide it from you." dinig kong sabi nya at marahas akong napatingin sa kanya.  "What do you mean?" nagtatakang tanong ko sa kanya.  Para atang hindi maganda ang kutob ko sa sasabihin ni ate sa akin.  "They will going to kill me kasi masyado na akong sagabal sa kanila and now na nadamay ka pa." She pause and look at me "I can't let it happen, ayokong pati ka patayin nila" "As if naman mapapatay nila ako" and I rolled my eyes.  The can't kill me no matter what they do.  "Avabil" mahinang sabi nya at tumingin naman ako sa kanya "Denim are not weak, they are stronger than you. Specially na well-trained silang lahat physically, unlike you." Halata naman sa boses nya ang pag aalala. "Avabil kung sakali mang may mangyaring masama go to Academy they will help you to become stronger. Stronger than anyone else."  "What the hell are you talking about?" inis kong tanong sa kanya pero nginitian nya lang ako. Tumayo sya sa pagkakaupo sa kama ko at may kinuha sa cabinet- sa ilalim ng cabinet. It's a small box. Teka kelan pa nagkaroon nyan dito sa kwarto ko? Hindi ko maalalang may nilagay akong ganyan sa ilalim ng cabinet ko like hello ako ang nag lilinis ng kwarto ko. "Here." at binigay nya sakin ang maliit na kahon saka umupo ulit sa gilid ng kama ko "It will protect you from harm." dagdag nya pa "Yan ang binigay sakin ni Gramps noong mag-i-start na akong mag aral sa academy sabi nya sakin poprotektahan daw ako ng bagay na nasa loob nyan and indeed." nakangiti syang tumingin sakin "Prinotektahan nga ako nyan." Dahan dahan kong binuksan ang kahon and halos mapanganga ako sa nakita ko, ito ang singsing ng pamilya namin.  "That golden ring with a heart shape ruby diamond can protect you, Avabil." tapos tiningnan nya ako "I'm just always here." "What are you saying? Para namang aalis ka." mataray kong sabi pero ngiti na naman ang nakuha ko.  Anong problema ng babaeng to? Puro na lang ba ngiti ang makukuha ko sa kanya? Hindi ko alam pero napangiti na lang din ako dahil sa kanya pero agad din naman nawala dahil sa nakita ko ang Denim na sumugod dito sa bahay kanina, nasa likod sya ni ate.  Shet wala pala akong kapangyarihan ngayon!  Nakangisi nya akong tinitingnan. Anong gagawin ko? Bakit nandito na naman sya? Paano nya nalaman na nandito na si ate?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD