KLEINTON GUTTIEREZ AFTER ONE WEEK ako ang panalo sa pustahan. Kailangan magpakasal ni Dj sa babaeng gustong ipakasal sa kaniya ni Tito Dale. Hindi na siya nakatanggi dahil siya naman ang naunang humamon sa 'kin. Akala niya siguro hindi ko kayang magtiis kahit nagsisikap na lang ako arraw-araw sa banyo. Kahit hirap na hirap akong pigilan ang sarili kong huwag mag-response sa ginagawa ni Alice sa 'kin, sa pang-aakit niya sa 'kin. Ipinipikit ko na nga lang ang mga mata ko para lang hindi matukso sa ginagawa niya. Asawa mo ba naman maghubad sa harapan mo. Hindi ka ba titigasan? Damn! Kung alam lang ni Alice kung gaano ako naakit sa kaniya noong isang gabi. Nagtutulug-tulugan lang ako pero siya ang nasa isip ko habang nakapikit. Kahit sa panaginip ko, napapanaginipan kong inaangkin ko na