Chapter Eighty-two "Nahihiya ka ba sa akin, 'nak?" malambing na tanong ni Governor Colton sa kanyang anak. Nasa banyo na sila. Ako naman ay inilalabas ko ang gamit ni Coby sa bag na dala namin. Hindi ko narinig ang sagot ni Coby. Kaya lumapit ako sa banyo at sumilip. Sinasabunan na ni Colton ang bata. Tapos itong si Coby ay nakatakip sa mukha ang kanyang mga palad. "Okay lang iyan, Coby. Kapag hindi ka na nahihiya sa papa ay yayayain kitang maglaro ng basketball." Agad na inalis ni Coby iyong kamay n'ya na nakatakip sa mukha n'ya. "Marunong ka po?" "Oo naman, 'nak." "Magaling ka po parang iyong sa TV na pinapanood namin ni Papa Top?" "Hindi, pero marunong pa rin." Napabungisngis ako. "Weh?" "Gagalingan ko para sa 'yo." Hindi na umimik ang bata. Parang naglagay na naman ng distansya