Nagising ako na nasa isang malambot na higaan na ako inilibot ko ang paningin ko at saka ko napansin ang coat na nakatakip sa katawan ko. Napahawak ako sa left eye ko at napahinga ng maluwag ng maramdaman kong nandito pa ang eyepatch ko. "Buti na lang gising ka na." agad akong napatingin sa lalaking may ari ng boses. Kuya. Gusto kong sabihin sa kanya ang mga salitang yan. Gusto kong tawagin ko sa kanya ang salitang yan pero nananaig pa rin talaga ang inis ko sa kanya sa hindi ko malamang paraan. Hindi ako nagsalita at napabuntong hininga naman sya. Umupo ako ng maayos saka ko inilagay ang coat na nakapatong sakin kanina sa lap ko. "Ano bang nangyari?" tanong nya sakin at tumingin naman ako sa kanya. I can tell na nag aalala sya sa akin. He's the same as before. "Pag sinabi ko ba s