KLEINTON GUTTIEREZ "PUSTAHAN TAYO!" sigaw ni Dj habang itinataas ang baso niya. Loko! Anong pustahan hinahamon nito? "Anong sinasabi mo?" kunot noo na tanong ko sa kaniya habang hinahalikan nito sa leeg ang babaeng nakapulupot sa kaniyang leeg. Binigyan rin naman nila ako ng babae pero pinaalis ko lang ito. Hindi ko na kayang lokohin at tumikim pa ng ibang babae. Si Alice lang ang gusto kong tikman. Masaya na ako at kontento na sa asawa ko. She is my only woman and nothing else. I can't afford to lose her again. Mawala na ang kayamanan ko, huwag lang ang babaeng mahal na mahal ko. "Ano, Guttierez? Pupusta ka ba?" muli ay hamon sa akin ni Dj. "Anong pustahan?" naguguluhan pa rin ako kung ano ang ibig niyang sabihin. "Pustahan na hindi mo gagalawin si Alice ng isang linggo." tat