Chapter Eighty-three "Mama, antok ka pa rin po?" puna ni Coby habang bumibiyahe kami papasok sa school n'ya. Hinawakan n'ya pa ang pisngi ko. Ang isang kamay ay bahagyang idinilat ang mata ko. "Oo, 'nak." Tugon ko rito. "Bakit po? Sabay naman tayong nag-sleep kagabi." "Ah, maaga kasing nagising si mama. Hinintay kong makaalis si Papa Top. Tapos n-atulog saglit, nagluto na rin ako no'ng sunod kong gising." Dahilan ko. "Hmm, kaya pala antok na antok ang mama ko. Kawawa naman po ang mama ko." Hinaplos pa nito ang pisngi ko. Nakaka-guilty namang magsinungaling sa anak kong ito. Tapos iyong tatay ay pangiti-ngiti lang na nagmamaneho. "Hala! Astig!" biglang nawala sa akin ang atensyon nito. Napunta na iyon sa likod ng sasakyan at tinuro-turo ang nakikita nito sa likod. "Ano iyon, 'na