Chapter Eight-one Kanina ko pa pinagmamasdan si Coby. Pasimple nitong tinitignan si Colton. Sa tuwing titingin naman si Colton ay mabilis itong nag-iiwas nang tingin. "Anak, may problema ba?" tanong ko rito. Narito na kami sa villa. Busy si Top sa pag-aayos no'ng laruan ni Coby dahil hindi ito pumayag na maiwan iyon. Si Governor Andreras naman ay busy sa laptop nito. Hindi ako sinagot ni Coby. Pero naglakad ito patungo roon sa likod ng upuan ni Colton at muling sumilip. Pasimple lang ulit. "A-no po 'yan?" mahinang tanong ng bata. Parang nagulat pa si Colton dahil doon. "Ah, laptop ito. Gusto mo bang subukan?" lambing ng ama sa kanyang anak. Obvious pa rin naman na gusto pa rin ni Coby na maglagay ng harang sa kabilang dalawa eh. "Ayaw po." Saka ito dali-daling tumakbo palabas. "G