KINAGAT ni Alice ang kaniyang mga labi habang dahan-dahan na umalis sa kama kung saan naroon natutulog ang dating asawa. Hubo't hubad din ito at tulog na tulog. Paano nangyari 'to? Bakit kami magkatabi? Bakit nandito siya sa hotel na ito? Ang daming tanong sa isip niyang mga sandaling tinititigan niya si Kleinton. Dumako ang kaniyang paningin sa labi nito, wala pa rin pagbabago, ito pa rin ang asawa niyang walang pagbabago dahil hanggang ngayon mas lalo pa itong gumuwapo. Ang labi nito, ang kilay at ang ilong nito ay gusto niyang haplusin pero pinigilan niya ang sarili nang maalala niya ang kambal. Hindi niya ako pwedeng makita. Pagkatapos ng ginawa niyang pagtalikod at pagbalewala sa akin noon dapat lang na wala na akong nararamdaman para sa kaniya ngayon. Pero bakit ngayo