"Sabi ko 'wag kayo masyadong lumayo." sermon ni Alice sa kambal nang makabalik na ito sa kanilang pwesto. "Anong nangyari diyan sa damit mo, Clifford? Bakit may mantsa yung white sando mo?" Bumaba ang tingin ng limang taong gulang na si Clifford sa kaniyang sando. "Yung lalaki kasi mama. Tinapunan niya ako ng juice." sumbong ni Clifford. "Ano?" kumunot kaagad ang noo ni Alice. "Bakit ka naman tatapunan ng juice? Sino ba yung lalaking 'yon? Ituro mo sa 'kin." naiinis na sabi niya sa anak. Kapag usapang anak hindi niya mapapalampas kapag inaapi ang anak niya. Kaya niyang makipagsabunutan kapag kinakailangan. "Wala na po siya, Ma. Hindi ko na nakita." Bumuntong hininga si Alice. "Halina kayong dalawa. Lalamigin kayo baka sisipunin pa kayo. Kanina pa kayo nakababad sa pool. Magbih