"Mr. Guttierez naka-set na po ang appointment niyo kay Mr. Alvarez, mamaya po 1pm." Pumasok ang secretary ni Kleint. Si Mr. Alvarez ang taong bibili ng kaniyang binebenta na Hotel and Resorts. Napag-isipan niya kasi na ibebenta na lang ang bago niyang naipagawa na Hotel & Resorts. Five years ago itinayo niya ito para kay Alice at sa magiging anak nilang dalawa pero ngayong wala na ang pangarap niya. Mas minabuti na lang niyang ibenta na lang niya ito at ibigay sa mga taong nangangailangan ang kalahati ng kaniyang benta. Aanhin niya naman ito kung hindi si Alice ang makakasama niya. Inilaan niya lang ito para kay Alice at sa magiging anak sana nilang dalawa pero lahat ng iyon ay nawala. Hindi niya naman kailangan ng maraming pera at gusali na napatayo kung ang taong pinaglalaanan niya