Chapter Seventy-nine "Taray, ang daming bigas." Nakaingos na ani ni Coby habang pinagmamasdan ang mga bigas sa tricycle, habang kumakain ng ice cream. "Binili ni Papa Colton iyan." Bulong ni Top sa bata na narinig ko naman. "Bakit? Siguro malakas siyang kumain. Natatakot siguro po siya na maubos ang kanin, 'no?" "Para sa 'yo iyan, Coby. Share rin ni Papa Colton sa bahay." Dagdag paliwanag ni Top. Obvious na tinutulungan nito si Colton na mapalapit o mapabago ang pangalan kay Coby. "Ah, kainin n'ya lahat iyan. Hindi ako kumakain ng kanin na ang bigas ay galing sa red na sako po." Napaawang ang labi ko sa gulat. Kailan pa naging issue sa anak ko ang lalagyan ng bigas? Dahil lang sa sako? "What? Anong kulay ng sako ba ang gusto mo?" biglang singit ni Colton na nakikinig din pala. I