Nakaready na ako umalis suot ko na rin ang armor na dapat na kay ate. Cephenrene nagbago ba ako? 'Hahahaha what kind of question is that?' "Just answer me!" Inis kong sabi. Para kasing timang sasagot lang eh. Kelan pa naging sagot ang isang tanong? 'Tsk. K fine. Oo nagbago ka Avabil. Hindi na ikaw yung walang pakielam na tao sa mundo nyo at isa pa marunong ka na rin makinig. Hahaha.' Aba't talagang tuwang tuwa pa. "Shut up!" 'K. Duh~' Napabuntong hininga na lang ako para talaga tong timang si Cephenerene. Pero tama sya talaga ngang nagbago ako hindi na ako yung dati pero pipilitin ko pa rin na hindi sila mapalapit sakin. Mahirap na maiiwan pa naman nila ako mag isa sa mundong ito. Hinawakan ko ang left eye ko at tinanggal ang eyepatch na nakatakip dun. I have two colors of eye.