Chapter Eighty "Saan kayo nagpunta ni Top kagabi?" tanong ko kay Colton habang kandong-kandong n'ya ako sa sala. Himbing na himbing sa pagtulog si Coby sa kwarto ko, gano'n din si Top sa kwarto n'ya. Kaya nakuha na naman naming magsama ni Colton. Nandito kami ngayon at nagpapahinga sa sala. Madaling araw na. Kaya naman 'kagabi' iyong ginamit. "Nagpunta kami sa bayan." "Kasi? Baka naman sineryoso mo iyong sakong green, Governor Andreras. Mapapalayas talaga kita." Banta ko rito. "Hindi, ah!" tanggi nito. "Pero gusto ko nga sanang gawin. Kaso sinabi ni Top na kapag binili ko iyon ay magagalit ka sa akin." "Talaga. Aanhin natin ang maraming bigas?" "Kaya hindi ko na lang tinuloy." Napabuntonghininga ito. "Pero may binili ako para kay Coby." "Ano?" inangatan ko ito ng kilay. "La