"Anong gagawin natin dito, bestie?" ang daming tanong ni Bettina. Nagpasama lang naman ako sa kaniya para mag-gym. Pakiramdam ko kasi lumalaki na at Tumataba ako. 'Yon din ang palagi kong naririnig mula sa triplets kong nakakatandang mga kapatid. Bawat pagbisita namin sa bahay, 'yon na lang lagi kong naririnig. "Tumaba ka bunso" "Pumapangit ka bunso, baka iwan ka ni Guttierez niyan," biro lang pero tumatatak sa isip ko. Hindi ba nila alam na bawat salita nila sa akin ng gano'n ay hindi nawawala sa isip ko. Mas hinila ko pa si Bettina papasok sa loob. Sigurado na ako, mag-gym ako at mamaya naman sa bahay ay yoga. "Bakit ba kasi dito tayo pumunta? Porke't asawa ka ng boss ko, dadalhin mo na lang ako kahit saan mo gusto." reklamo ng bestfriend ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Anong nire